81

75 1 0
                                    

We arrived at the hospital. Pumunta agad kami sa kaibigan ni bryan. Nung nakita ako ni Bianca naiyak na sya kaya napangiti ako ng matipid. Bianca is our old friend na sobrang close samin ni ara at briann.

"Tara na gusto  ko malaman kung healthy si baby"sabi ni bianca at hinawakan ang kamay ko. Nagbihis ako ng hospital gown at pinahiga ako sa hospital bed.

Kaya si bianca chineck agad yung tummy ko. Naiyak ako nung narinig ko yung tibok ng puso ng baby ko pati na din si bianca.

"Ang healthy naman ni baby"mahinang sabi ni bianca, napalingon ako kay bryan na pinagmamasdan lang ako.

Nung natapos na namin icheck si baby. Nagbihis ulit ako sa dati kong suot na damit at umupo sa tabi ni bryan.

"So...don't worry about the baby's health...sobrang lusog nya...wag ka magpaka stress okay margo?Tsaka kumain ka ng healthy foods para parehas kayo lagi healthy ni baby okay? 2 weeks pregnant ka"sabi ni bianca at inabot sakin yung ultra sound ni baby.

Napangiti naman ako at nagpasalamat sakanya. Nung paglabas namin ni bryan nakangiti pa din ako dahil healthy sya. "mm?"napalingon ako at nanglaki mata ko nung nakita ko si briann na naka lab coat at nagtataka kung bat ako nandito.

"oh hi!"bati ko sakanya, napakunot naman sya nung nakita nya na may hawak akong envelope.

"why are you here??"takang tanong ni briann kaya napalingon ako kay bryan na tahimik lang sa tabi ko.

"Uh-- can we talk private??"bigla kong sabi sakanya kaya napakunot naman sya lalo pero tumango kaya sumunod ako sakanya papunta sa garden.

Nung nasa labas na kami suminghap ako at tinignan si briann na tahimik pa din. Inabot ko sakanya yung envelope kaya napakunot naman sya at kinuha yun at binuksan yun. Nung nakita nya yun nanglaki mata nya at agad pumatak ang luha nya.

"h-hey a-are you serious??"nauutal na tanong ni briann, ngumiti ako ng matipid kaya agad nya ako niyakap at umiyak sa balikat ko.

"Oh my god... I am a tita na!"masayang sabi ni briann at kumalas na ng yakap sakin at pinunasan yung luha ko.

"Pero...who's the father??"tanong ni briann.

"ofcourse...si pao"sagot ko kaya lalo sya napangiti sakin at hinawakan kamay ko.

"but...he doesn't know...the girls too...pero si ara at coleen at patricia alam dahil sila ang nagpatest sakin"sabi ko kaya napatigil naman sya.

"how are you going to say this to the other girls?lalo na kay pao?"nag aalalang tanong ni briann kaya napasinghap naman ako.

"I guess I need time??"sagot ko kaya napatango naman sya at pinunasan ang luha nya.

"I think I'll stay at antipolo first..."sabi ko kaya napatango naman sya sakin.

"Yeah you have too...bawal mastress ang baby"sabi ni briann at hinawakan yung tyan ko na hindi pa malaki.

"baby you have to be good to mommy okay?kailangan nyo maging healthy okay?"kausap ni briann sa tummy ko kaya natawa ako ng mahina.

"I'll update you everyday"sabi ko kaya ngumiti si briann at tumayo na kaya tumayo na din ako at kinuha yung bag ko at yung envelope.

"I'll tell the girls sa gc"sabi ko ulit kaya tumango sya ulit. I don't want to face the girls dahil kinakabahan na din ako.

Hinatid na ako ni briann sa may parking lot kung san naka park yung kotse ni bryan, Nakita ko din naman agad si bryan naka sandal pero napa ayos naman sya nung nakita nya ako. "Hoy bryan alagaan mo yan ah!"sabi ni briann kaya natawa naman si bryan at tumango at nagthumbs up kay briann kaya natawa kami.

Kumaway na ako kay briann at sumakay sa kotse ni bryan. Sumakay na din si bryan kaya uminom na muna ako ng tubig. Sinuot ko na yung seatbelt pati na din si bryan. Now I have to face my fam...

Chinat ko naman sila kuya dustin na uuwi akong antipolo para sabihin sa pamilya namin. I just can't hide this to my family because they know that I can't lie or hide.

***

Nagising nalang ako nung inaalog ako ni bryan kaya napaunat ako at sumilip sa bintana at nakitang nasa labas na kami ng bahay nila kuya dustin.

Bumaba na ako at kinuha gamit ko, tinulungan naman ako ni bryan kaya nung pagpasok namin bumungad agad yung mga kapatid ni mommy.

Nagulat sila nung nakita nila ako pero ngumiti din sila at sinalubong ako ng yakap. "bat hindi ka tumawag na uuwi ka!"sita sakin ni tita flore kaya natawa naman ako ng mahina.

Lumabas naman bigla si ate aira sa kwarto nya, Napangiti naman sya nung nakita nya ako kaya ngumiti din ako sakanya. "Ma may sasabihin yan si mm at sana wag kayo magalit"biglang sabi ni ate aira kaya napalingon naman sakin mga pinsan ko.

Umupo na kami habang si bryan naka abang lang sa tabi ni kuya dustin. Nanahimik sila kaya napasinghap ako at binigay kay tita flore yung envelope.

Napakunot naman sya pero binuksan pa din yun. Nanglaki mata nya at tinignan si tito vincent na gulat din sa nakita. "Lola na ako!!"sigaw ni tita sheila kaya lalo nagulat ang iba pati na din ang mga pinsan ko.

"B-buntis ka??"nauutal na tanong ni tita flore, tumango ako. Bigla nya naman ako niyakap kaya napangiti na ako.

"pero wag nyo po sabihin kahit sino..."sabi ko kaya kumalas na ng yakap si tita flore at pinunasan luha nya.

"sino ang ama?"tanong ni tito vincent kaya nagkatinginan naman kami ni ate aira.

"si pao pa pero hindi nya alam dahil wala sila ni mm"sagot ni kuya dustin kaya nanglaki mata lalo ng mga pinsan ko.

"sasabihin ko din naman po pa pag medyo okay na ako"mahina kong sabi kaya napatango si tito vincent sakin.

"Magpapakain ako!"masayang sabi ni tita sheila at kinuha phone nya para umorder kaya natawa na ako ng mahina habang yung mga pinsan ko nilapitan na ako at hinawakan yung tyan ko kaya natawa ulit ako.

Ate aira hugged me because of joy. She started crying which made me laugh and hugged her back.

"Mas nauna kapang nabuntis sakin"iyak na sabi ni ate aira kaya lalo ako natawa pati na din ang iba namin pinsan.

"sumpa yung pustahan nila ara lagi totoo"sabi ni kuya dustin kya lalo ako natawa dahil totoo. Si Mika yung unang pinusta ni ara na mabubuntis samin.

"May lahing mangkukulam yun eh"asar kong sabi kaya pati na sila tita flore natawa. Kumalas na si ate aira sa pagyakap sakin kaya nginitian ko sya ng matipid.

"Magiging mabait ako na tita promise"sabi ni ate aira kaya natawa ako at tumango.

"wag mo lokohin sarili mo aira"sabi ni tita flore kaya lumakas ang tawanan namin habang si ate aira napasimangot sa sinabi ni tita flore.

"halika na kayo! may pancit na!"sigaw ni tita sheila sa kusina kaya nagtayuan na kami. Lumapit na sakin si bryan para alalayan ako.

"Grabe dikit tol ah"asar na sabi ni kuya dustin kay bryan. Natawa naman si bryan at nakipag fist bump kay kuya dustin.

"Syempre naman gusto ko maging mabait na tito ayaw ko na masira image ko sa magiging baby ni mm"sabi ni bryan kaya natawa ako at sinuntok sya sa balikat kaya natawa na din sya.

"samin pa lang sira na image mo"sabi ni ate aira kaya bigla sya hinampas ni tita flore kaya lalo kami natawa. Kumuha na kami ng pinggan para lagyan yun ng pancit.

I'm glad my family accepted me and my baby... I'm so lucky to have them. I thought they will not accept me but they accepted...

--------------------------------------------------------------------------------

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now