51

85 8 3
                                    

2 months counting...

"margo isolve mo na kasi"kulit sakin ni marco, tinignan ko sya ng masama kaya napasimangot sya at umupo sa harap ko.

lunchbreak na namin ngayon at eto si marco nalate sa first class namin which is math tas eto ginugulo ako sagutan yung activity kanina.

"kopyain mo nalang kasi sagot ni lucas!"sabi ni annie, umiling si marco at nagpacute na sa harap ko kaya napairap ako at tinutok ang sarili ko sa phone ko.

"gusto ko malaman kung pano nakuha eh"sabi ni marco kaya napailing ako, I can't believe that this guy is kuya ash's younger brother.

But he doesn't know either...

"Iwan nyo na yan tara maglunch na tayo"aya ni seya kaya tumayo na ako at binulsa phone ko sa skirt ko at sumunod kila seya.

No choice si marco kundi sumunod samin, Ang daming estudyante na pakalat kalat sa campus. Yung iba naghahabulan yung iba naglalandian?yung iba naman nag aaway.

"Elle ano lunch sa cafeteria??"takang tanong ni seya, nauna si elle sa cafeteria para magreserve ng table para samin.

"may adobo daw"sagot ni elle kaya bigla tumakbo si lucas at marco para pumila kaya napailing naman kami.

Pa iba iba kasi lunch dito sa UST tas ginto pa pero masarap na rin naman yung mga pagkain dito which is nakakabusog talaga.

Napairap ako nung sumingit si james sa pila kaya binatukan ko sya, nagpeace sign sya sakin at umalis sa harap ko at lumipat sa likod ko.

"absent daw si sir patrick kaya walang ap sa last subject"sulpot na sabi ni seya na nakisingit na kay marco at lucas.

"Grabe naman president natin sumisingit??"pagpaparinig ni lucas kaya natawa ako ng mahina nung napalingon si seya sa likod nya.

"Lasunin kaya kita dyan??"inis na sabi ni seya kaya lalo kami natawa. Umorder na si seya kaya natahimik kami.

Nung ako na sumunod sinabi ko agad lahat yung bibilin ko, inswipe ko agad yung id ko at kinuha yung tray na may pagkain na. Pumunta na ako sa table na nireserve ni elle, Hindi pa nila ginagalaw yung pagkain nila dahil may rules kami na bawal kumain hangga't hindi pa kami kumpleto sa table.

"Ganda ng brace mo annie ah?" Napalingon ako kay annie na hinahati yung adobo dahil kakabrace nya lang.

"Manahimik ka dyan elle"iritang sabi ni annie kaya parehas kami natawa ni seya, Dumating na din sila lucas dala dala yung inorder nila.

"masakit annie??"tanong ni seya kaya lalo napairap si annie at kumain na kaya natawa ulit kami.

"Pabrace din tayo para mafeel natin yung sakit na nararamdaman ni annie"sabi ko kaya humalagpak ng tawa si elle at seya. Tinignan naman ako ng masama ni annie kaya nagpeace sign ako sakanya at ginalaw na yung pagkain ko.

"No thanks healthy na ngipin ko"sabi ni james at ngumiti ng labas yung ngipin kaya napailing naman kami dun.

"Tanga may chocolate ngipin mo"sabi naman ni marco kaya napasimangot sya at kinuha yung phone nya at tinignan yung ngipin nya kung may chocolate pa.

"oh margo"abot sakin ni seya yung patatas kaya natawa ako at kinuha yun, ayaw ni seya ng patatas e kaya ako kumakain.

"gala tayo mamaya"aya ni marco kaya lahat kami napatingin sakanya.

Kunot naman syang tumingin samin. "libre mo pamasahe??"tanong ko kaya humalagpak ng tawa sila lucas.

"oo nga pre libre mo ba pamasahe??"napairap na si marco at kumain na kaya lalo kami natawa.

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now