80

80 2 0
                                    

"ano oras flight mo?"tanong ni isabelle, napalingon naman ako kay ara na busy magskincare.

"mga 8pm"sagot ni ara habang inaayos yung buhok nya. Kinuha ko yung unan at binato yun kay briann dahil natulala nanaman sya.

"lagi ka nalang natutulala briann"sabi ko kaya napalingon yung dalawa sakanya.

"ano iniisip mo riann?"tanong ni isabelle.

Napalingon naman si briann samin tatlo at napasinghap. "Si travis gusto makipag balikan"biglang sabi ni briann kaya pareho kami nanglaki mata ni ara.

"seryoso ka dyan?"gulat na tanong ni ara, tumango si briann at pinakita sakin yung phone nya.

Nung hinawakan ko naman yun napailing ako pero nanglaki mata ko nung bigla naoff yung phone. "hala! paano to! di ako marunong gumamit ng android!"bigla kong sabi kaya humalagpak ng tawa yung tatlo.

"Sabi ko sayo ara eh bigyan mo na ng samsung yan"sabi ni briann kaya natawa naman si ara sakin.

"Iphone since birth kasi"asar na sabi ni isabelle sakin kaya napasimangot naman ako. Inagaw na sakin ni ara yung phone at inon yun at binalik ulit sakin.

"hahaha gagi ang cute ni mm nung nagpanic sya"natatawang sabi ni ara at kinurot yung pisnge ko kaya napangiti naman ako.

"Kailangan ko na talaga mag aral ng android"sabi ko kaya natawa silang tatlo at nagthumbs up.

"Oo dapat lang hindi na uso iphone paglaki ng mga bata kaya humanda kana"sabi ni briann kaya nagtawanan na kami.

Binasa ko ulit yung message ni travis pero napailing naman ako nung nagsend sya ng picture nya na nakapeace sign. "tangina?isip bata ba naging jowa mo?"bigla kong tanong kaya napalapit si ara sakin at humalagpak ng tawa.

"nagsend ng picture nya?"tanong ni briann, tumango kami pareho ni ara kaya napailing naman sya.

"pareho sila ni tristan...ganyan din si tristan nung kami pa tignan mo"sabi ni ara at kinuha phone nya at pinakita sakin picture ni tristan na naka nguso kaya natawa ulit kami ni ara.

"Magkapatid talaga sila"sabi ko kaya napatango naman si ara. Inabot ko na yun kay briann kaya napahiga na ako.

"Gusto nyo kumain ng canton?"biglang tanong ni isabelle na nakatayo na sa pintuan ng kwarto kaya natawa naman kami tatlo at tumango.

Bumangon na kami pareho ni ara at lumabas na ng kwarto, nung paglabas namin narinig din namin agad ang ingay nila adam sa baba.

Dito kami nagstay sa bahay nila lee dahil ayaw nya naman kami pauwiin. "tulog na ata yung mga bata kaya nagawa nilang mag ingay"sabi ni briann at inayos yung pusod nya.

"asan si mm?"tanong bigla ni bryan nung nakita nya pababa na sila ara kaya sumunod na din ako at sumilip.

Napakunot naman ako. "Sila adam pinapainom g alak si kenji!"sumbong bigla ni bryan sakin kaya tinignan ko ng masama si adam. Natawa naman si adam at nagtaas ng kamay.

"ikaw adam ha! umayos ayos ka! pati si kenji dinadamay mo sa kalokohan mo!"sermon ko kay adam kaya nagtawanan naman sila.

"Ate hindi naman ako natamaan!"biglang sabi ni kenji kaya lumapit na ako sakanya at piningot sya kaya napadaing naman sya sa sakit.

"pag nalasing to videohan nyo at ipakita nyo sakanya kinabukasan!"irita kong sabi at sumunod na kila isabelle.

"So you are allowing me ate!?"sigaw ni kenji sa sala kaya napairap naman ako. Nung pagpasok ko sa kusina nagtawanan sila isabelle sakin.

"hayaan mo na yan! Sa ganyan edad rin naman tayo natuto eh"sabi ni ara sakin kaya napatango naman ako dahil totoo namam yun.

Nagsimula kami natuto uminom nila ara nung highschool pa lang kami dahil sa parents namin. Umupo na ako sa upuan habang si isabelle at ara nagluluto na. "tawagin nyo sila reign"sabi ni isabelle kaya tumango naman si briann at tumayo na at pinuntahan sila reign.

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now