Dixie's POV
Hello, mga ka-bubbles. I'm back nanaman hahaha. Nahawa na ko sa kemeng-kemerot ni Blue hahaha.
Alam niyo ba kung bakit bubbles tawag ko sa inyo? Yung ganda ko kasi kapag tumabi ako kay Blue biglang nawawala na parang bula hahaha. Okay, bye corny.
"Nasaan na ba si Blue?" Tanong ni Blake samin. Kanina pa daw kasi siya gutom hahaha.
"May naiba ba kay Blue? Kapag lahat tayo nandito na, siya maliligo palang." Bad trip na sabi ni Josh hahaha. True ka dyan, Mamshi.
Biglang may huminto na taxi sa harapan namin. Jusko. Sa wakas, dumating na din si Blue. Pero putangina.
"Hello my dear sisters and brothers." Masayang sabi ni Blue at lumabas na siya ng taxi.
Hulaan niyo kung saan siya dumaan..... Sa bintana mga bubbles. Jusko. Nagtataka talaga ako kung babae ba talaga 'to.
"Hoy, Blue, dyan ka talaga baba?" Iritado kong sabi sa kanya.
"Oo may problema ka ba do'n?" Mayabang na sagot niya at bumaba na sa bintana. Gangster talaga 'tong, Ate niyo. Hindi mo malaman kung rider ba o Wedding Planner.
"Thank you, Boss. Ingay sa pagmamaneho!" Masayang sabi ni Blue at tinapik-tapik yung taxi bago umalis.
"Oh. Ano? Masyado nanaman kayong nagagandahan sakin kaya hindi niyo maalis yung mga tingin niyo. Okay, I understand you, guys. I know naman na I'm super pretty hahaha." Parang tanga na sabi ni Blue. Taas ng confident.
"Hoy, yung totoo, saan ka kumukuha ng kapal ng muka?" Tinaasan ko siya ng kilay. Feelingera.
"Dito sa sumento. Yumuko ka sa sumento tapos halikan mo. Wanna try?" Halimaw talaga 'tong si Daveigh Jane.
"Putangina mo." Nakakabwisit talaga siya!
"Love you too." Sagot ni Blue habang tumatawa.
"Para kayong mga tanga. Tara na nga nagugutom na ko." reklamo ni Blake habang nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa niya.
"Oh sige, let's go!" sigaw ni Blue at biglang tumalon sa likod ni Blake.
"Buhatin mo ko hanggang makarating tayo do'n." utos ni Blue kay Blake.
"Hindi halatang 27 years old kana, Jane." reklamo ni Blake pero wala na siyang choice eh hahaha.
"Oo nga, isip bata!" tumawa ako at nakipag-high five kay Mamshi Josh.
"At least, maganda pa din ako, kayo nga lumalabas na yung mga wrinkles sa muka niyo." pambara samin ni Blue.
"Pasmado 'yang bibig mo kapatid ahh." bad trip na sabi ni Aye hahaha.
"By the way, nasaan nga pala si Jai?" bigla tanong ni Mamshi Josh.
"Nagtrabaho." maikling sagot ni Blue.
"Anong tinrabaho?" naka-ngiti kong tanong.
"Babae!" tumawa si Blue na parang hindi niya boyfriend si Jai at nakipag-bro fist sakin.
Daveigh Jane aka Blue's POV
Nandito kami sa isang kainan sa sidewalk. Mas enjoy namin food dito kaysa sa mamahaling restaurant. Dito, unli rice pero kapag sa restaurant ka bumili ng kanin, jusko kailangan mo pang magbabayad ng three digits.
"Oh? I never thought I would see you here, my dear." malanding sabi ni Haefer sakin.
"Paanong ang isang Haefer pupunta dito?" iritado kong tanong.
"I told you, wherever you are, I will be there." malanding sabi ni Haefer at hinawakan yung braso ko.
"'Wag mo nga akong hawakan!" I complained and withdrew my arm.
"Masyado ka namang possessive, my dear." Haefer's giggled.
"Naaalibadbaran ako sa'yo, Haefer, dun ka na nga." I complain to him. He smiled at me before he went to his car. Baliw talaga 'tong si Haefer. I know naman na hot and sexy ako pero I'm taken by my cousin na *smirked*
"Picture tayo tapos ita-tag kita, Blue para magkaroon manlang ako ng likes. Jusko, kapag nagpopost ako sa insta lima lang yung likes, minsan apat nga lang, halimaw kasi 'yang si Blake eh... Para naman maranasan ko sa isang taon magkaroon ng 25K likes." Dixie complained and took out her phone.
"Baliw kaba? Mas gusto ko nga na 5 likes lang meron ako kaysa sa 25K likes eh." reklamo ko at sumubo ng kanin.
"Bakit naman?" tanong ni Mamshi sakin.
"Sino ba naman matutuwa kung magpopost ka ng matinong picture tapos ang ire-react ng mga tao angry o kaya naman haha." iritado kong sagot. Mas okay na yung 5 likes, kaysa sa 25K likes na puro may galit sakin yung nag like.
"Naol sikat. Naol. Naol." Aye just laughed in the center. Center, yung pagamutan, char.
"Happy Birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..." we all looked away when suddenly someone sang happy birthday.
I was surprised to see Haefer holding a cake with his three friends and Addison smiling happily at Haefer.
Addison nanaman? Kung troublemaker ako, siya naman yung mga leader namin. Jusko, kung alam mo lang, pati pulis ginigera niyan kapag napahiya siya hahaha. Iba talaga si Addison. Naalala ko tuloy last time, pahiya talaga siya eh.
Hindi ako kaaway niya non ha, fyi lang, napanood ko lang sa facebook, trending kaya 'yon hahaha.
"Thank you for remembering my birthday, Haefer." Addison said happily to Haefer after she blew the candle.
"Ano? Siya nagsabi kay Haefer na ibili siya ng cake eh, anong pinagsasabi nito?" I heard Haefer's friend whisper so I suddenly laughed.
Muntik na kong mabilaukan mga brader hahaha!
"Tinitingin-tingin mo?" Addison suddenly turned to me and raised an eyebrow at me. Fierce talaga ng babaeng 'to hahaha.
"NAOL." I calmly said while shaken my head. Uminom na lang ako ng tubig kahit gusto ko talagang tumawa hahaha.
"Hi, bibi!" malanding sumigaw sakin si Haefer pero inirapan ko lang siya.
"Haefer!" Addison glared at Haefer.
"Addison..." Addison's friends stopped her.
Okay, I got it now. Inimbitahan ni Addison si Haefer ngayon para may kemeng-kemerot na lalaki siyang maipagmalaki sa mga tropapits niya. Pero paanong ang isang Addison, dito sa sidewalk magbibirthday? Kadalasan puro sa mamahaling bar 'yan nagpaparty *smirked*
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.