"BABE!!"sigaw ni paolo, napasimangot ako at siniksik ang mukha sa isa kong unan.
"Malalate na tayo!"sigaw ulit ni paolo sakin kaya napairap ako at binato ng unan si paolo.
Pagod na pagod ako dahil kagabi si akia at sila patricia nang hamon ba naman na wag matulog?? Syempre kami ni briann sumang ayon agad kasi hindi kami magpapatalo.
Si ara naman nag pass kasi may rason, si mika at coleen naman palusot yung anak nila. Ewan ko sakanila kung bakit talaga ayaw magpuyat.
"Babe mauna kana...."mahina kong sabi, narinig ko naman sya napasinghap.
Naramdaman ko na lumubog yung sa gilid ko at naramdaman ko nalang na may yumakap sakin kaya tinignan ko sya na seryoso na nakatingin sakin kaya napasimangot ako.
"We should go babe"mahinang sabi ni paolo at dinampian ako ng halik sa labi kaya napanguso naman ako habang sya natawa at dinampian ulit yun.
"Pwede mamaya nalang babe?ang aga pa kaya tsaka hindi naman tayo ma hohot seat ng mga bruha na yun..."mahina kong sabi kaya natawa sakin si paolo at ginulo buhok ko.
"Wala tayong lakas sa mga baliw na yun babe...kilala mo naman mga pinsan ko"sabi ni paolo kaya napasimangot ulit ako.
"Hayaan mo na sila babe"sabi ko kaya natawa ulit si paolo, siniksik ko nalang yung mukha ko sa leeg nya at dinama yung mabango nyang leeg.
"Hey babe baka pag tingin ko sa salamin meron na ako ah?"asar na sabi ni paolo kaya tinignan ko sya ng masama kaya natawa sya ulit sakin at hinawakan yung kamay ko.
"wag mo ako igaya sayo"inis kong sabi kaya lalo natawa si paolo, pinikit ko na ang mata ko at hinayaan si paolo mag ingay sa tabi ko.
***
Nandito na kami sa chapel, parehas kami nakatulog ni paolo at nagising kami by 2:40 buti nalang galing si ara sa condo ko at nagtaka na wala ako kaya sa condo ni paolo ako sinugod.
"magjojowa na talaga ako mag hintay kayo"iritang sabi ni ara kaya nagtawanan na kami.
"jowa ba sis?si seon hindi?"asar na tanong ni mika kaya napairap naman si ara kaya lalo kami natawa.
"Umuwi nga tas hindi sinama ang jowa"asar ko din kay ara kaya nagtawanan na din kami.
"ha ha ha margo"pikon na tawa ni ara kaya lalo kami natawa, Coleen was already covering kaizer's ear.
"Ara itikom mo na yan ha?pag may nalaman na bagong mura to si kaizer hindi ko na dadalin si kaizer sainyo"sita ni coleen kaya lalo kami natawa.
"kumain na ba kayo??"sulpot na tanong ni tita beatrice, tumango naman kami ni paolo habang yung iba umiling naman.
"kumain na kayo kami na muna bahala sa mga bisita"sulpot naman na sabi ni tita alliana kaya napatango sila habang ako umupo sa kama at nilaro na si kaizer.
"I want ice cream mommy ninang!"biglang sabi ni kaizer kaya natawa ako at tumingin kila coleen na kumakain na.
"Okay baby lets buy some ice cream outside"sabi ko kaya napangiti si kaizer at tumango sakin.
Tumayo na si kaizer at sinuot sapatos nya kaya napangiti naman ako, Kinuha ko naman yung bag ko at sinuot na yun kaya napatingin sila paolo sakin.
"san punta babe??"takang tanong ni paolo, humawak agad sa kamay ko si kaizer kaya napalingon naman si paolo.
"Ilalabas ko lang si kaizer gusto ng ice cream e"sagot ko kaya natawa si paolo at ginulo buhok ni kaizer.
Inabot naman sakin ni paolo susi ng kotse nya kaya napangiti naman ako sakanya. "nako margo parehas kayo ni tito iniispoil anak ko"sabi ni coleen kaya natawa ako sakanya.
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.