Chapter 13

4.8K 108 11
                                    

Cha's PoV

"Kay sarap gumising sa umaga, kapag ikaw ang unang nakikita.

Ngiti mong maaliwalas, ang siyang nagbibigay kulay sa aking mundo.

Oh mahal ko, ikaw lang at wala ng iba."

Ako'y napapatula dahil sa ganda ng araw ko, tapos na akong magtula, bow na po.. Hahaha... Napapatula tuloy ako dahil sa sobrang kasiyahan. Ngayon na kasi ang pinakahihintay kong overnight bonding naming tatlo nila Ella at Nami. Ang aga-aga nga nandito na si Ella, may dalang recipe para sa chocolate cake na gagawin niya para daw mamaya. Si Nami, ayun papunta palang dito kasama si JJ, siguro malapit na yung mga yun.

Well, may bisita din si Rain, gaya ng sabi niya yayayain niya rin daw sila Cejay. Actually kanina pa yun nandito nandun lang sila ni Rain sa office niya dahil may pag-uusapan daw silang importante. Hmp. Hanggang dito ba naman kasi dadalhin nila yang trabaho nila, hindi ba pwedeng ipahinga muna nila sarili nila para naman malibang sila hindi yung puro trabaho ang nasa utak. tsk tsk.

"Cha, tikman mo nga 'tong icing kung pwede na." sabay subo sa akin ni Ella nong kutsarang may icing. Jusme! Nakakaloka 'tong babaeng 'to, kung hindi ko lang 'to bestfriend... Hay naku!

Tumango ako sa kanya saka ipinatong ang kutsara sa plato. "Ano? Okey na ba? Wag kang tumango Chacha..." ngayon naman ay nagthumbs-up ako sa kanya. "Ayos na." sagot ko.

"Kainis tong babaeng to para sasabihin lang na 'okey na', tagal pang sumagot. tsk." pagpaparinig nitong si Ella. Haha. Parang bata e. Inilabas ko mula sa oven ang baked macaroni na ginawa ko saka nilagay sa mesa. Hmm. Ang bango! *0* gusto ko nang kainin pero mamaya nalang. hihihi.

Ilang minuto po ay dumating na sila Nami at JJ, lumabas na din sila Rain at Cejay sa office dahil naamoy daw nila ang niluto ko. Oh di ba? panalo 'to. Hahaha. Eh sa magaling ako magluto e. Hehe.

"Ang bango naman niyan Misis Salvador." komento ni Cejay at balak pang dutdutin ang niluto ko kaya hinampas ko ang kamay niya gamit ang pat holder.

"Wag ka munang kumaha diyan." suway ko sa kanya. Nakita kong ngumiti sa akin si Ella saka ako binulungan.

"Mukhang nasasanay ka na atang tinatawag na Misis Salvador ah." May pang-aasar na sabi nito. Enebeyen si Ella, panira ng moment eh. Hindi ko na nga lang pinapansin yung sinabi ni Cejay, siya naman ang pumansin. Kalurki!!

"Ate, may dala din akong mga chips oh, may banana chips din dito. " singit naman ni Nami sa amin. Niyakap ko siya saka kinuha ang sinasabi niyang mga chips na dala niya. "Wow!" sabi ko habang iniisa-isang ilabas ang mga ito mula sa plastik. Binuksan ko ang isa saka kumuha at isusubo na sana ang kaso...

"Don't eat it. Masama yan sayo." sabi nitong istranghero sa tabi ko at kinuha niya ang hawak ko pati na rin yung nasa plastik. Natulala lang kami sa inasta niya at sinundan ng tingin habang palabas siya ng kitchen. Aba, aba, aba... Saan niya balak dalhin yung mga yun? Huhu.

Nag-excuse ako sa kanila saka sinundan si Rain papunta sa likod ng bahay... "Oi Rain san mo ba dadalhin yan? Kita ng kakainin namin yan e, sabihin mo lang kung gusto mo hindi yung bigla ka nalang nanghahablot ng hindi sa'yo. Oi~ Kasi naman e." nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang hawak niya kaya napahinto siya sa paglalakad. Huminga siya ng malalim saka ako hinarap ng tuluyan, nagulat pa ako dahil feeling ko bigla siyang mag-aapoy.

"Bitaw!" walang expression na sabi niya.

"Ayoko nga!" Mabilis na sagot ko at mas hinigpitan ko ang hawak sa plastik. Haller. Ilang hakbang nalang kaya malapit na kami sa basurahan at alam kong may balak siyang ibasura to noh.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon