8

164 9 0
                                    

Eto nanaman ako kaharap ang reviewers ko, Nandito kami ngayon nila seya sa library dahil masadyo maingay sa room. Buti nalang may vacant kami hanggang uwian dahil may mga meeting ang profs pero nag iwan din ng student prof pero nagpaalam naman kami kaya hinayaan na kami.

"bat walang pumapasok sa utak ko??"mahinang sabi ni elle at pinukpok ng mahina ulo nya, natawa naman kami ni seya ng mahina dun at napailing sakanya.

Bigla dumating sila marco hawak hawak din ang mga reviewer nila at umupo sa bakanteng upuan samin, Namumutla si marco at james kaya napakunot noo namin.

"bat ganyan mukha nyong dalawa??"mahina kong tanong sakanila, bumagsak ang katawan nila sa table at nanglaki mata namin dun at nagpanic at lumapit sakanila.

"huy! putangina!! marco!!"nagpapanic na si seya at dali dali lumabas para tumawag ng tulong, Si elle naman alalay si james habang ako nakay marco. Inayos naman ni annie mga gamit namin.

"james naman bat kayo ganyan??"nag aalalang sabi ni elle at paluha na, umiling naman ako dun. James and Elle we're lovers.

"marco...hey...."tawag ko sakanya, hindi sya gumagalaw. Kaya napalingon ako kay seya na papasok na at may mga kasamang lalaki. Tinulungan nila kami buhatin si marco at james.

Kinuha namin agad ang gamit namin at sumunod sakanila, Buti nalang malapit ang UST hospital dito kaya dali dali dinala sa emergency room sila marco at james.

Nakaupo lang kami sa labas habang si elle naiiyak nalang na yakap yakap ni annie habang ako naiilang dahil ang dami nakatingin samin.

Bigla lumabas ang doctor kaya napatayo kami ni seya habang si annie at elle nakaupo pa din.

"doc kamusta kaibigan namin??"nag aalala kong tanong, Bigla may nilabas ang doctor at nanglaki mata namin dun.

"May nakita kaming pills sa bulsa nila pero hindi namin ma alam kung anong klasing pills ang ininom nila"sabi ng doctor, nanglaki naman mata namin at tinignan ang pills na inabot samin ni doc.

"Pero okay na sila, hintayin nalang natin magising"sabi ng doctor at nagbow samin kasunod ng nurse, Pumasok na kami dun at nakitang naka dextros na ang dalawa kaya napatahimik nalang ako dun.

bigla nagring phone ko kaya lumabas ako at sinagot ang tawag na iyon, napasinghap naman ako at sumandal sa pader.

"kamusta sila james??tangina"nag aalalang tanong ni jimmuel, for sure nasa room pa silang lahat.

"May ininom silang pills...pero okay na sila...hintayin nalang namin magising"sagot ko, narinig ko naman ang pagsinghapan ng mga kaklase ko sa kabilang linya.

"anong pills ininom nila margo??"nag aalalang tanong ni lucas kaya napailing naman ako dun.

"hindi namin alam...pati ang doctor hindi alam..."sagot ko at narinig ko naman na puro mura ng mga kaklase ko iyon.

"can you ask briann or akiara??maybe they know"sabi ni selena, napasinghap naman ako dahil may points sya. Briann is studying about medicine while akiara she knows all the pills, While kuya ash graduated at medicine course.

"I'll look...pupunta ako sa ateneo ngayon"sagot ko, narinig ko naman ang magagaan nilang paghinga kaya napangiti nalang ako dun.

"dont worry guys...pag nalaman ko agad sasabihin ko agad sainyo iyon..."sabi ko, napangiti naman ako nung naghiyawan sila dun.

"wag kayo maingay baka marinig tayo ng ibang student prof!"sita ng student prof namin na kasing edad lang namin kaya natawa ako ng mahina.

"I'll hang up now.."sabi ko at inend call na iyon, pumasok na ako sa loob at bumungad na tahimik na kwarto. Si Seya nakaupo sa upuan sa tabi ni marco habang si elle sa tabi naman ni james at si annie nasa sofa.

I Met You In AteneoWhere stories live. Discover now