82

83 0 0
                                    

"What should we pick?"tanong ko kay patricia. Natawa naman ako nung pinakita ni cristina yung hawak hawak nyang breast feed machine.

"Kung sanay ka naman pisilin yung ano mo edi go lang pero kung tinatamad ka edi eto"sagot ni patricia kaya pareho kami natawa ni cristina.

"Ano ba sayo?pinipisil mo ba??"tanong ni cristina kaya napairap naman si patricia kaya natawa ulit kami ni cristina.

The girls already know the truth... Epal si briann at ara eh unahan ba naman ako dapat ako  magsasabi eh. Sabagay ako din naman nagkalat nung nabuntis si patricia.

"sila mommy nagpisil sakin"sagot ni patricia kaya pareho kami nagkatinginan ni cristina at lalo tumawa habang si patricia napapailing nalang habang naghahanap ng kailangan.

"Pang boy at girl nalang bilin natin hindi pa naman natin alam yung gender eh"sabi ni cristina kaya napatango naman kami.

"Hoy mm!"nagulat ako at lumingon sa likod ko at nakita si kuya oliver kaya agad naman ako napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Grabe ka kuya ha!"natawa naman si kuya oliver at nakipagbeso sa dalawa habang sakin ginulo buhok ko kaya napasimangot naman ako.

"Para kanino yan?"takang tanong ni kuya oliver nung nakita nya laman ng basket namin. Oh God hindi nya pala alam na buntis ako kaya napalingon ako sa dalawa na nakatingin na din pala sakin.

"It's for patricia's baby!"sagot ko kaya napatango naman si kuya oliver pero napakunot naman noo nya.

"bat may panglalaki?"tanong ni kuya oliver at tinuro yung damit na panglalaki kaya napailing naman ako.

"u-uhh regalo ko yan sa kaibigan ko! boy kasi yung anak eh"palusot ni patricia kaya napatango naman si kuya oliver.

"Oh sya sige aalis na ako..."paalam ni kuya oliver at kumaway na kaya tumango naman kami. Nung naka alis na sya nakahinga na kami ng maluwag.

"hindi ba nya alam?"takang tanong ni cristina, tumango ako at napaupo sa sofa dito sa mall.

"hindi nya alam kasi diba tropa nya si pao?"sagot ko kaya napatango naman si cristina at tinulungan na maghanap si patricia.

"dinner na ba tayo after?"tanong ni patricia, pareho kami tumango ni cristina dahil maghapon na kami nandito sa mall.

"Oo dinner na ang tagal na natin dito eh tsaka kailangan na ni mm magpahinga"sagot ni cristina kaya tumango si patricia at tinapos na yung mga kailangan.

***

Nung natapos kami. Agad kami dumeretso sa fast food chain dahil medyo nacrave ako sa jollibee.

"Jollibee Bida ang saya!"kanta ni cristina habang hinahalo yung spagetti nya kaya pareho kami napadaing ni patricia.

"ikain mo na yan tina"singit ko sa pagkanta nya kaya natawa naman sya at tumango sakin at kumain na kaya kumain nalang din ako.

"ano plano mo?hindi mo ba sasabihin kay daddy pao na buntis ka?"natawa si patricia nung tinanong bigla ni cristina yun kaya napailing naman ako.

"Daddy pao pa nga"asar na sabi ni patricia kaya hinampas sya ni cristina kaya natawa ako ng mahina.

"sasabihin ko din sakanya pag kaya ko na sya harapin"sagot ko kaya natawa si cristina.

"Sige waiting nalang kami videohan mo reaksyon nya ha"sabi ni cristina kaya natawa na din ako at kumain nalang ulit.

"ano cravings mo ngayon mm?"tanong ni patricia kaya napatigil naman ako at kinuha phone ko at pinunta sa notes yun at inabot kay patricia.

Sabay naman nila tinignan yun ni cristina. Nanglaki mata ni patricia habang binabasa nya yung mga nilagay ko. "Oh my god...Pineapple on ice cream?"gulat na tanong ni cristina. Tumango naman ako dahil last night nacrave ako dun at pinabili ko si bryan nun.

"Mint chocolate!?"diring sabi ni patricia kaya napasimangot naman ako kaya bigla napa peace sign si patricia sakin at tinignan ulit.

"ang dami mong craving mm...goodluck talaga kay bryan at kay dustin"sabi ni cristina at kumain na ulit habang si patricia nagpicture pa sa phone ko kaya natawa ako ng mahina.

"Goodluck talaga"sang ayon ni patricia at inabot na sakin phone ko kaya kumain na din kami.

***

Nakauwi na ako sa bahay kaya agad naman chineck ni tita flore ang mga pinagbibili namin nila patricia kanina

"parang ang dami naman ata binili nyo"sabi ni tita sheila kaya natawa ako ng mahina at sinandal ang ulo ko sa balikat ni andrea.

"Madami dami ma...mayayaman kasama ko eh"sabi ko kaya nagtawanan sila ate aira sakin.

"Magiging spoiled ka talaga mamaya nila pat"sabi ni kuya dustin kaya natawa naman ako at tumango dahil totoo.

Simula nung nalaman nila na buntis ako. Naghahanap agad sila sa online ng mga kailangan ko habang yung iba naghahanap ng cravings ko na wala dito sa antipolo. Kahit wala sila dito nagagawan nila ng paraan para idala yung pagkain.

Tama nga si ara kay adam ako naglilihi. Lagi ko ba naman gusto makita?kaya lagi ko tinatawagan si faye para awayin lang si adam. Napapadalas na ata ang pagkikipag away ko kay adam.

"Magpahinga kana ate"sabi ni andrea. Bigla ko naman siniksik mukha ko sa dibdib ni andrea kaya natawa naman sakin si andrea pero hinayaan pa din ako.

"Ayan gusto ko sayo mm eh pagiging clingy mo nung nabuntis ka eh"sabi ni ate aira kaya napasimangot naman ako pero nagtawanan pa din sila dahil sakin.

"Need ko ba mabuntis para lang maging clingy sainyo?"tanong ko sakanila kaya nagtawanan ulit sila sakin.

"Ayoko mm humihilik ka eh"sagot ni kuya dustin kaya tinignan ko sya ng masama at binato ng unan kaya nagtawanan ulit sila.

"kala mo ako lang humihilik satin dalawa?nakakahiya naman! ikaw din kaya diba bryan?"natawa lang si bryan at tumango kaya napairap naman si kuya dustin.

"alam ko nang kung bakit ayaw lagi ni mm makita pagmumukha ni dustin...pangit pala naging anak natin no?"sabi bigla ni tito vincent kaya humalagpak kami ng tawa habang si kuya dustin nagulat.

"sinabi mo pa papa!"sang ayon ni tita flore kaya lalo kami natawa. Dinilaan ko si kuya dustin kaya napairap na si kuya at tinignan ng masama si tita flore at tito vincent.

"tignan mo ipapag mamayabang nya na ang dami na nagkakagusto sakanya"sabi ni andrea.

"bakit?totoo naman ah!"sabat ni kuya dustin kaya lalo kami natawa. Dumating na si patrick na may dalang ice cream at pinya kaya napangiti naman ako at agad kinain yung dala nya.

"May peklat ka kaya sa pwet kuya"sabi ni ate aira kaya umirap si kuya dustin at tinignan sa salamin yung pwet nya kung meron talaga.

"oo tol nakita ko yan nung naligo ka sa bahay ko nakita ko peklat mo ang laki mas malaki pa sa pagmumukha mo"sabi ni bryan kaya humalagpak kami ng tawa.

Napailing naman si kuya dustin at uumbahan ng suntok si bryan pero agad naman nakaiwas si bryan. "tangina tol nakakasakit kana sa feelings ah"sabi ni kuya dustin kaya lahat kami napailing sa sinabi nya.

"ako nakakasakit?gusto mo kiss kita?"tanong ni bryan at lalapit na kay kuya dustin. Nanglaki naman mata ni kuya dustin at agad umiwas.

Niyakap na sya ni bryan at hahalikan na talaga sa labi pero si kuya dustin umiiwas kaya humalagpak kami nung pareho sila natumba at sa huli tumama ang labi ni bryan kay kuya dustin.

"Amg bagra mo talaga bry!!"diring sabi ni kuya dustin at tinulak si bryan kaya natatawang sumubo ako ng ice cream at pinya.

"Your my best view tol"asar na sabi ni bryan kaya napailing naman ako.

"tangina ka bry!!"diring sabi ni kuya dustin at bumangon na at hahampasin na sana si bryan pero agad naman nakatakas si bryan at tumakbo palabas ng bahay.

-----------------------------------------------------------------------------------------

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now