Charlene's PoV
I sighed.
"Raineer naman... Ayaw kong maulit yung nangyari noon!"
"It won't happen again Charlene. Believe me!"
"Pero nangyayari na."
Umupo ako sa kama saka naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Hindi 'to pwede. Natatakot ako sa pusibling mangyari.
"what are we going to do?"
"You will talk to them, tutal ikaw naman ang kumukunsinte diyan e. Bahala ka." sabay walk out ko.
Ayoko na. Sawa na ko. Lagi nalang ito ang pinag-aawayan namin ni Raineer. Hindi naman tama na lagi nalang ganito. Gusto ko siya mismo ang kumausap sa kanila tutal siya naman ang padre de pamilya ng bahay na 'to.
"Mom, is everything ok? Nag-aaway na naman ba kayo ni Dad?"
"Riven, we need to talk. Now!"
Naglakad ako palabas ng bahay saka pumunta sa garahe.
"Sakay." utos ko at sumunod naman siya.
"Mom, san ba tayo pupunta?" tanong niya at minabuti kong hindi na siya sinagot.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang gusto ko ay makasama ko siya at makausap ng kaming dalawa lang.
"Mom, nag-away na naman ba kayo ni Dad? Sagutin mo naman ako oh. Ayokong maulit na naman yung nangyari noon."
"Hindi... Kaya tumahimik ka diyan Riven Charles!"
Kung alam mo lang anak kung ano ang pinag-aawayan namin ng Daddy mo.
Inihinto ko ang sasakyan sa gitna ng kawalan at pagtingin ko sa paligid ay nandito pala kami ngayon sa bahay ng pinakamamahal kong kapatid na si Nami.
"Why are we here, Mom? May sakit ba si Tita?"
I sighed for the nth time saka hinaplos sa ulo ang panganay ko.
"Wala siyang sakit, anak. I just... want to be here. Let's go?"
"Mom, you're not running away from Dad, didn't you?"
I laugh at him saka sinapok ang braso niya. "No way, anak. Hahaha. bat' ko naman tatakbuhan ang tatay mo? Takot ko lang na maagaw siya ng iba sa akin at saka baka umiyak yang tatay mo kapag iniwan ko yan dahil mawawala sa kanya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."
"Pffft. Kahit kailan... kaya idol na idol kita Mom e. Let's go?"
Chloe's PoV
"Nakita mo ba si kuya?" tanong ng panget kong kapatid na ubod ng tamad. Inirapan ko pa siya dahil tinanggal niya sa tenga ko ang maganda kong headphone.
"Hindi." sagot ko.
"E si Mommy?"
Muli ay inirapan ko ulit siya saka tuluyan ng tinanggal ang headphone sa tenga ko at ipinatong iyon sa center table. Nandito kasi ako sa veranda ng kwarto ko.
"Hindi rin." Sagot ko saka ko kinuha ang libro ko sa mesa at binuklat ito at binasa ng tahimik. Pero kung binubwisit ka nga naman ng kapatid mong ubod ng tamad e no?
Kinuha niya ang libro ko at isinara ito. "E si Dad?"
"Ano bang problema mo Raigel?! Kita ng busy ako dito. Eh kung hanapin mo kaya sila kina Manang baka alam nila... Nagbabasa ang tao e."
Imbis na sumagot ay tahimik siyang umupo sa tapat ko at ibinalik ang libro ko na pinaka-aadikan ko ngayon na novel ni Nicholas Sparks na 'See Me'. Pagbuklat ko ng libro ay hindi rin naman ako mapakali dahil sa taong kaharap ko. Napahinga ako ng malalim dahil sa hindi maipinta niyang mukha kaya ibinalik ko ang libro sa mesa.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...