Nakauwi na ako galing school at eto ako tulala na nakatingin sa bintana ng kwarto ko, di ko nga alam kung sisipot ba ako sa birthday party ni kirsten o wag nalang? nagtatampo pa din ako kay briann.
hindi ko pa nakausap yung guard kasi ang daming estudyante na kalat palabas ng UST tas hindi ko din nakita yung guard kaya hindi ko na alam kung pano ko ibubuking si briann kila akiara mamaya.
3:30pm pa lang kaya may oras pa ako mag ayos kasi start ng birthday party ni kirsten ay 7pm kaya humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot, pagod din ako kasi may hinabol akong deadline sa tle eh.
Kinuha ko naman phone ko at saglit nag scroll sa facebook puro memes naman nakikita ko dahil kay adam, ang jolly nya masadyo kaya ang bilis mapikon ni paolo eh.
Speaking of paolo hindi pa sya pumupunta dito e 2:30pm uwian nila mas maaga pa nga kesa samin e, dapat mga 3 nandito na yun kasi hindi naman traffic sa katipunan eh.
Pero kanina yung kaholding hands ni briann familiar sakin ang pananamit eh tas yung height din parang si paolo, gosh self! hindi yun si paolo okay??baka kasama nya lang sa med e!
ay puta nagmed din naman si paolo! pero hindi talaga ako sure kung si paolo ba yun o kaklase nya, bigla nagpop out sa messenger chat ni seya kaya napasinghap ako at sineen yun.
Seya Clarine: Ghorl!
Margo Marxie: yes po?
Seya Clarine: yung kasama ni briann kanina
Napaupo ako at inayos buhok ko at dali dali tinawagan si seya, sinagot naman yun ni seya. She's still wearing her uniform pero may hawak syang biscuit.
"sino yun??"curious kong tanong kaya natawa si seya at uminom ng tubig at sinandal phone nya, ewan ko kung sinandal nya ba or nilagay sa phone stand??
"kanina kapa kasi tahimik simula nung nakita mo tumakbo si briann kasama yung lalaki tas saktong naalala ko yung mukha kaya chinat kita"sagot ni seya at nagpalaman sa tinapay kay napasimangot ako dun at kinuha yung tumblr ko sa tabi ko.
"wag moko bitinin! naiinis ako e"sabat ko kaya natawa si seya dun at kumagat sa tinapay
"girl yung cousin ni akiara kasama nya, pogi eh"sabi ni seya kaya napakunot naman ako dun
"singkit?matangos ilong??"bigla kong tanong sakanya, tumango naman sya dun at umayos ng upo
"Oo sis singkit matangos ilong tas manipis labi tas 6 ft yung height tas medyo body build tas magulo yung buhok tas makapal yung kilay e"sagot ni seya kaya napatahimik ako dun, so si paolo nga??hindi nagkakamali ang pag oover think ko eh
"sis ayos ka lang??namumutla ka"sabi ni seya kaya napatingin ako sakanya at napasinghap nalang ako
"Oo ayos lang ako, thankyou"sabi ko at ngumiti ng matipid, tinaasan naman ako ng kilay ni seya.
"ang boba mo di ka marunong magtago ng sekreto e! wag mo nalang isipin kung ano nakita mo kanina"sabi ni seya kaya napasimangot na ako dun at sinandal katawan ko sa headboard ko
"gaga manliligaw ko kasi yung kasama kanina ni briann"sabat ko, nanglaki mata ni seya dun at dali dali nilapag yung baso nya at kinuha phone nya at humiga agad sa sofa.
"Hoy seya clarine sanchez umayos ka!!"sigaw bigla ni coleen kaya natawa ako dun habang si seya napairap. Seya Sanchez and Coleen Sanchez we're siblings hehe
"ate wag ka panira! may chika si margo e!"sabat ni seya kaya natawa ako dun, tinakpan nya naman ng unan dibdib nya
"hi margo!"sigaw ni coleen at kumaway sa ulunan ni seya, natawa naman ako at kumaway pabalik sakanya.
"gagi ka sis?totoo yan?as in??"di makapaniwalang sabi ni seya kaya natawa ako dun at tumango sa sinabi nya
"Pero girl bat sila maghoholding hands ni briann??"biglang tanong ni seya kaya nagkibit balikat ako at humiga at nagtalukbon ng comforter at sinandal yung phone ko sa gilid
"hindi ko alam girl"mahina kong sagot, narinig ko naman napapamura si seya
"teka lang punta ako dyan"sabi ni seya at dali dali bumangon at lumabas agad ng unit ni coleen kaya inend call ko na yun at narinig nalang ang pagbukas ng pinto.
Bumukas din naman agad pintuan ng kwarto ko at bumungad si seya na nakayapak pa kaya natawa ako dun, nilock nya yung pintuan at dali dali umakyat ng kama ko at nag indian seat kaya humalagpak na ako ng tawa dun
"diba inabot sayo ni briann yung brand paper bag??"takang tanong ni seya, tumango naman ako at tinignan yung brandpaper bag sa sofa.
"ayoko suotin yan mamaya"sabi ko kaya napatango naman si seya dun.
"tara dun tayo kay ate ang dami nyang cocktail dress na hindi nagagamit dun kasi tumaba"aya bigla ni seya sakin kaya natawa naman ako dun at tumango at chinarge phone ko.
"ikaw na din mag ayos sakin mamaya tinatamad ako e"sabi ko kaya napairap ako at dali dali hinila ni seya paalis sa kama ko kaya natawa na ako dun at bumangon na at sinuot tsinelas ko.
Lumabas kami ng kwarto ko at bumungad si ate aira na nagrereview, di sya lumingon samin kaya dali dali kami lumabas ng unit ko at pumunta sa kabilang unit.
Bumungad naman dun si coleen na umiinom ng gatas kaya napangiti sya nung nakita nya ako kaya ngumiti din ako pabalik pero hinila agad ako ni seya sa walk in closet nila. Sumunod naman si coleen dun
"Paheram daw ng damit si margo ha"paalam ni seya kay coleen, natawa naman si coleen at umupo sa isang sofa malapit sa malaking salamin ng walk in closet nila
"Magreready na ba kayo?"takang tanong ni coleen, tumango naman si seya dun habang ako natatawa nalang
"masadyo pang maaga para magready hoy!"sabi ko kaya natawa si coleen dun habang si seya umirap at nilapag yung dress na napili nya sakin at sakanya na rin
"we have to be there by 5pm duh"sabi ni seya kaya no choice ako dun ah?
"ayusan mo din ako seya"sabi ni coleen at pumili ng malulugaw na dress, tumango naman si seya dun. Kinuha ko naman yung dress na inabot sakin ni seya kaya pumasok na ako sa fitting room nila at sinuot yun.
Its a black shape satin dress, napasinghap ako at nilugay buhok ko at lumabas dun. Napalingon sakin ang magkapatid at sumipol kaya natawa ako dun at umupo sa harap ng vanity
"bagay na bagay sayo mga pinipili ko a"sabi ni seya kaya natawa ko dun, lumapit na sakin si seya at nagsimula na ako lagyan ng foundation sa mukha
"Light make up lang ilalagay ko sayo a"sabi ni seya kaya tumango na ako dun at pumikit, naramdaman ko naman agad yung brush.
"Seya lagyan mo ng onti nito oh"sabi ni coleen kaya napatigil si seya dun kaya napadilat naman ako at tinignan kung ano yun. eyeshadow glitters yun na white
"ilalagay ko sa under diba?"tanong ni seya kay coleen, tumango naman si coleen dun kaya pumikit na ulit ako
"icastor oil mo lang yung eyebrow ko ha?baka magalit si ate aira pag may shade ng brown yan"sabi ko kaya natawa si seya dun, Ate aira hates it pag nagkikilay ako.
"makakalbo na nga kilay mo pero okay na din naman"sabi ni seya kaya humalagpak kami ng tawa dun kaya kinurot ko si seya sa bewang
"Bastos lang seya???"sabat ko kaya humalagpak na kami ng tawa dun.
"oh pili kana ng shade ng lipstick"sabi ni coleen at inabot sakin yung box nila na puro lipstick kaya tinignan ko naman yun. briann told me to use nude colors because it suits my skin tone
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.