"margo?"tawag ni paolo sakin kaya napalingon naman ako sakanya, nandito ako sa balcony nagvvape.
"bakit??"nagtataka kong tanong, napakamot naman sya ng ulo nya kaya napakunot naman ako dun
"wala pala ako dalang extrang damit..."mahinang sagot ni paolo kaya natawa naman ako at naghipak ulit at binuga yun
"teka lang...may naiwan atang damit dyan si charles e"sabi ko, tumango naman sya kaya pumasok na ako sa loob at tinignan kung may naiwan na damit si charles.
Takte?wala?baka nahablot nanaman ni akiara! Sya lang naman mahilig mang tangay ng damit nila charles eh.
Kinuha ko phone ko at chinat si akiara at sakto naman active sya, may kapal din naman to makiconnect sa wifi ng jowa nya kahit wala tong load.
Margo Marxie: hoy bruha
Akiara Takahashi: who u?:p
Akiara Takahashi: baket??in game akoo
Margo Marxie: sagutin mo muna tanong ko
Akiara Takahashi: ano ba yon
Margo Marxie: tinangay mo yung naiwan na t shirt ni charles no?
Akiara Takahashi: ahh oo baket
Margo Marxie: nandito si paolo, dito magstastay e walang dalang extra. Pasabi sa jowa mo paheramin nya si paolo
Akiara Takahashi: hay pota?awit talo pusta ko a
Margo Marxie: anong pusta?
Akiara Takahashi: wala hehe pupunta na dyan si tristan wait mo nalang hehe
Margo Marxie: sige talo well.
Akiara Takahashi: fuckyou sagad girl
Natawa naman ako dun at sineen nalang chat nya, baka nga kalaro nya si mika e parehas ba naman adik sa cod??
Lumabas na ako at inabangan si tristan, bumukas naman yung elevator at bumungad sya. Napasimangot si tristan dun at inabot sakin yung paper bag.
"uy thankyou! si akiara na magbabalik sayo ha?"pagpapasalamat ko, tumango naman sya at sumakay na ulit ng elevator.
Kaya pumasok na ulit ako at bumungad si paolo na tinitignan yung flavor ng vape ko
"wala kana ibang flavor?"tanong ni paolo.
Nilapag ko sa table yung paper bag kaya nagtaka naman sya at kinuha yun
"kay tristan yan...wala na yung damit ni charles tinangay nanaman ni akiara e"sabi ko.
Natawa naman sya ng mahina at nilabas yung damit, isang v neck white t shirt tas joggers na grey napangisi naman sya nung may naka box na brief kaya napairap ako
"whoa same size lang kami a"mahinang sabi ni paolo kaya napairap na ako at pumunta sa kusina para tumingin kung ano pwede lutuin
Sumunod naman sya na pinipigilan na di tumawa kaya napapairap ulit ako at tumingin sa cabinet kung may noodles paba, nacrave ako bigla sa noodles e
"ako na magluluto, gusto mo may sabaw?sige ako na"sabi ni paolo at tinulak ako paalis dun kaya napasimangot ako habang sya natatawa naman
Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, kinuha ko naman yung ipad ko at nakita ko na ang dami chats sa telegram ko kaya napairap naman ako nung nakita ko na sila mika yun.
Lumipat ako sa ig at puro pictures naman ni briann bumungad sa ig ko, nagstory din sya na kasama nya si travis. Lumalandi na nga ito awiit lugi ako dun ah??
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.