10

151 10 0
                                    


"ikaw ha bat ka hinatid ni paolo!?"bulyaw ni akiara, nandito kami ngayon sa condo ko. Napapadalas kasi ako sakanila kaya sila naman nila reign nag adjust.

"ano masama dun?tsaka tinamad ako magtaxi e bat ba sayang din sa pera"sabat ko kaya nagtawanan na sila habang si akiara napailing.

"pati ka ba naman nagtitipid na!?"bulyaw ni mika kaya natawa na din ako dahil naalala ko si akiara na nagtitipid na din

"girl sinasabi ko sayo"seryosong sabi ni akiara kaya napatahimik kami, Napasinghap naman si reign at may binulong kay akiara kaya uminom bigla si akiara ng tubig.

"Akiara"tawag ko sakanya, kunot naman sya tumingin sakin. She was already wearing her poker face.

"sino muna jowa mo?"tanong ko sakanya kaya humalagpak ng tawa sila reign at mika habang si briann napakunot naman. Si Akiara napailing at inirapan ako

"amp buking na pala!!"sabi ni mika at humalagpak ng tawa kaya natawa na din ako habang sya di alam kung pano sasabihin iyon

"so who is this lucky guy huh??"tanong bigla ni briann, namumula na ang pisnge ni akiara kaya humalagpak na kami ng tawa, I really adore akiara so muccch !!

"oh girl?di ka makapagsalita?parang kanina lang sinesermonan mo pa si margo kung bat sabay sila ni paolo"asar na sabi ni reign, yumuko si akiara at tinakpan pisnge nya kaya lumakas ang tawanan namin dito.

"Stop teasing me kasi!!"inis na sabi ni akiara at ininom yung tubig nya, napangisi naman kami dun at tinignan lang sya.

"hindi ka titigilan nyan ni margo at briann pag di mo sinagot kung sino"sabi ni mika na nagbubukas na ng chichirya, Nakuha yun ng atensyon ni briann at inagaw kay mika yun kaya natawa nanaman kami.

"fine...Tristan Vergara"sagot ni akiara kaya dali dali naman sinearch ni briann yun sa laptop nya at nanglaki ang mata nya.

"hoy!?anak ng head doctor namin!? anak to ni dr. Vergara!!"gulat na sabi ni briann at pinakita samin yung picture, natawa naman si mika at reign dun habang ako pinagmasdan ang mukha.

"ang sungit kaya nyan sa ospital"sabi ni briann at inistalk pa ang boyfriend ni akiara.

"pano kayo nagkakilala??"nagtataka kong tanong, napatingin naman sakin ang magpipinsan.

"Nakilala ko sya sa ospital nung nagpacheck up si kuya ash tas sakto sya yung assign kay kuya nun hanggang sa nilapitan ko na sya at kinulit kulit"sagot ni akiara kaya napa 'o' naman kami sakanya. Namula naman pisnge nya

"ang tanong ilan years na kamo"parinig na sabi ni reign, napairap naman si akiara at sinipa si riegn kaya nagtawanan kami dun

"3 years..."sagot ni akiara kaya nanglaki mata namin ni briann dun habang tumatawa lang ang dalawa.

"kaya pala palagi pass pag nag aya kila margo sa antipolo!"sabi ni briann kaya nagtawanan kami dahil totoo naman sinasabi ni briann.

Last year nag aaya ako umuwi sa antipolo para bumisita sa mga pinsan ko dun, pumayag naman si mika at reign at briann pero ito lang si akiara na nagpass dahil sasamahan nya daw si kuya ash sa ospital.

Palusot nya din na magpapacheck up din sya kasi tumigil daw mens nya at sobrang tagal nya daw magkaroon. Hanggang sa nakauwi na kami at nag aya si mika at reign sakanila at nagtaka pa nga kami nun kasi wala pa din si akiara nun.

2 months syang di sumipot, lumandi lang pala ang gaga kaya palagi hawak phone pag nagka yayaan sila levi sa private resort nila e.

"hoy speaking of levi, inaya ba kayo??"out of nowhere sabi ni reign, napakunot naman kami dun at umiling.

"ah? oo nga pala nag aaya si levi this friday sa rest house nila sa pampanga ano arat kayo?3 days daw tayo dun by sunday uuwi na"sabi ni akiara, tumango lang si mika dahil kahit ang dami gagawin nyan sasama talaga iyan.

"hala sige lang dadalin ko na din jowa ko"sabi ni mika na kinikilig, napailing naman si reign at akiara dun.

"oo nga no?akiara dalin mo si tristan para makilala rin nila kasi for sure sila adam ipapakilala na din nila ata girlfriends nila"sabi ni reign, tumango naman si akiara dun at kinuha phone nya.

"sige sama ako tas isasama ko na din mga anak ko"sabi ni briann kaya nagtawanan kami dun dahil tinutukoy nya lang naman mga reviewers nya. Napailing nalang si akiara at nilapag phone nya sa gilid.

"sige lang daw isasama nya daw si travis"sabi ni akiara, nanglaki naman mata ni reign at mika.

"hoy bat nya isasama younger brother nya?huhu ang pogi nun!"gulat na sabi ni mika, nagkibit balikat lang si akiara dun at tumingin kay briann.

"briann reto kita dun?kasing edad lang naman kayo e"sabi ni akiara, nanglaki naman mata ni briann dun at sinara laptop nya at tumingin kay akiara.

"syempre..."sagot ni briann, napakunot naman kami dun at tinignan sya. ngumisi naman si briann

"syempre sayang grasya ni aki kaya sige!"dugtong ni briann kaya nanglaki ang mata ni reign at mika kaya humalagpak na ng tawa si akiara dahil sa reaction ng dalawa

"oh wag ka sad margo reto din kita sa tropa ng mga pinsan ko"sabi ni akiara at ngumisi, napailing naman ako dun.

Parang dati lang ako pa nagrereto kay akiara tas ngayon sya na nagrereto sakin dahil naging famous lang ang bruha ang dami na nakilala, Yung jowa ni reign at mika reto lang yun ni akiara tignan mo nagtagal. Ewan ko lang pag samin na ni briann.


------------------------------------------------------------------------------------------

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now