Rain's PoV~
"Daddy, is she your wife?"
Tanong sa akin ng batang si Bellary na anak ni Elmo. Why she called me Daddy? Because that's what she want to call me, even Cejay. She was the cutiest little girl I'd ever seen, I don't know why pero isa siya sa nagpapagaan ng pakiramdam ko.
"Yes Baby. Isn't she beautiful?"
Sagot ko kay Bellary at tumango-tango lang siya bilang sagot. Ibinaba ko siya dahil buhat ko siya kanina. Lumapit siya sa natutulog na si Charlene at hinawi ang buhok niya, hinaplos ng maliit na bata ang mukha at ulo ni Charlene.
"Ma...ma!" biglang nagsalita si Charlene kaya nilingon ako ng bata at may sinesenyas siya na kung pwede ay ikiss daw niya si Charlene kaya sinenyasan ko din siya ng 'go-on'. Umupo naman ako sa sahig na malapit sa kanya at nag-indian seat.
*mwuah
Napapangiti ako dahil sa nakikita ko ngayon. Parang isang anghel si Bellary na binabantayan si Charlene sa may ulunan nito. Para bang safe na safe siya kapag si Bellary ang kasama. Nahinto ako sa pagpindot sa phone ko nang nilingon ako ng batang maliit na nakasimangot.
"Daddy, she didn't wake up with my kiss. Can you kiss her in her lips?"
Ikinabigla ko ang sinabi niya na halos mabitawan ko cellphone ko sa sahig. Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo papunta sa natutulog na si Charlene. Wait, did I mention to you readers that this kid is only 4 years old. For Pete's sake! She's too young to know about...K-kiss!
"Come on, dad!" bulong sa akin nang makulit na bata sabay tulak sa ulo ko para mailapit sa mukha ni Charlene. Teka nga, kelan pa nagkaroon pwersa 'tong batang to para maitulak ang mukha ko sa mukha ni Charl-ene...n-ng n-napaka...l-lapit!?
Charlene's PoV~
Naalimpungatan ako ng bigla nalang parang may kung anong lumubog sa may tabi ko. Minulat ko ang mga mata ko pero hindi pa masyadong maliwanag sa akin ang nakikita ko. Ilang segundo pa ang hinintay ko para luminaw ang mata ko, nakalimutan ko nakapatay nga pala ang ilaw dito sa kwarto ko pero bakit parang nagsasalamin ata ako at mata ko ang nakikita ko sa harapan ko ngayon. Atsaka bakit parang umiksi ata buhok ko, hindi naman ako nagpagupit ah.
"Ahihihi... Hahahaha..." napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang tawa ng isang maliit na bata. Kitang-kita ang mukha niya dahil naaaninag siya ng ilaw na mula sa labas ng pinto. Bakit may bata dito sa kwarto ko? Tatayo sana ako nang bigla akong mauntog ng malakas sa isang bagay na hindi ko alam kung bakit may...
"Aray!" / "Ouc... huh?"
Para akong aatakihin sa puso ngayon, hindi ako makahinga at parang nauubusan ako ng oxygen dahil sa nangyayari ngayon. Feeling ko namumula ang buong mukha ko! Shems!! Bat nasa harap ko si Rain and worst bakit nasa... kalahati ng katawan ko siya nakapaibabaw? Oh my!! Wag kayong green minded diyan. Tinatanong ko lang naman kung bakit nasa kalahati ng katawan ko siya nakapaibabaw tapos ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't-isa na kaunti nalang ay mahahalikan na niya ako sa labi.
Pero habang tumatagal ang pagtititigan namin ay siya ring palapit ng palapit ang mukha namin sa isa't-isa. Jusko! Ano bang nangyayari? Sa sobrang lapit ng mukha namin ay hindi ko napigilang mapapikit at hintayin ang labi niya na dumapo sa labi ko. Naramdaman kong dahan dahan niyang hinawakan ang leeg ko pataas sa may pisngi ko at marahang pinadaan ang thumb niya sa may labi ko. Brrr... Feeling ko nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Saglit akong napamulat at nagtitigan na naman kami, sa sobrang lapit ng mukha niya ay parang gusto ko na siyang sunggaban agad. Ugh! Ano ba 'tong iniisip ko? Napapikit ako muli ng tuluyan ng dumapo ang malambot na labi niya sa labi ko. The feels! Ewan ko pero pagkalapat ng labi niya parang may kakaiba akong naramdaman sa loob ko at bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib (puso) ko at parang nakikipagkarerahan pa sa mga kabayo, idagdag mo pa ang tiyan ko na para bang nagugutom na ewan. Aish! Hindi ko maint-----.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...