Chapter 53

3.6K 73 0
                                    

Ella's PoV
   
   
Kakauwi lang nila Tito Rene at Tita Aida para kumuha ng gamit at mga damit nila Chacha at Rain, pati na rin ni Riven. Umuwi na rin si Raniel dahil walang magbabantay sa Cafe La Prinsesa niya, lalo na't wala ngayon si Anthony na kasama niya roon tanging mga staffs lang niya.
   
"Hon let's go? Tumatawag na si Manang Fe, gising na daw si Princess."
    
Uh? Anla, nakalimutan ko ang anak ko. Nagpaalam nga pala ako kay Manang na saglit lang ako dito sa hospital.
     
Tumayo ako at nilapitan si Cejay na nasa may pinto ng kwarto ni Charlene.
   
  
Napalingon ako sa mag-asawa. Si Charlene ay nakaupo sa edge ng kama, tahimik at mugto ang mga mata samantalang si Raineer naman ay tahimik din na nakaupo sa sofa, nakatitig sa kawalan, halos mugto na rin ang mga mata.
    
Nalulungkot tuloy ako para sa kanilang dalawa, nasasaktan.
   
"Hon?" Mahinang sambit ni Cejay saka ako tinapik sa balikat.  "Tara na?" Tanong nito.
      
Tumango nalang ako saka sumulyap saglit sa loob bago pa man maisara ni Cejay ang pinto. Napahinga tuloy ako ng malalim.
   
Naramdaman ko namang hinawakan ni Cejay ang kamay ko.  "Hon..."  panimula nito.  "...I know what you are thinking." Sabi nito. Kaya napahinto ako sa paglalakad.
    
Napasimangot ako.  "Nalulungkot ako para sa kanila, hon e."
   
Bumitaw siya sa kamay ko saka ako mabilis na hinalikan sa noo. "Don't be. Magiging maayos din ang lahat sa kanila. We are here to pray for them. Kung yung sa atin nga naayos, yung kanila pa kaya? Kaya wag ka ng mag-alala para sa kanila, ang isipin mo ngayon ay nagugutom na si Princess kaya uuwi na tayo."
   
Ugh! Oo nga pala.
   
"...Pati yata ako biglang nagutom." Sabay tingin niya sa akin ng malagkit saka tumingin sa... Errrr!
   
   Napalo ko tuloy siya sa braso.  "Pervert!!"  Sabi ko saka ako pumasok sa elevator.
    
Natawa naman siya saka tumabi sa akin bago pa man ako matabihan ng ibang lalaki dito sa loob.
    
"Pervert agad, di ba pwedeng gutom lang talaga ako... sayo."
    
"Hon?!"  I stamped my feet in frustration not minding the other people inside the elevator.
  
He chuckled saka umakbay sa akin. "Joke lang naman, hon." Sabay pisil sa pisngi ko. Uh! Bakit parang kenekeleg ako sa gestures niya ngayon? Ehh~  "But honestly, nagugutom ako. Bili muna tayo ng makakain bago tayo umuwi and we need to buy for Princess too."
   
"She's just 2 months old, hon."  Sagot ko.
    
2 months old palang ng anak namin tapos bibihan na rin niya ng pagkain? Yung totoo, hindi naman kami si Bella at Edward Cullens para magkaroon ng anak ng mabilis lumaki. Mukha ba kaming vampire? Tss.
   
   
Lumabas na kami ng hospital saka dumeretso sa parking lot. Pinagbuksan niya ako saka siya sumakay.
     
"I know she's just only 2 months."
    
"Alam mo naman pala tapos ibibilhan mo pa ng makakain. Ano namang pagkain ang ibibili mo, chocolates? Candies?"  Sarcastic na sabi ko.
    
Hindi agad siya nakasagot, waring nag-iisip siya ng isasagot niya.     
Kung minsan talaga hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nitong Cejay na 'to e. Hindi ko din alam kung bakit ko nga ba pinatulan at minahal ang gaya niya. Hmm.
   
Love is blind, isn't it?
   
"Ibibili ko nalang siya ng gatas niya, yun lang."  Biglang sagot ni Cejay na mukhang naiinis pa. Napairap tuloy ako ng wala sa oras, saka humarap sa may bintana.
    
Nasa tapat na pala kami ng isang fast food chain, to be exact sa drive thru nito. May mga inorder si Cejay at ilang minuto pa ay binigay na ang order niya at umalis na kami doon, next stop naman namin ay sa isang drug store.
   
"Dito ka lang, hon. Bibilhan ko lang ng gatas si Princess." Sabi nito saka lumabas.
   
Princess... Princess... Princess... Princess siya ng Princess, e hindi naman Princess ang pangalan ng anak namin kundi AFIA. A-F-I-A. Yan ang pangalan niya.
   
Buang na Cejay yan. Mesa abnormal din talaga e. Tsk tsk. Ikakain ko nalang ng fremch fries ito.
   
   
Nanami's PoV
    

Tahimik lang akong nanonood ng movie habang si Jhaz naman ay nagluluto ng pang dinner namin. Aaminin ko, mas magaling siyang magluto kesa sa akin. Hehe.
     
Kaya nga mas gusto ko talagang siya ang nagluluto tuwing nandito siya sa bahay dahil nakakakain ako ng maayos, nawawalan kasi ako ng gana kapag ako ang nagluto feeling ko hindi masarap kahit na sinasabi ni Jhaz na masarap naman daw.
     
"Nams, kain na tayo bago natin bisitahin ang Ate mo."
   
Napalingon ako sa likod ko and saw my husband wearing an apron that looks cute on him. Hehe.
    
I smiled and walk towards him with a smile.  "Gwapo naman ng hubby ko." Sabay yakap sa bewang niya ng mahigpit.
    
He hugged me back saka ako hinalikan sa ulo ko.  "I love you, my wife."
    
"I love you more, my hubby."
     
   
Matapos ang sweetness moment naming dalawa ay nag-ayos na kami para pumunta ng hospital. Ate needs me now, they're both need us right now. Hindi basta basta ang pinagdaraanan nilang mag-asawa.
   
Hindi naman mawawala ang misunderstanding sa mga unang taon ng pagsasama di ba?
   
"Wife, aren't we going?" Tanong ng naiinip kong hubby.
   
"Wait, hinahanap ko lang yung hikaw ko, nawawala kasi e."
   
"Tss. Hindi ba pwedeng mamaya o bukas mo nalang hanapin yun, anong oras na din naman e. Gagabihin na tayo."
   
Ugh! Sige na nga, bukas na yun. Nakakainis naman siya, importante kaya yun sa akin. Bigay pa ni ate yun na binili daw ni Tatay nong nasa ibang bansa siya.
   
"Why you look so frustrated?"
   
Napasimangot tuloy ako at hindi siya pinansin. Nandito na kami sa hospital at dumeretso lang ako sa room  ni Ate habang hindi pa rin pinapansin si Jhaz sa tabi ko. Buong byahe ko rin siyang hindi pinansin.
   
Nabobother pa rin ako, iniisip ko kung saan ko ba nailagay yung pares ng hikaw ko. Suot ko lang yun nong isang araw nong pumunta kami sa bahay ng parents ni Bianca and now it's gone.
   
Pati yata yun balak pang kunin ng witch na si Bianca. Hmmp.
    
"Wife..."
    
"What?!"
     
"Sssshhh."  Saka niya ako sinenyasang tumahimik. Kaya tumahimik naman ako at tinignan ang tinuturo niya.
    
    
Charlene's PoV
    
   
Silence.
    
Kanina pa walang ingay o kung ano man dito sa apat na sulok ng hospital room ko. As in napakatahimik simula ng umalis sina Ella. Hindi na nga rin sila nagpaalam sa amin dahil alam siguro nila na----.
     
"I---I thought we lost our son." Sa wakas nagsalita na rin siya.
   
Ilang oras nga bang tahimik ang kwartong ito? Sa sinabi niya parang kumirot ang puso ko pero binalewala ko na dahil ok na ang lahat. Nagpapasalamat talaga ako dahil walang nangyari sa anak ko ---- sa anak namin.
    
     
*Flashback
     
    
"Salvador po, Mam."   Sagot ng nurse.
     
Hindi ako agad nakapagreact sa sinabi niya, para bang bigla nalang nadurog ang puso ko. Parang feeling ko unti-unting pinapatay ang puso ko sa sakit. Napakasakit. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala ang anak ko. Ilang buwan ko siyang dala-dala sa sinapupunan ko at simula't sapol minahal ko na siya kaya hindi ko yata makakaya kapag nawala siya.
    
"C-Charlene..."  napalingon ako sa kaharap kong si Ella. Pilit ko mang pinipigilan ang luha ko pero hindi ko na siya mapigilan.
     
"Ella..."  napayakap ako sa kanya at hindi napigilang humagulgol sa balikat niya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas sa pagkakayakap ko.
    
"Mas mabuti pang puntahan  na natin ang anak mo, ok?"
     
Tumango ako at dali daling naglakad kami papuntang Nursery room, nasa labas lang kami at hindi mapalagay, may mga ibang tao rin pala na nandito siguro ay gustong bumisita rin sa loob ng nursery. Si Ella ay tinawagan si Cejay at baka pati sila Mama ay tinawagan na niya, ako naman ay nagdadasal nalang dito. 
     
Napaluha na naman ako dahil sa pagkakataong ito wala na naman si Raineer ngayong kailangan siya ng anak namin.
   
Siguro nga hindi kami mahalaga ng anak ko sa kanya, kahit na sinabi na niya sa akin na wala talaga siyang babae at pinagbantaan siya ni Bianca na may gagawin siya sa amin ng anak ko.
    
Oo, sinabi na lahat lahat sa akin ni Raineer pero parang ayaw ko pa ding maniwala. Natatakot ako. Natatakot ako na baka sinasabi niya lang yan dahil kaharap namin sila Mama noon.
   

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon