29

91 7 0
                                    

Nagbabato pick pa sila mika kung sino magtatapon ng basura sa kanto namin ng gantong oras mag fofour am na at eto kami gising pa dahil nagligpit pa kami.

"sa huli ikaw pa din magtatapon mika"asar ni reign kaya nagtawanan na kami dun, napasimangot si mika at sinuot jacket nya at lumabas na para itapon yun. Sumunod naman si karla at patricia dun

Pumasok na ako sa may gate namin at saktong lumabas si paolo kaya nagkatinginan kami kaya napaiwas na ako dun at pumasok pero bago ako makapasok hinawakan nya pulso ko kaya napalingon agad ako sakanya.

"can we talk?"seryosong tanong ni paolo, bigla pumasok sila reign at nakita kaming magkaharap kaya agad sila pumasok sa loob kaya napasinghap ako at tinanggal yung kamay nya sa pulso ko.

Pumasok ako at dumeretso sa taas kung san yung rooftop namin, sumunod naman sya kaya binilisan ko ang pag akyat.

Nung nasa rooftop na kami bigla tumayo balahibo ko sa lamig, parang gantong oras naliligo pa lang ako habang si akiara nakahilata pa nung highschool kami.

"what are we going to talk about??"tanong ko sakanya at tinignan syang tahimik na nakatingin na din pala sakin.

"about us..."sagot ni paolo kaya napakunot naman ako dun "what about us?? we're over remember??"umigtig panga nya at napaiwas na ng tingin sakin kaya napasinghap ako dun.

"I want to fix this..."mahinang sabi ni paolo kaya napakunot ako lalo dun at umupo sa upuan habang sya nakatayo lang sa harap ko.

"fix what?our relationship?"napangisi ako dun at niyakap ang sarili dahil sa lamig, dapat pala nagjacket na ako kanina e.

"I know it's been 3 months...but akiara told me to fix this..."sabi ni paolo kaya napa ayos ako ng upo at tinignan sya.

"So aayusin mo lang to pag may nagsabi sayo??"I asked, he sigh and looked at me with a tired eyes.

"I'm sorry....I'm sorry for hurting you like that..."pagpatawad ni paolo, nagulat ako nung lumuhod sya kaya napatayo ako dun "hey! stand up! paolo!"sita ko sakanya at hinawakan balikat nya, nagulat ako nung umiiyak na sya.

I don't know how to comfort a guy! Kusa kasing bati na kami nila levi at charles pag nag away kami! Pero iba na to! Si paolo na ito! Akiara told me if the boys we're sad or feel pain she is just hugging them.

Dali dali ko niyakap si paolo, naramdaman ko nalang kamay nya sa likod ko kaya napasinghap ako dun at hinaplos buhok nya.

"shsss....its okay paolo....i forgive you..."mahina kong sabi, sasabihin nila mika ang rupok ko! but i need to do this... Gusto ko din naman ayusin namin ito ni paolo eh....

Kusa syang umiwas after nangyari samin iyon, wala na din ako nalaman sakanya nun dahil nilibang ako nila akiara at pumunta sa boracay nun...

"paolo..."tawag ko sakanya, di na sya umiiyak kaya napatingin ako sakanyang tulog na kaya napasinghap ako dun at tinext si kuya na tulungan ako.

Dumating naman din agad si kuya dustin at nagtaka sa position namin dalawa ni paolo, hindi na din sya nagtanong at tinulungan ako kay paolo. Pinasal lang ni kuya si paolo kaya napasinghap ako at sumunod sakanya

Bumungad sila mika sa sala nakaupo, nagulat naman sila nung nakita nila si paolo mahimbing natutulog.

"margo nagigising yan pag walang kayakap..."mahinang sabi ni reign kaya napalingon ako sa guestroom kung san dinala ni kuya dustin si paolo.

"ikaw nalang reign..."sabi ko kaya napasimangot naman sya at inayos sweater nya.

"gaga hindi ako tumatabi sa mga pinsan kong lalaki, si akiara lang tumatabi sa mga pinsan kong lalaki e"sabat ni reign kaya napasimangot ako dun at umupo sa tabi ni karla.

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now