12

154 7 0
                                    

Nang lalanguyan na ang magjojowa dun habang kami ni simon nag aaway pa kung sino maglalagay samin ng suncream !

Tangina Charles bat naging kapatid mo pa to kung sobrang arte naman??

"dalian mo! napapaso na ako sa init!!"reklamo ni simon kaya sinipa ko likod nya kaya nahulog sya sa buhangin kaya natawa naman ako habang sya napasimangot.

"ewan ko sayo! ikaw maglagay sa sarili mo!"sabat ko at binato sakanya yung suncream at nanglaki mata koo nung tumama sa mukha nya iyon, dali dali ako tumakbo palayo sakanya

"MARGO MARXIE RODRIQUEZ !! HUMANDA KA SAKIN!!"sigaw ni simon at hinabol na ako, natatawa ako habang tumatakbo. Saktong kaka ahon lang nila mika kaya nagtago agad ako sakanila.

"ano ginawa mo?bat namumula mukha ni simon??"nagtatakang tanong ni mika, natatawa naman ako lumingon kay simon na kausap na si charles pero sakin pa din nakatingin kaya natawa nalang ako.

"binato ko sakanya yung suncream di ko naman alam na sasapul sa mukha nya e"sabi ko kaya natawa nalang din sila reign dun

"tangina feel ko si simon a"sabi ni renz at hinaplos mukha nya kaya napairap si reign dun.

"bat binato ka din ba?"takang tanong ni kelvin, tumango si renz at sumimangot.

"iba tumama sakin e....puta remote control e"sabi ni renz kaya humalagpak kami ng tawa nila mika dun

"si akiara nagjejetski tas iniwan si tristan dun!"sabi ni reign at tinuro si akiara na nagjejetski nga habang si tristan nakaupo sa buhangin habang pinapanuod girlfriend nya

"Omg nakaka stress!!"sulpot ni briann, napangisi naman kami nung kasunod nya lang si travis.

"si charles muntikan na ako lunudin!!"sulpot naman ni coleen kaya humalagpak kami ng tawa dun habang si charles tumatawa lang sa likod.

Dumating na din si akiara at niyakap agad si tristan at pinagtripan pa dahil basa nga.

Nagulat ako bigla may bumuhat sakin at nagulat ako na si simon iyon! Tumakbo sya kaya napatili ako nung tumalon sya sa malalim na part at binato ako dun!!  Narinig ko naman nagtawanan na sila kaya hinabol ko si simon at sinabutunan at sinakyan sa likod

"puta ka batuhan kaya kita ulit ha??"pikon kong sabi, natatawa naman sya at inaalis ako sa likod nya pero hinigpitan ko ang pagka kapit sakanya

"Hoy Simon Jan pag yan inatake ng hika ha!!"sigaw ni akiara nung naka ahon na kami, natatawa naman si briann at inabutan ako ng tuwalya.

Nagbalikan na kami sa rest house dahil pagabi na din naman.

masadyo kami late nagswimming kasi nga late na din kaming naglunch kaya ayun mga 5 ata kami nagswimming.

****
Nakahiga lang ako dito sa kama habang yung boys daw nagluluto, yung ibang girls naman daw may mga sariling mundo

Nakita ko naman dm ni akiara sakin sa ig kaya napangisi ako nung nabasa ko iyon.

akiara_: sis g ka?? 🤡🍻

margomarxie: luh?hinahamon mo ba ako??

akiara_ :naman ako pa?

akiara_: pero gagi ipapakilala nila adam mga jowa nila so go with the flow nalang tayo g ka???

margomarxie: g naman ako palagi pero san mig lang tayo okay lang sayo??

akiara_: oo ayaw ko din mag inom ng madami ngayon.

margomarxie: sila reign baka mag alak??

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now