64

73 3 0
                                    

"MM!!"sigaw ni briann, napabalikwas ako ng bangon. Nagkusot kusot pa ako ng mata at tinignan ng masama si briann.

We're here in japan now, we arrived yesterday morning and kalani and kaizer was happy when they both saw me. "ano ba ryn??"inis kong tanong, natatawa naman umupo si briann sa tabi ko at tinanggal na sakin yung comforter ko.

"mag jojogging kami"sagot ni briann sakin kaya napairap na ako at tumingin sa bintana. ang aga aga naman nila para mag jogging nakakatamad naman pero kailangan ko pa din sumama dahil baka sabihin naman nila akong kill joy ng mga baliw na yun.

"wag ka magreklamo mm normal na kila pao ang magjogging ng gantong oras e"sabi ni briann kaya napatango nalang ako at bumangon na at nagbihis ng mabilisan.

Nagtoothbrush na din ako at sumunod na kay briann paglabas ng kwarto, mamaya pa uuwi si ara galing seoul kasama si jed dahil may trabaho pa din sila. Bumangad na samin sila paolo na nag uusap pa sa sala nila at nagsisintas na yung iba.

"oh buti nagising mo yan"asar na sabi ni cristina sakin kaya inirapan ko sya at lumabas na, natatawa naman sumunod sila briann sakin.

"si mm natulog na e nag inuman pa sila pao"sabi ni coleen, umiling naman ako dahil wala naman talaga ako ganang uminom kagabi dahil malakas si paolo dahil nasa mood pa yan uminom no?

"baliw wala ako gana uminom kagabi alam mo naman yang mga lalaki na yan"sabi ko kaya nagtawanan na sila at nagsimula na magstretching kaya pati na din ako nag arm stretch na, pasalamat talaga sila nasa mood ako sumali sakanila ngayon.

mas masarap pa kaya humiga kesa magpagod pagod pero daily fitness na din to. "sama ba tayo sakanila mamaya??"biglang tanong ni patricia, napalingon naman kami sakanya.

"hayaan nalang natin sila mag grocery mas okay nga kasi mas marami lagi dala nila pag kasama naman tayo hindi"sabi ni mika kaya natawa kami at tumango.

"she has a point though"sang ayon ni jillian at inayos na hoodie nya kaya natawa na kami at nag jogging na.

"HOY HINDI KAYO NANG HIHINTAY!!"sigaw ni levi kaya napalingon kami dun at tinaasan sila ng middle finger kaya nagtawanan ulit kami at inunahan na sila mag jogging.

***

Natapos na kami magjogging at nasa grocery na yung boys habang kami mga babae naiwan dito, gising na din si kaizer at nakita nya naman agad ako at agad yumakap sakin kaya natawa ako dahil nagtatampo na si coleen sa anak nya.

"mag anak kana ulit coleen"asar ni mika kaya nagtawanan kami habang si coleen inirapan si mika at inabot kay kaizer yung gatas.

"antayin na natin mabuntis si ara bago magbuntis ulit si coleen"asar na sabi ni briann kaya lalo kami natawa habang si coleen napapailing na at gusto na takpan tenga ni kaizer.

"pag nalaman ni ara yan baka hindi ka maakauwi ng pilipinas ng hindi maiksi buhok"panakot ni seya kaya lalo ako natawa at sumang ayon.

Mabilisan naman hinawakan ni briann ang mahaba nyang buhok at nilagay sa harap nya kaya lalo kami natawa sakanya. "is that tita aki??"biglang tanong ni kalani kaya nagtaka naman kami at tinignan si kalani na may tinuturo sa may kusina.

sabay sabay kami napalingon at nakita si ara na umiinom ng tubig at ang sama ng tingin kay briann kaya lahat kami humalagpak at tinignan si briann na nasa likod na ni seya, pinatunog tunog pa ni ara buto nya at naglakad patungo samin.

"ano oras kayo nakarating dito??"tanong ni patricia, lumingon naman si ara sa likod nya at bumalik sa kusina kaya lalo kami nagtaka.

"kanina pa may sinundo lang ako"sagot ni ara kaya lalo kami nagtaka, tumayo na si reign at sinilip si ara sa kusina at bumalik sya na nanglaki ang mata kaya pati ako napatayo na din at sumilip.

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now