30

103 8 1
                                    

nagising ako sa ingay sa sala kaya napabangon at nakitang tulog pa ang mga babae kaya napalingon ako sa wall clock ng kwarto ko, pagabi pa lang kaya dahan dahan ako bumaba para hindi sila magising.

nung paglabas ko bumungad ang tropa ni kuya dustin. nanlaki mata nila nung nakita nila ako kaya natawa ako dun, bigla nila ako sinugod kaya nagulat ako dun

"hoy!hala kuya di pa ako nakakapag toothbrush!"sita ko sakanila at tinakpan bibig ko kaya nagtawanan na sila at pinakawalan na ako kaya inalis ko na ang pagkatakip ko.

"magtoothbrush kana tas gisingin mo na sila mika para makakain na"sabi ni kuya dustin kaya tumango ako at pumasok na sa kwarto ko at naabutan si karla at cristina inaayos comforter nila habang si mika tulala pa kaya natawa ako ng mahina dun.

"magtoothbrush kayo o maligo na may bisita si kuya"sabi ko kaya tumango na sila at nag ayos na, nag unat unat na sila kaya kinuha ko na tuwalya ko at pumasok sa banyo at naligo na din.

"margo sabay ako!"sigaw ni reign kaya iniwan ko nalang bukas yung pintuan at binuksan na yung shower at inayos yung temperature nun.

Pumasok na si reign hawak na tuwalya nya kaya naghubad na ako at nagshower na, buti nalang di sumabay si mika baka mangurot nanaman eh.

****
Natapos na kami maligo at nagsabay nanaman sila patricia maligo, for sure nagpapalakihan sila. Ganun kasi sila e lalo na si mika?proud yun na malaki kanya, lumabas na ako at nakita ang daming pagkain sa lamesa sa sala.

"Nagpakain si arthur naka move on na daw"sabi ni kuya oliver kaya humalagpak na ako ng tawa at tinignan si kuya arthur na nagphophone sa gilid.

"sure ka kuya?parang kanina umiiyak ka ah?"asar ko kay kuya arthur kaya napatingin sakin si kuya arthur ng masama kaya ngumisi ako dun habang sila kuya dustin natawa na.

"dustin baka tinuturuan mo to!"reklamo ni kuya arthur kaya natawa na ako dun at umupo sa tabi ni kuya arthur at inakbayan sya.

"pareto ka dyan kay margo"sulpot ni briann kaya napairap ako dun kaya napangisi naman si kuya arthur at inakbayan din ako kaya tinignan ko na sya ng masama.

"reretuhan nga ighoghost ka naman"sabi naman ni kuya felix kaya humalagpak na kami ng tawa habang si kuya arthur napairap na

"balita ko ghoster daw taga ust eh"sabi ni kuya oliver kaya nagkatinginan kami ni briann at umiwas din agad, natamaan ako dun ah??

"h-hind nyo sure"nautal kong sabi kaya nakita ko si kuya dustin pinipigilan di matawa kaya kumuha nalang ako ng pizza dun at kumain.

"margo robinson tayo"biglang aya ni patricia na nagpupunas ng buhok nya, taga antipolo din pala si patricia kaya alam nya makapunta dito.

Sabi nya muntikan na daw sila maligaw dahil kay akia dahil hindi alam daan papunta dito kaya sya nag insist na magdradrive kasi alam nya.

"Oo nga tara"sang ayon ni briann dun at kumuha na ng pizza kaya napatango nalang ako dun at kumain nalang ulit

"kumain muna kayo bago umalis"sabi ni kuya oliver kaya napatango si patricia at tinawag sila mika sa loob.

"hindi mo isasama si paolo?"biglang tanong ni kuya dustin, umiling lang ako dun at kumuha ulit ng pizza.

"He's here for bussiness"sagot ko sakanya kaya napakunot noo nya dun at tinignan si mommy na nasa kusina nagtitimpla ng kape.

"girls only kasi"iritang sagot ni mika na naka pang alis na kaya tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko para mag ayos.

Kumuha lang ako ng white pants tas tinerno yung UST t shirt ko dun, tinatamad ako magstyle ngayon kaya eto nalang muna susuotin ko.

"tamad na tamad magstyle margo?"asar na tanong ni reign, tumango ako at napanguso dun kaya natawa naman sya.

"sabagay nakakatamad din naman"sang ayon ni patricia na kumuha nalang ng shorts at plain pink t shirt kaya natawa na kami.

"ang pogi ng oliver na yun"sulpot ni akia galing sa banyo kaya nanglaki mata namin sakanya habang sya napakunot

"type mo?hoy gaga may jowa ka"sabat ni jillian, ngumiti lang si akia at lumabas na ng banyo.

"may girlfriend na si kuya oliver eh"sabi ko kaya napasimangot na si akia dun kaya tinaasan na sya ng kilay nila mika.

"oo girlfriend nya yung kavolleyball team ni akiara eh, si cheska"sabi naman ni reign kaya napaupo na si akia dun.

"Don't you dare cheat on my cousin girl omg"sabi naman ni mika at nagbihis na sa banyo, tinuck in ko nalang yung t shirt ko.

Pumasok ako sa banyo para magtoothbrush, saktong nagbibihis na si mika kaya nagtoothbrush na ako dun. "parang wrong idea naman na pinakilala mo si akia dun kila arthur"sabi ni mika habang nagbibihis sya.

"wala eh napakilala ko na eh"sabi ko at pinony buhok ko at inayos bangs ko.

"si kuya ash lang kulang sakanila baka pupunta yun mamaya dito"sabi ni mika kaya napatango ako dun, tropa ni kuya ash sila kuya dustin eh.

Lumabas na kami at sinuot na namin mga rubber shoes namin, kinuha ko naman yung sling bag ko at nilagay na yung wallet ko at phone ko dun.

"commute lang ba tayo?"tanong ni cristina sakin, tumango ko dahil mura lang naman pamasahe eh

"pwede pa nga natin lakadin e"sabi naman ni patricia kaya humalagpak kami ng tawa habang sila akia napasimangot na dun.

"Tara na mahirap sumakay dito eh"aya ko sakanila kaya nagsitayuan na sila kaya lumabas na kami dun at bumungad sila mommy na kausap sila kuya ash.

"ngayon ka lang dumating kuya ash?"takang tanong ni reign, tumango naman si kuya ash at niyakap si cristina kaya kinilig naman kami bigla.

"san lakad nyo?"takang tanong ni mommy kaya natawa naman kami dun.

"rob lang mommy nag aya sila eh"sagot ko kaya napatango si mommy dun.

"Kelan balik nyo sa manila?"tanong ni kuya ash samin kaya napatingin ako kila mika.

"depende nag eenjoy pa kami dito eh"sagot ni mika kaya natawa na kami at kumaway na sakanila at naglabasan na.

"dinner tayo mamaya sa labas!"sigaw ni kuya dustin kaya napangiti na ako dun.

"text mo sakin kung san!"sigaw ko pabalik sakanya at tumakbo na para makasunod sakanila.

"ilan tricycle ba?"tanong ni patricia kaya binilang ko kung ilan kami.

"dalawa"sagot ko kaya tumango sya at nagpara ng dalawang tricycle.

"kuya rob mall lang kami"sabi ko kaya tumango na yung driver kaya nagsakayan na kami dun, tumabi sakin si reign habang si mika at cristina naka backride.

"nakakamiss pala mag commute"sabi ni reign kaya napangiti ako dun at tumango, may mga sasakyan na kasi kami kaya di na kami nagcocommute.

"baka gusto nyo pag uwi natin manila commute tayo"suggest ni mika kaya napailing naman ako dun, natry na namin ni akiara magcommute pauwing manila ang hirap kailangan mo pa makipag unahan sa pasehero.

"No way! ang hirap nun!"reklamo ni cristina kaya natawa na ako dun dahil pati sya di sang ayon sa gusto ni mika.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

should i quit?

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now