Chapter 17

3.7K 90 3
                                    

Charlene's PoV

Halos tadtarin ko ang hawak kong sibuyas dahil sa inis. Nakakainis! Nakakainis talaga! Arrrggg!

"M-Ma'am Cha... Ano pong--- jusmiyo Ma'am Charlene..."  lumapit si manang sa akin at kinuha ang kutsilyo na hawak ko. Ngayon lang nagsinked-in sa akin na yung hawak kong sibuyas ay halos durog na. Arrrg!

    Batr1p kasi yang Raineer na yan e. >_<

"Ano po bang ginagawa niyo Ma'am Cha? Mas mabuti pong ako nalang ang magluto ng umagahan bago po ninyo matadtad yang kamay niyo... Doon nalang ho kayo, Ma'am."  sabi ni Manang.

Umupo ako sa highstool at nangalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa kawalan... Walang hiyang lalaki yun, ilang araw ng hindi umuuwi ng bahay, hindi rin siya nagpupunta ng office. E kung layasan ko kaya siya dito at ng makita niya ang hinahanap niya. Peste siya!

Siya na nga ang pinagbigyan siya pa ngayon ang walang modo! Aba't wag na wag siyang magpapakita dito at baka siya ang palayasin ko sa sarili niyang bahay... Arrrg.

   "Manang wag na po kayong magluto pupunta po ako kina Mommy." 

Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko at nagpahatid ako sa driver sa labas ng subdivision na ito. Hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta bahala sila diyan kapag dumating na ang amo nilang manloloko. tsseee.

Pumara ako ng taxi at nagpunta sa bahay ng mga Salvador. Buti nalang at nandito ang dalawang matanda, nasa green house daw sila kaya agad naman akong pumunta dito...

"Goodmorning Mom and Dad."  Oha! Feel na feel ko ang pagtawag sa kanila ng 'Mom and Dad'. Syempre nagmano na rin ako sa kanila.

"Oh anak ang aga mo naman ata?" tanong ni Dad.

"Opo. Wala po kasi akong magawa sa bahay kaya naisip ko pong pumunta nalang dito." paliwanag ko. 

Umupo ako sa bench sa tabi ni Mom...  "Wala po kasi si Raineer sa bahay, hindi ko naman po alam kung saan nagpunta ni hindi rin po tumatawag sa akin..."  Paawa effect ko sa matanda. hinaplos niya ang buhok ko.

    "Baka busy lang sa hotel anak. Ang alam ko may pinagkakaabalahan siya ngayon sa Pe----"

"Ahh. Honey pakiayos nga itong paso na nandito..."  tawag ni Dad habang inaayos ang mga bulaklak sa harap niya. Pumunta naman si mom para ayosin ang paso na natumba.

Napapangiti ako habang tinitignan ko silang mag-asawa, kahit na matanda na sila ay nandon pa rin ang sweetness nila. Sana maging ganyan din kami ng mapapangasawa ko.

Habang nag-aayos sila ng halaman nila ay hindi ko naman maiwasang maglakad dito sa loob ng greenhouse nila. Napakaluwang pala nito kapag nandito ka na sa loob. Madaming iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman. Pagdating ko sa dulo nito ay may puno na malaki na abot sa taas ng greenhouse at ginawa itong tree house at sa ilalim naman ng puno ay may dalawang upuan at maliit na lamesa sa gitna nito, Siguro madalas dito ang mag-asawa pero parang ang liit naman ata nitong mga upuan dito, parang pambata kung titignan. Aakyat sana ako ng tree house ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Ginawa yan ni Rener noong highschool palang siya kasama ang kapatid niya." 

"May kapatid po si Raineer?"  gulat na tanong ko kay Dad. Walang nababanggit sa akin si rain na may kapatid pala siya. Atsaka bakit wala siya nong kasal namin.

Tumango si Dad at lumapit sa upuan at hinawakan ito na parang bang may inaalala siya. Nakatitig lang ako sa kanya nang magsalita siya...

"Raniella. Raniella is her name..." Panimula ni Dad at ramdam ko na parang may kakaiba sa tono ng boses niya.  " 4th year highschool si Rener at 1st year naman si Raniella nong ginawa nila ito. Lahat ng ito pinagtulungan nilang gawin, Raniella was very happy while doing this. Her laugh, her noise, her beautiful smile, her positive thought are always here in our heart but that changes all when she gone..."

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon