4

207 10 0
                                    

Nagising nalang ako na may hang over, napairap ako nung nakita ko mga kalat na damit ni akiara. She was drunk last night bigla kasi napag usapan ang mga ex kaya bigla sya nagbreak down lalo na din si brandon.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita sila brandon sa sofa bed na nakahiga yung iba naman nasa guestroom kung san dapat matutulog si akiara kaso nagpumilit si akiara na sa tabi ko dahil umiiyak pa sya nun.

Pumunta ako sa kusina at nagulat nung nakita si paolo nagluluto, napalingon naman sya sakin at ngumiti kaya tumango lang ako at kumuha ng gatas.

"do you want to eat something??"biglang salita ni paolo, napakunot naman ako dun at nakita syang naghahanap na pwede lutuin

"just cook anything"I answered and started to fill the glass with milk, He just watched me to pour the milk.

"okay..." yun nalang ang nasabi nya at kumuha nalang ng lulutuin, bigla sumulpot si akiro na may hawak nang tuwalya at papunta sa common bathroom.

"Paolo gawan moko oatmeal"sabi ni akiro at dali dali pumasok sa common bathroom, sumulpot din si briann at napatingin kay paolo. lumaki lalo mata nya kaya natawa ako ng mahina.

"girl mata mo..."asar kong sabi sakanya, napairap naman si briann at kumuha din ng baso at nilagyan ng gatas.

"ang aga aga mo mang inis no??"pikon na sabi ni briann kaya natawa ako at kumuha ng mansanas at hinugasan yun at kumagat agad.

"wala e tulog pa yung pinipikon ko"sabi ko, natawa naman sya dun at sumubo ng cereals na nilabas nya.

"putaaaangiiiiinaaaaa!! paolooo i want milktea!!!"sigaw ni akiara na palabas sa kwarto ko, natawa naman kami ng malakas ni briann dun.

"hoy baka may tagos na bedsheet ko!!"sigaw ko kaya mas lalo nainis si akiara at dali dali sinugod si paolo na tahimik nagluluto.

"puta aki ipreno mo naman bibig mo!!"inis na sigaw ni kuya ash sa sala kaya mas lumakas tawanan namin habang si akiara kinukulit na si paolo.

"Ano flavor?lalabas ako"biglang sulpot ni lee, napangiti naman si akiara at yumakap kay lee.

"uhmm wintermelon with nata...i want potato corner din"mahinang sabi ni akiara, tumango naman si lee at kinurot ilong ni akiara kaya napasimangot si akiara habang si lee naman natawa ng mahina at hinaplos nalang ang buhok.

"sanaol bumabait pag binilan ng gusto"sabat ko, kaya napalingon si akiara ng masama sakin at tinaasan ako ng middle finger kaya humalagpak kami ni briann.

"sige alis na ako"paalam ni lee at lumabas ng condo unit ko, Ngumiti ng masaya si akiara nung lumabas si akiro na nakatapis lang. Napakunot naman si akiro at lumingon samin, nakibit balikat lang kami ni briann.

"Akiroo yakaaaap!!"biglang sabi  i akiara, nanglaki naman mata ni akiro. dahil yumakap si akiara sakanya kahit basa dibdib nya.

"Hey! I'm soaking wet!!"sita ni akiro, umiling naman si akiara dun at niyakap si akiro.

"May napkin ba yan?"sulpot na tanong ni kuya ash, nagkibit balikat naman kami ni briann. Sumulpot si reign na bagong ligo at nakaready na parang aalis pa ang bruha.

"Margo may tagos pala yung bedsheet mo laba well!!"sabi ni reign at sumubo lang ng cereal ni briann at lumabas na, nanglaki naman mata ko at tinignan si akiara na sumiksik na sa leeg ni akiro.

Hinila ni kuya ash si akiara para makapag bihis naman si akiro kaya dali dali tumakbo si akiro papasok sa guestroom.

"tangina ka may favouritism ka nanaman pag nagkaregla!!"inis na sabi ni kuya ash, natawa naman kami ni briann dun.

"tsupe kuya! ang pangit naman ng kapatid ko!!"inis na sabi ni akiara at nagkunyari nasusuka, babatukan na sana nya si akiara kaso tumakbo agad si akiara sa sala para guluhin sila brandon.

"sainyo lang naiinis si akiara a love na love nya naman yung tatlong uggok"sabi ni briann, napairap naman si kuya ash at paolo dun. Tinutukoy ni briann si lee, ivan at akiro.

"badtrip...sakit ng tenga ko nung sumigaw sya ng putangina"sabi ni paolo at hinimas tenga nya, nagtawanan naman kami dun

"what do we expect from her??kakabasa nya yan ng defend me attorney"sabi ko at ngumisi kaya mas lalo nainis si kuya ash at tumulong nalang sa pagluto ng almusal.

Sumulpot si mika na ganun din bagong ligo at nakapang alis na din! May mga lakad ang bruha!!

"hoy san ka pupunta?inayos mo ba yung higaan dun??"sigaw ni briann, umirap naman si mika at tumango

"opo madams pinalitan ko na din yung bedsheet ha??binabad ko din sa bleach yung sapin"sabi ni mika at dali dali lumabas dun.

"sanaol may date!"pahabol na sigaw ni kuya ash kaya nagtawanan na kami dun.

"Tawagin nyo na yung iba para mag almusal"sabi ni paolo at nilapag yung pancake at bacon at sunny side up, tumango naman si kuya ash at tinawag na yung iba.

Sumakto naman na dumating si lee at saktong kakalabas lang din ni akiara ng kwarto at ang laki ng ngiti nung nakitang may hawak na plastic bag si lee, yumakap si akiara dun at hinalik halikan si lee sa pisnge. Natawa naman si lee dun at inalalayan na sya umupo, tumabi naman sakin si paolo dahil yun nalang ang bakanteng upuan.

"ingat ivan"sabi bigla ni lee, natawa naman ng mahina si ivan dahil alam nya na ang tinutukoy ni lee at kumain na.

Nagulat ako nung nilagyan ni paolo ng fried rice pinggan ko kaya nagpasalamat nalang ako at kumuha bacon at sunny side up, inabot naman sakin ni akiara yung ketchup kaya nilagyan ko nalang sa gilid ng pinggan ko iyon.

"May practice ba daw today??"tanong ni akiara, napalingon naman ang magpipinsan sakanya.

"Baka?si reign may cheer dance na gagawin mamaya e"sabi ni levi, tumango naman si akiara dun kaya napailing naman yung iba.

"nakakatamad kaya magpractice ng basketball"reklamo ni kuya ash kaya nagtawanan na kami dun.

"hoy ! cheerleader ka a!?"biglang sabi ni brandon, napairap naman si akiara kaya nagtawanan na kami.

"Nag excuse ako si reign muna magtuturo"sabi ni akiara at sumandal, pumikit sya at dinama ang lamig ng milktea.

Napansin ko naman napapailing ang magpipinsan kaya natawa kami ng mahina ni briann dun.

"after pala uuwi na muna ako samin"sabi ni levi, tumango naman ako. Mananahimik nanaman ang condo unit ko pag nag alisan na to.

"levi hatid moko sa condo ko"sabi ni akiara, umiling naman si levi dun at tinuro ang kapatid nya.

"ako na maghahatid sayo"sabi naman ni akiro kaya napangiti naman si akiara at tumango dun.

"kailangan ko mag grocery ngayon"bulong ko kay briann, natawa naman sya ng mahina at tumango dun.

"sila brandon maghuhugas"sabi ni briann kaya nanglaki ang mata ni brandon kaya nagtawanan na kami dun.

Nagtayuan na sila at nagsipuntahan sa sala, napasimamgot naman si brandon kaya tinulungan ko na sya mag ayos at dalin sa lababo yun, puro mura narinig ko kay brandon habang nilalagyan ng dish liquid soap yung sponge.

"Hayaan mo na brandon...sila naman naglaba ng pinagsukahan nila e"sabi ko, natawa naman si brandon dun at tumango. Napalingon ako sa labas ng balcony, nilaban kasi nila akiara yung comforter na pinagsukahan nila brandon at adam e.

------------------------------------------------------------------------------------------

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now