Chapter 12

4.9K 84 2
                                    

Chacha's PoV

Unti-unti kong minulat ang mata ko at nag-inat-inat ako. Ang sarap matulog, para akong nasa isang napakakomportableng higaan sa lahat... ^__^ Ngumiti ako saka niyakap ang hotdog pillow na nasa tabi ko, nakaharap ako ngayon sa bintana ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko, parang nag-iba ata ang kulay ng kurtina ng kwarto ko, pati ang bintana iba na at itsura. Napabalingkwas ako't nilibot ang tingin ko sa loob ng kwarto...

>_<

0_0??

>_<...

Oh my ghad! Nasaan ako? Saang bahay ako? Baka may dumukot sa akin, nirape ba nila ako? Hindi naman ako nahubadan... Ahhh! Anong bang iniisip mo Chacha? Wag ka ngang magpanic. At saka kung dinukot man ako hindi sana ganito kaganda ang kwartong ito noh.

*Knock

*knock

Lumaki bigla ang mata ko ng may kumatok kaya nataranta ako at nagtago sa likod ng pintuan, hawak ko pa rin ang hotdog pillow at ready na akong ipukpok sa kung sino man 'tong papasok sa kwartong ito... Nang makita ko na ang paa niyang papasok ay...

"Kyaaaaaaahhhhh... Walang hiya ka... Pakawalan mo ko dito... Hayo-----"

"Hey... Charlene would you stop shouting? Its me Raineer!" Nagblink ng dalawang beses ang mata ko sa sinabi ni... Rain? Waaah.. Nakakahiya ka Chacha, nakakahiya! >_<

"Ano bang ginagawa mo ha?" Tanong niya sa akin na para bang naiinis na.

>_> <_< "Ahmm. Sleep walk.. Dreams... Tama! Nananaginip ako, nananaginip lang... Babalik na ako sa kama, hihiga na ulit ako..." Mabilis akong naglakad papunta sa bed at saka mabilis na nagtaklob ng kumot... Pinagpupukpok ko ang ulo ko sa kahihiyang ginawa ko. Sheet naman, im so so embarrased! Nakakahiya talaga...

"Pffft." rinig kong napatawa ng mahina si Rain kaya tinanggal ko ang kumot sa ulo ko saka siya tinignan at kumpirmado nga tumatawa ang loko...

"Hoy bakit ka tumatwa diyan?" pangungompronta ko sa kanya.

"What? Am I laughing?" painosenteng sagot niya sa akin. Langya! Tapos ngayon kunwaring hindi tumatawa e nakita ko namang tinatawanan niya ako. Kainis! Grrrr. May araw ka din sa akin Mr. Raineer Salvador.

*********

"How are you my dear? Hindi daw kayo umuwi ni Rener kagabi sabi ni manang, san kayo nanggaling?" tanong ni mommy sa amin ni Rain habang kumakain at napakalawak ng ngiti niya. Nandito kasi sila sa bahay, bumibisita.

Nakita kong sumama ang tingin ni Rain kay manang kaya tinabig ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa. Ngumiti ako kina mommy at ako na ang sumagot. "uhm. Galing po kami ng hotel mommy, dun na kami natulog kasi napagod ako kagabi kaya hindi na kami nakauwi. ^__^"

"Talaga?" excited na tanong ni mommy, si dad naman nakangiti rin at si Rain naman ay napahawak nalang sa noo niya at hinimas niya ito... May nasabi ba akong mali?

"Mom, Dad, its not what you think. She was tired of waiting for me at my penthouse. That's all." sa paliwanag ni Rain ay parang nadisappoint sila mommy at daddy. Eeh? Bakit kaya? NaoOP na ako, hindi ko alam ang nangyayari sa mga 'to. Nakakaloka.

"I thought you already did that, hijo."

"Dad!" saway ni Rain kay Dad. at nagtawanan lang silang mag-asawa at tinap ang balikat ni Rain.

"Anak, don't be so deniable. Look, lahat ng married couple ginagawa yun. Kaya wag kang mahiya sa amin ng Mommy mo. Susuportahan ka naman namin and let me know kung nakailang base ka ha. *wink" Uh? ano yung binulong ni Dad kay Rain? Waaah. NaoOP na talaga ako... :(

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon