"Thankyou po teacher margo!!"paalam ng mga bata kaya napangiti naman ako at kumaway sakanila.
Nagtakbuhan na sila palabas ng studio kaya napangiti ako lalo habang si heize sinundan ang mga bata para sure na sinundo ng parents nila.
Kaya napaupo agad ako sa sahig at kinuha yung bimpo ko at tumblr ko at agad ininom yung tubig ko.
Sumulpot naman si ate aira na naka pang gym outfit kaya natawa kami pareho dahil parehas kami pawis. Binato nya yung dala nya coke in can sakin kaya agad ko naman nasalo yun kaya umupo sya sa tabi ko kaya binuksan ko na yung akin.
"grabe pagod"reklamo ni ate aira kaya natawa naman ako at tumango.
"kahit nakakapagod nakakatuwa pa din dahil ang hyper ng mga bata"sabi ko sakanya kaya napa 'o' naman sya sakin habang ako natawa naman.
"yung mga magulang ng bata grabe ang dami nirereklamo dahil ang sakit daw ng balakang nila at hindi kaya gawin yung mga ginawa ko"sabi ni ate aira kaya natawa ako lalo at ininom na yung coke.
"wag mo galitin ha?wag mo kalimutan na kliyente natin sila"sabi ko kaya natawa si ate aira at hinampas ako kaya napailing na ako sakanya at tumayo na.
"halika na nga at maglunch na tayo"aya ni ate aira at nagpatulong sa pagtayo sakin kaya natawa naman ako at inalalayan sya sa pagtayo kaya kinuha ko na bag ko at nagtungo na sa labas.
"restroom muna tayo"aya ko kay ate aira kaya natawa naman sya at tumango sakin at sumunod papunta sa restroom saktong nakasalubong namin si heize na nagpupunas na din ng pawis.
"oh ma'am! sabi po ni sir dustin sabay na daw po kayo umalis"sabi ni heize kaya napatango naman kami ni ate aira sakanya.
"hindi ka sasabay samin??"takang tanong ni ate aira kay heize.
"u-uh ma'am aira kasama ko po yung kapatid ko maglunch e.."sagot ni heize kaya napatango naman kami pareho ulit kaya kumaway na samin si heize at naglakad na pabalik sa pwesto nya.
Kaya pumasok na kami sa loob ng restroom, bumungad yung restroom na tahimik kaya dumeretso na agad kami sa mga cubicle. Tinanggal ko agad yung jacket ko at nilagay yun sa isang bag ko at kinuha ko naman yung puff dress ko na light blue.
"oh my god did you hear about ms margo?"nanglaki mata ko, baka kakarating lang ng mga babae sa loob ng restroom. Saktong tumunog phone ko at nakita yung message ni ate aira na wag ako lumabas kaya napasinghpa ako at tinapos nalang ang pagbibihis ko.
"what about her??"takang tanong ng babaeng kasama nya.
"she used her parents just to have a high position"sagot ng babaeng una kaya lalo ako napakunot, sino naman nagsimula ng issue na to?at puro mali nalang ang mga issue na ginagawa nila sakin?
"bat mali lagi issue nyo sa matataas na position?"tanong ng pangalawang babae, she has a point! pero her voice is kinda familiar!
Narinig ko nang bumukas na yung isang cubicle kung san pumasok si ate aira kaya nilagay ko na yung rubber shoes sa bag ko at sinuot na yung heels ko, kinuha ko na bag ko at nilugay na buhok ko at lumabas na din ng cubicle.
Saktong paglabas ko nakita agad ng mga babae ako sa repleksyon ng salamin at napaiwas ng tingin habang yung isang babae naman ngumiti sakin at nagbow kaya ngumiti ako ng matipid sakanya.
"hey mm lets go"aya ni ate aira pagtapos nya maghugas kaya tumango na ako at sumunod na kay ate aira. Nung nakalabas na kami ng restroom nakahinga ako ng maluwag.
"grabe naman yung babaeng yun kung makapag kalat ng issue kala mo tama"inis na sabi ni ate aira at nauna na naglakad papunta sa elevator kaya napasighap naman ako sakanya at sumunod na nung pagpasok ko agad nya pinindot yung button.
YOU ARE READING
I Met You In Ateneo
Teen FictionMargo Marxie Rodriquez from University Of Santo Tomas. The girl who loves to dance, The girl full of smiles. She was the only daughter of the Rodriquez clan.