Chloe's PoV
Napatakip ako ng bibig ko saka ako tumakbo palabas ng hospital. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta ang gusto ko makalayo ako dito. Wala na din akong pakialam kung sino man ang mabunggo ko.
"B-Bakit?!" tanong ko sa sarili ko. "Ayokong maghiwalay sina Mommy at Daddy! huhuhu" Sigaw ko ng makarating ako ng parking lot. May mangilan-ilan ng tao dito pero wala akong pakialam sa kanila kung pagtinginan nila ako.
Naupo ako sa sahig at doon ibinuhos lahat ng hinanakit ko. Bakit kailangan mangyari lahat ng 'to? Dahil ba kay Hanna? E hindi naman siya tunay na anak ni Daddy e!
"I hate you both!" Sigaw ko saka ko pinunasan ang mga luha ko pero patuloy pa rin ito sa pagbagsak. Napasimangot ako ng may lalaking naglalakad palapit sa akin mukhang babanggain pa yata ako. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa mga luha kong patuloy na bumabagsak.
Napahikbi ako. "Kainis naman e!!" sambit ko. Napansin kong may dalawa ng paa ang nasa harap ko. Unti-unti akong tumingala hanggang sa tingalain ko ang mukha ng lalaking nasa harap ko ang kaso nga lang hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nasisikatan ito ng araw kaya kinailangan ko pang harangan ng kamay ko ang mata ko para lang makita siya.
Then suddenly, he let out a hanky and hand it over to me. "Punasan mo uhog mo, nakakadiri." Kilala ko yang boses na yan at siya lang ang may boses non. "Magpupunas ka ba o ako ang pupunas sa mukha mo?"
Napasimangot ako't padanog na tumayo saka tumalikod sa kanya at magsisimula na sana akong maglakad ng pigilan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano bang problema mo, Vince!?" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at hinawakan lang niya ang magkabilang braso ko at ipinaharap sa kanya.
Sumunod na ginawa niya na hindi ko inaasahan ay pinupunasan na niya ang mga luha kong pasaway na ayaw magpatigil.
"Ayokong nakikita kang umiiyak, hindi mo bagay." sabi nito at inigaw ko sa kanya ang panyo niya.
"Pakealam mo ba kung umiiyak ako? It's none of your business!" sagot ko sa kanya. Nagsimula na naman akong maglakad pero masyadong malaki ang biyas nitong lalaki na to para habulin ako at hawakan na naman ang braso ko.
"Because I care, Chloe. Ayokong nakikita kang umiiyak..."
"B-Bakit naman?"
"K-Kasi nga hindi mo bagay... Mas lalo kang pumapangit. Wala ka na ngang itsura tapos iiyak ka pa, ano nalang sasabihin ng mga alaga kong pusa kapag nakita ka? 'Ang panget ni Chloe... Ang panget ni Chloe' yan ba ang gusto mong marinig? Tsaka hayaan mo muna yang problema ng mga magulang mo. Mas mabuti pang sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo."
Hindi na ako nakareklamo dahil bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa blue ford expedition niya. May driver naman siya kaya hindi na ako dapat mag-alala pa.
Hindi na ako nakapaalam kina Daddy at Mommy at wala akong balak magpaalam sa kanila.Gusto ko muna magliw-aliw kasama ang baliw na si Vince.
Sana lang ay maentertain niya ako.
Charlene's PoV
"Wala daw si Chloe sa bahay!" nag-aalalang sabi ko kay Raineer. Narinig kong napamura siya at kinuha ang cardigan niya. "San ka pupunta?" tanong ko.
"I'm going to find our daughter!" sabi nito at lumabas na ng hospital room. Tinignan ko muna si Hanna, "Sige po, hanapin niyo po muna anak ninyo. Sorry po!" Pagkasabi niya non ay tumakbo ako palabas para habulin si Raineer. Goodthing nakita kong papaalis palang siya ng parking lot, nakita din naman niya ako kaya huminto siya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...