"Hoy margo mamaya na yan!!"sigaw ni ate aira, nandito ako sa kwarto kung san nakaburol ngayon si charles.
I was playing with kaizer and kalani, napairap ako at tinignan si ate aira na nakapamewang na sa may pinto. "ano?naglalaro kami dito wag ka panira ate"inis kong sabi kaya natawa naman si ate aira sakin.
"May mga bisita na iwan mo muna yung dalawa dyan"sabi ni ate aira kaya napasinghap ako at tumango, tinignan ko muna yung dalawa na tahimik na nanunuod.
"Kaizer stay with kalani first okay??"mahina kong sabi, ngumiti naman si kaizer sakin at tumango kaya ngumiti na ako at lumabas na.
Nakita ko agad mga schoolmates dati ni charles at yung iba kaklase pa ni charles, nakita ko naman sila marco at marcus na nasa pinaka likod at kausap sila lucas.
Agad ako nakita ng kaibigan nila charles at nginitian ako, lumapit sila at niyakap ako kaya ngumiti na din ako pabalik. "salamat sa pag punta ah?"mahina kong sabi, ngumiti naman sila sakin.
"Nagulat kami sa nangyari, kamusta naman si coleen??"tanong ni christine.
"She's resting pa eh kaya ako at yung magpipinsan nag aasikaso dito"sagot ko kaya napatango naman sila sakin.
"Ano gusto nyo??may sopas kami dyan"alok ko sakanila, natawa naman sila sakin.
"sige lang margo!"sagot ni shaine kaya natawa na din ako at tumango nalang at bumalik sa kwarto.
"Dalan nyo ng pagkain yung kaibigan nila charles"sabi ko kila reign, tumango naman si reign at naglagay na ng sopas sa bowl.
"Nandyan sila marco ah?"sabi ko kaya nagkatinginan yung magpipinsan habang sila reign napaiwas ng tingin.
"kasama yung barkada mo??"tanong ni paolo sakin, tumango ako kaya napatango na din sila at binalik ang tingin sa gawain nila.
Lumabas na ako para bigyan ng juice yung mga bisita, napalingon ako sa pintuan nung bumukas yun at nanglaki mata ko nung nakita ko si ara naka facemask at naka eye glasses pa, may kasama syang lalaki na nasa 30s.
Nanglaki mata nila marcus nung nakita nila si ara pero nagsign agad si ara na wag maingay kaya tumango nalang sila marcus, napalingon sya agad sakin at tinanggal na yung face mask at ngumiti sakin kaya napangiti na din ako.
Binati sya ng mga kaibigan ni charles kaya ngumiti naman si ara at lumapit na sakin para yakapin ako. "bruha ka magkausap lang tayo kahapon tas bigla ka susulpot dito?"mahina kong sabi kaya natawa si ara at ginulo buhok nya.
"Tumakas lang kaya kami"mahinang sabi ni ara kaya natawa na ako, napalingon ako sa pintuan ng kwarto at nakita sila briann na nagtutulakan.
"baliw ikaw inutusan ni margo bat mo sakin ipapadala yan ha?"rinig kong pagtatalo, kaya parehas kami nagkatinginan ni ara at sabay lumapit.
Agad inagaw ni ara yung tray na may sopas, nanglaki naman mata nila briann nung nakita nila si ara na balot balot na itim. "mahiya naman kayo may bisita hoy!"sita ni ara sakanila kaya natawa ako habang sila reign nakatingin na sakin na gulat.
Nagkibit balikat lang ako at pumasok na sa loob para mahiga, pumasok na din sila mika at gulat na gulat pa din sa nakita nila. "hoy margo pano yan nakarating dito?"biglang tanong ni reign, nagkibit balikat lang ako ulit at niyakap si paolo na nakahiga din habang nilalaro yung dalawang bata.
"malay ko bang uuwi yan dito"sagot ko kaya napasimangot sila mika sakin, hinayaan ako ni paolo yumakap sakanya dahil nakatutok sya sa dalawang bata na naglalaro.
Bumalik na si ara na dala yung tray na wala nang laman, kasunod nya naman yung lalaki na nasa 30s. Sumandal na ako sa dibdib ni paolo kaya napangisi naman si paolo at ginulo buhok ko.
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.