Chapter 47

3K 65 0
                                    

Third Person's PoV

     

    

Naglalakad sa may lobby ng hotel si Charlene ng may marinig siyang nag-uusap tungkol sa asawa niya, kumbaga random talk lang kaya huminto ito at pinakinggan ang pinag-uusapan nila. Hindi naman  siya  napansin ng mga ito. 

     

    

"Uy alam niyo ba si Sir Raineer, hindi pala marunong magcommunte yan dati pero dahil may sinusundan daw siyang babae kaya ayun natuto siya." 

    

    

"Huh? Totoo ba yan?"

    

    

"Ibig sabihin niloloko niya lang si Mam Chacha?" 



"Mga baliw! Hindi ko alam. Pero ang bulong bulungan dito ay DATI—- dati na yun, matagal na daw niyang sinusundan yung babae kung hindi ako nagkakamali ay may mahigit dalawang taon din niyang sinusundan at hindi ko alam kung hanggang ngayon ay sinusundan pa rin niya."

    

    

"Ohh?? Talaga? Hindi kaya si Miss Bianca yun?"

    

    

"Baliw! Matagal ng wala dito yung lintang yun kaya baka hindi siya yun."



"Eh paano naman si Mam Charlene? Naku, akala ko pa man din hindi lolokohin ni Sir si Mam. Paano nalang kung nalaman yun ni Mam edi malaking away 'to. Idol na idol ko pa man din silang mag-asawa."


Patuloy lang sa pagsasalita yung babae habang ang dalawang kasama niya ay kinakalabit na siya upang huminto na sa pagsasalita niya. Narealize nalang nito nong makalapit si Charlene sa kanila.



Sa isip-isip ni Charlene, ano pa nga bang magagawa niya e nakita na siya nong dalawang babae kaya nilapitan na niya itong mga ito. Natahimik yung babae at yun na ang pagkakataon ni Charlene upang magsalita. Ngumiti ito sa kanila kahit na hindi maganda ang narinig niyang pinag-uusapan nila.



"Mga teh, ano po ba ang ipinunta niyo dito, trabaho o tsismisan?" mahinanong tanong ni Charlene pero sa loob loob niya ay kumukulo na ang dugo niya.



"Trabaho po Mam." nakayukong sagot ng tatlo.



"Sa susunod na pag-uusapan niyo ang asawa ko, siguraduhin ninyong kayong tatlo lang ang makakarinig at walang ako o ni sino ang nasa paligid ninyo. At sa susunod na makikita ko pa kayong nagtsitsismisan dito sa may LOBBY pa mismo ay sasabihin ko na kayo sa supervisor niyo."



Ayaw sana ni Charlene ang nagsusungit o naninita kaso hindi niya mapigilan ang sarili niya. Feeling niya ngayon lang ulit siya nagsita ng staff nila.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon