"oh my god! may ipis sa banyo!!"sigaw ni akia kaya napabangon ako at sumilip kay akia na may hawak nang walis.
Sila mika mga walang pake dahil mga nakahiga at mga hawak phone nila kaya napalingon ulit ako kay akia na naka abang sa pintuan ng banyo.
"Hayaan mo na yan akia ipis lang yan"sabi ni ara na nakahiga sa tabi ko, hindi na sya umalis dahil nagpromise sila cristina na kakapalan nila mukha nila na harapin si yna.
Ang lakas ko sabihin yun pero pati ako kinakabahan sa mangyayari samin. "anong hayaan! baka gapangin tayo mamaya!"inis na sabi ni akia kaya napabangon na sila reign.
"ang ganda ganda nga ng bahay nyo ang dami naman alaga"maarteng sabi ni reign kaya napairap si akia kaya tumayo na si jillian at kinuha tsinelas nya.
"asan ba?ako na papatay"sabi ni jillian at pumasok sa loob ng banyo kaya humiga na ulit ako at binalik yung tingin ko sa laptop ni ara dahil nanunuod kami ng kdrama.
"namatay yung lalaki"sabi ni ara kaya nanglaki mata ko habang sya natawa at inayos yung higa nya dahil naka patong yung laptop sa may tyan nya.
"sya main dyan impossible na mamatay sya no"sabi ko kaya pareho kami natawa ni ara at nag appir dahil may point naman talaga ako.
"sarap din pumatay lalo na yung naninira"sabi ni ara kaya natawa ulit ako at hinampas sya.
"manahimik ka dyan baka masaktan ko pa yung babaeng yun"sabi ko kaya natawa si ara.
"ikaw?hindi na ako magugulat pag na ospital yun"sabi ni ara kaya lalo ako natawa at inayos na yung kumot sakin.
"hoy sino dito nag shopee?"sulpot na tanong ni cristina na may hawak hawak nang pagkain kaya nagkibit balikat naman ako.
"baka ikaw, ikaw lang gastadora satin eh"sagot ni mika kaya tinignan ng masama ni cristina si mika kaya natawa si mika at nagpeace sign sakanya.
"mga boba kayo sino tong si Ynna?"bungad na tanong ni faye na may dalang kahon na kaya lahat kami napabangon.
"ano spelling ng pangalan sis??"sulpot na tanong ni akia kaya agad naman nilapag yun ni faye sa foam kaya nagsi ayus ng upo sila reign sa baba.
"Y-N-N-A yung spelling"sagot ni patricia at ginamit yung matalas nyang kuko sa pagbukas ng kahon.
"Diba ara ganun spelling ng first name ni yna?"takang tanong ni reign kay ara na nanunuod pa din kaya hinampas ko hita nya kaya napalingon sya kila reign.
"Oo ganun first name nya pero tinanggal nya yung isang n kasi ang dami nahihirapan sa pangalan nya"sagot ni ara at binalik yung tingin.
"di ka curious sa laman ara??"takang tanong ni briann kaya napalingon ulit si ara.
"hindi na ako magugulat kung ano laman nyan"sagot ni ara at binalik ulit yung tingin sa laptop kaya napasinghap kami pareho.
"ang daming bubble wrap"sabi ni ate aira at sya na yung kumuha pero napabangon si ara at tinignan yung kahon.
"gumamit kayong cloves"sabi bigla ni ara kaya napatigil naman si ate aira sa paghalungkat kaya agad naman kumilos si akia at naghanap ng cloves.
Inabot naman ni akia yung plastic cloves kay ate aira kaya agad naman sinuot ni ate aira yun kaya pati si ara napakuha din ng plastic cloves.
"uy may letter"sabi ni ate aira at kinuha yun kaya napatigil naman si ara sa pagkakal at tinignan si ate aira.
"Hi Kia! How are you? I visited your house kaso wala ka pala! I heard na isa sa mga takahashi ang naging boyfriend mo! Well Same tayo! I hope magustuhan mo itong bag na to na galing pang states! Bonding tayo soon okay? from yna"basa ni ate aira kaya napahiga agad si ara nung narinig nya.
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.