Nakaupo ako sa tabi ni ate aira sa sofa at pinagmamasdan si mommy na tulog pa din. When I was having a 1 week vacation at cagayan. Mom went home without messaging us.
Hindi pa din nagigising si mommy kaya napasinghap ako at pinikit mata ko af sinandal ang ulo ko sa balikat ni ate aira.
The Doctor told us that mom's head was badly injured it might cause amnesia which made me really nervous. tsaka may chance na hindi na sya magising pa.
"Mm tara kain na"rinig kong sabi ni akia kaya napadilat naman ako at umayos ng sandal.
Akia and Faye stayed with us while patricia and cristina we're at briann's office para makapag pahinga naman si patricia. Si Karla at Jillian bagsak sa kabilang sofa.
I told them to go home pero ayaw nila ako iwan dahil nag aalala sila sakin. Ara heard the news, She badly wants to go back but i told her to think about her work.
"ano niluto mo?"tanong ni ate aira kay akia kaya natawa naman si akia at pinakita yung luto nya samin kaya napa 'o' kami pareho ni ate.
"ang onti ng stocks ng bahay ni briann kaya simple lang niluto ko...adobo tas kare kare"sagot ni akia kaya napangiti naman kami ni ate aira.
Napalingon ako kay mommy, she loves kare kare that much. Lumapit na ako sa table at inamoy yung luto ni akia kaya napangiti naman ako.
"Ano oras na??"tanong ni karla na kakagising nya lang kaya tinignan namin sya na gulo gulo na yung buhok habang si jillian tulog pa.
"7:30 na"sagot ni faye na naglalagay ng inumin sa maliit na ref kaya napatango naman si karla at umupo na.
"sino gusto coffee?"tanong ko sakanila kaya agad napataas na yung dalawa kaya natawa naman ako at tumango.
Kinuha ko na wallet ko at lumabas na ng hospital room. Nung paglabas ko nakita ko agad si kuya dustin at sila kuya ash kaya napasinghap ako at nagtungo na sa elevator.
"saan ka pupunta?"tanong ni paolo sakin kaya napalingon naman ako at nakita si yna sa tabi ni paolo.
"bibili lang ng kape"sagot ko at binalik na yung tingin ko sa elevator, bumukas na yun kaya sumakay na ako.
Pipindutin ko sana yung close kaso biglang pumasok si paolo kaya napasinghap ako at hinayaan nalang sya. "why is she here?"kunot na tanong ko kay paolo kaya napalingon sya sakin.
"she's just worried..."sagot ni paolo kaya napairap naman ako, tumunog na yung elevator kaya lumabas na ako at nagtungo sa pinaka malapit na café dito.
"Margo!"napalingon ako dun at nakita si natalia na naka white coat kaya napangiti naman ako at kumaway sakanya.
"kamusta ka?ngayon lang ako nakapunta dito eh"sabi ko kaya natawa naman si natalia at umakbay sakin.
"ano kaba okay lang! ako nga yung hindi naka dalaw sa room ni tita"sabi ni natalia kaya natawa ako.
"bibili akong kape dahil magpupuyat ata yung mga kasama ko eh"sabi ko kaya natawa sya at tinuro sakin yung pinaka malapit na café.
"naalala mo pa yung ex ni akiara?"biglang tanong ni natalia sakin kaya napatango naman ako at tinignan sya.
"Yeah?what about him?"takang tanong ko at tinignan si paolo na nakikinig lang samin.
"sya pumalit kay doc cedric!"sagot ni natalia kaya napa 'o' naman ako.
"bat walang sinasabi samin si briann?"taka kong tanong kaya natawa si natalia at binuksan na yung pintuan ng café.
Bumungad agad yung tahimik na café kaya agad ako lumapit sa counter. "good evening po ma'am!"bati sakin ng cashier kaya ngumiti naman ako ng matipid sakanya.
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.