Rain’s PoV~
“How’s your married life Mr. Salvador?” asking me with his annoying face. Tsss.
“Can you shut-up Cejay?” I asked him irritably. By the way, Cejay is one of my best buddies since childhood days.
“Ohw… Okey. Okey Mr. Salvador.” Sabi niya saka tinaas ang kamay sa ere. “So, kumusta naman kayo ni Miss Cha?”
Napatingala nalang ako sa taas saka umiiling na tinignan si Cejay… “Katulad pa rin ng dati…”
“Pfft. What? Haha. Dude don’t tell me she’s still calling you ‘Mr. stranger’?” Tumango nalang ako bilang sagot. Bakit ba kasi stranger ang tawag sa akin ni Charlene, sa gwapo kong ‘to huh?
“Hindi mo naman masisisi si Ms. Charlene dahil stranger nga naman ‘tong si Rener. Biruin mo bigla nalang niyayang magpakasal yon, kung hindi ba naman masyadong mabilis ‘tong si Rener. At bigla nalang dadating sa buhay niya, sino ba naman hindi mabibigla doon, di ba?” Biglang sulpot naman nitong si Elmo na may dalang bote ng beer. Elmo is the owner of this restobar kung saan lagi kaming nagkikita-kita.
“…At kung hindi ba naman niya sinamantala ang pagiging bossing niya sa office nila nong araw na pinagtsismisan siya. Hahaha.”
Yeah! I admit it. Lahat ng nabanggit nila ay tama and hindi niyo rin naman ako masisisi kung bakit ganon nalang ang ginawa ko, isa sa dahilan ang mommy ko kung bakit nagawa ko yong biglaang desisyon na yun.
“By the way dude did you tell Charlene about the ma----“
“No!” mabilis kong sinagot si Cejay bago pa niya matapos ang sasabihin niya. “I don’t have the plan to tell her about that, just leave it as it is.”
“Okey!”
Im sorry Charlene, but this is the only way I know to help you!
Charlene’s PoV~
Grocery. Nandito na naman ako sa grocery store, parang araw-araw nalang ata ako dito sa dami ba naman ng gustong ihanda ng pamilya Salvador, kulang pa daw yung mga pinamili namin. Ayaw pa nga sana ako papuntahin dito dahil may mga katulong naman daw na bibili para sa ihahanda namin sa new year pero syempre ako naman itong si mabait nagpresinta nalang. Nakakahiya naman sa kanila na magsinyorita ako e nakikitira na nga lang ako sa malaki nilang bahay na malayo sa kabihasnan.
“Ma’am saan po ang kukuhanin natin dito sa dalawa?” napaisip ako sa tanong ng kasambahay na kasama ko. Oo nga pala kanina ko pa pinag-iisipan kung saan dito sa dalawa ang bibilhin ko, kung yung Goya ba or Nusco na dark chocolate, pareho kasi silang masarap e and parehong dark chocolate. -_-“
Habang busy ako sa pagpipili biglang dumating si stranger na hindi ko alam kung naiinis ba ‘to or ano e… “Aren’t you done yet with your groceries?”
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomansaNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...