Third Person's PoV
"Nandiyan na siya... Nandiyan na siya..."
Bulong-bulungan ng mga istudyante sa school nila Chloe. Naglalakad siya sa may hallway ng building nila ng mag-isa ng naka-earphone, nagtataka siya kung bakit siya pinagtitinginan ng mga tao kaya huminto siya sa gitna at tinanggal ang nakasalpak sa tenga niya.
Tinaas niya ang isang kilay niya ng nagtataka saka luminga linga sa paligid.
"What's up guys?" kampanteng tanong niya.
Tinitigan lang siya ng mga tao hanggat sa may mga lalaking naglalakad sa gitna at mukhang hindi nila alam ang mga nangyayari sa paligid nila dahil nakatutok sila sa cellphone na pinag-uusapan nila.
"Hahaha. Stalker na pala siya ngayon."
"Kaya nga pre. Ganda pa man din niya."
"Wag niyo ngang ginaganyan baby loves ko. Hindi siya stalker no."
"Uy. Si Chloe!"
Napahinto ang mga ito ng makita nilang nasa harap na mismo nila si Chloe.
Ngayon lang nila napansin na napakadami na palang tao sa paligid nila at napapagitnaan na sila. Bigla namang inilahad ni Chloe ang kamay niya, sinyales para ibigay nila ang cellphone nila sa kanya.
Inabot naman ito nong lalaking nagsabing 'Baby loves" niya si Chloe.
Napakunot ang noo ni Chloe dahil nakita niyang hindi sa account niya galing ang post kundi sa account ni 'MartinThe13th' kaya agad-agad niyang chineck ang IG niya at halos manlaki ang mga mata niya dahil naka-log-in dito ang Instagram account ni Vince at hindi sa kanya.
"Vince!!!" nang-gagalaiting sigaw nito saka ibinalik ang phone sa mga lalaking nasa harap niya saka siya umalis para hanapin si Vince sa classroom nila.
Hindi na niya pinansin ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil ang tanging nasa isip niya ay si Vince.
Si Vince na pumepeste sa buhay niya simula nong dumating siya.
"Hoy Vince!" Inis na tawag nito sa natutulog na si Vince sabay batok ni Chloe sa ulo ng binata kaya biglang napabangon ito.
"What's your problem?" seryosong tanong nito.
"Wow ha.What's your problem your face! Bakit mo nilog-out ang IG account ko?!! Kaya pala nagtataka ko kung bakit hindi ko mga kaibigan ang nasa account ko dahil hindi ko pala account yun kundi account mo! Alam mo, peste ka talaga sa buhay ko e. Nakikialam ka kasi ng account ng may accoun------asdfghjkjhgafgh!"
Natigilan si Chloe sa pagsasalita ng biglang pisilin ni Vince ang bibig nito na agad namang tinabig ni Chloe.
"Pwee! Yuck kadiri ka... Bakit mo ginawa yun? Isusumbong talaga kitakay Lola Zenny! Humanda kasa akin!"
Salita ng salita si Chloe pero ang kinokompronta niya ay bumalik sa pagtulog at tinakpan ang tenga nito.
"I am not in the mood, Riz!" walang ganang sabi nito kaya mas lalong naghimutok si Chloe at napapaypay nalang ito sa sarili.
"Uh! I'm not Riz!!" sabi nalang nito saka umupo sa upuan niya kung saan ay katabi lang ni Vince.
"Are you done, Miss Salvador?" tanong ng Teacher niya na non niya lang napansin na dumating na pala. Padabog niyang nilagay sa armchair niya ang bag niya saka sinagot ang teacher niya.
"Yes Sir. Go on with your discussion, don't mind me po."
Buong klase ay badtrip si Chloe sa katabi niyang si Vince habang ang kinaiinisan naman niya ay magdamag lang na natutulog. Sumagi na rin sa isip ni Chloe kung bakit nagkakaganito si Vince, e dati naman ay lagi siya nitong iniinis at inaasar.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomansaNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...