Chapter 44

3.4K 74 1
                                    


Charlene's PoV



I managed to smile even more habang naglalakad kami papuntang restaurant ng hotel ng mga Salvador.


Hawak ko sa kamay si Raineer na kanina pa walang imik. Si Ella naman ay naiwan sa office habang wala kami at alam kong papunta na din ngayon doon si Cejay para samahan siya.


"Goodafternoon Mr. and Mrs. Salvador." nakangiting bati sa amin ng mga associate dito. Ngumiti ako sa kanila. "This way, please."


"Did you make a reservation?" bulong sa akin ni Raineer. Tumango ako kasabay ng pag-upo namin sa pinareserve kong table namin.


I can hear rumors from the staff's here pero hindi ko masyadong pinapansin dahil nakatutok ako sa aming tatlo. Tahimik at walang umiimik sa kanilang dalawa kaya ako na bumasag sa katahimikan.


"So, kelan pa kayo naging magkaibigan?" nakangiting tanong ko sa kanilang dalawa.


Ngumiti ng konte si Bianca saka tumingin kay Raineer saka ibinalik ang tingin sa akin.


"ahm. We were friends since high school." maikling sagot nito. Napairap ako ng lihim dahil nabobored na ako sa kanilang dalawa.

      

      

"Then how come you said that she is an "Old Friend", aren't you friends until now?"  seryosong tanong ko kay Raineer. 

      

    

"Because we're not that close as you think babygirl..."  sagot niya. Napa-'ohh' ako at tumango.  "...excuse for awhile babygirl. I'll check our order may ipapadagdag lang ako para sayo."   dagdag ni babyboy saka ako hinalikan sa ulo bago umalis.

      

         

Nang makaalis na si Raineer ay hindi ko mapigilang  mapatitig sa babaeng  kaharap ko ngayon. Naninikip ang dibdib ko ngayon at  parang hindi ako makahinga. Uminom ako ng tubig at saka tumayo.

    

    

"Hm. Excuse lang saglit."  pag-eexcuse ko saka dumeretso ng ladies room.

     

    

Huminga ako ng malalim at... "Ugh!!"  nagulo ko ang buhok ko  at di maiwasang mapapadyak.

    

    

"Ang t*nga t*nga mo talaga Charlene!!!"  usap ko sa sarili ko sa harapan ng salamin.

    

  

"Bakit mo ba naisipang yayain siya ng lunch?? Bwsit talaga! Bwsi—- Ayy!"

    

   

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng isa sa cubicle at iniluwa non ang isa sa guest namin. Ngumiti ako sa kanya at nagpagilid dahil maghuhugas siya ng kamay niya. Ngumiti rin siya habang nakatingin sa akin sa salamin.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon