Chapter 02

75 35 8
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV



Hindi ko alam lasing na pala ko hahaha. I woke up when I felt I was in Jai's chest. Inayos ko lang yung ulo ko and closed my eyes again. Bwisit talaga si Author. Chapter one na chapter one, lasing yung point of view ko.


"Jai!" I heard a woman shouted at Jai in angry tone.


"Lasing kana? Dapat hindi kana uminom." Jai said and I felt his hand comb my hair.


"Jai!" The woman shouted again. Ano ba 'yan ang ingay!


"Don't worry, I will take care of you." Jai said and kissed me on the hair. Ano bang amats meron si Jai? Ako ba kausap ni Jai?


"Jayden Reyes!" Sumigaw ulit yung babae. Ang ingay mo, girl. Tignan mong may natutulog, hindi ba halata ha?


"Dixie, nasaan yung bag ni Blue? Akin na nga, uuwi na kami." Sabi ni Jai kay Dixie nang biglang sumigaw yung babae.


"ARRGGGHHHH! AYOKO NA NGA!" Huling sigaw nung babae at pakiramdam ko nag walk out siya. Haluh!


Nakapikit lang ako, hindi pa ko tulog kasi nga umaandar pa yung utak ko. Lasing talaga una kong POV? Jusko talaga si Author. Hays.


"Tangina, tol? Sino ba 'yun? Ba't ayaw mong pansinin?" Blake asked while laughing. Oo, habang tumatawa.


"Isang desperadang babae lang." Sagot ni Jai.


"Nako po! Ginamit nanaman ang pinsan. Tsk. Tsk. Hahaha." Singit ni Aye.


"Syempre, kahit tulog 'to, dapat magkaroon pa din siya ng silbi hahaha." Jai giggled so I pushed him and I leaned on Josh. Alam ko si Josh 'to, siya lang naman yung walang boobs samin eh hahaha.


"Ang ingay mo!" Reklamo ko pagka-sandal ko kay Mamshi Josh.


Bigla akong tumayo kasi pakiramdam ko naiihi ako. Letche, hindi ako makakilos ng maayos. Kapag nakita ko talaga si Author sasampalin ko siya ng dos por dos... Charot lang, I love you Author hahaha.


"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Jai.


"CR." Sagot ko at hinawakan ko yung muka kong mainit. Ayan! Inom pa more.


"Dixie, samahan mo nga 'to. Baka kung saan pa mapadpad si Jane." Jai commanded to Dixie.


"Tara na. Laki-laki mo talagang pabigat." Narinig kong reklamo ni Dixie at hinila na ko sa CR. Bakit kapag lasing ako nagagawa kong maglakad ng naka-pikit? Hahaha.


"Pasok na, naiihi din ako." Pinasok ako ni Dixie sa loob ng cubicle kaya ni-lock ko na yung pintuan at umupo sa toilet bowl. Susyal toilet bowl hahaha.


Pagkatapos kong umihi, nag flash lang ako ng toilet bowl tapos lumabas na ko ng restroom. Bakit ba sa bar ang ingay? Kapag ako nagtayo ng bar, puro sad songs papatugtugin ko hahaha.


I just leaned against the wall while waiting for Dixie. Nasaan ba 'yun? Napaka-tagal naman nung babaeng 'yun.


Sobrang tagal ni Dixie!!!!!


After 3 minutes, nakatulog na ko habang nakatayo. Naramdaman ko na may kamay na gumagalaw sa braso ko. Wala akong magawa kasi nga natutulog ako.


Natutulog na talaga ako! Hindi ko alam kung ano yung nangyari pagkalipas ng apat na minute. Oo, four minuto. Bumalik ulit yung pakiramdam ko nang may nagtulak sakin sa kama.


Nasa bahay na ba ko?


Wala pala akong bahay.


Nakapikit lang ako. Hindi ko makita, hindi ko maramdaman yung nangyayari sa paligid, bigla kasing tumahimik.


*SMACKED*


Biglang may na anino akong dalawang lalaki. Hindi ko na pinansin baka sila Josh at Blake lang 'to na naghaharutan. Maya-maya biglang akong hinila ng lalaki papalabas ng kwarto.


"Miss, okay ka lang?" Tanong sakin ng lalaking nakaalalay sakin.


Minulat ko yung mata ko ng kapraso at nag thumbs up sa kanya. Okay naman ako. Ano bang meron?


Hindi ko makita ng malinaw yung lalaki 'to. Nakaputing polo yung lalaki. Parang nakapang-CEO outfit 'to. Huh? Lasing na talaga siguro ako. Wala naman nakaputi kayla Jai, Josh at Blake eh.


Inupo niya ko sa upuan, hindi ko alam kung nasa paligid pa ba siya o wala na. Tulog ako. Ano ba! Hindi ba halata?


"Jane! Jane! Jane!" I heard Jai's voice and immediately sat down next to me. I ignored him because I no longer had the strength.


"Sabi ko sa'yo, hintayin mo ko sa labas ng restroom. Bakit nawala ka?" Dixie complained but I just ignore her too.


"Pasaway ka talaga." Narinig kong reklamo ni Mamshi. Kapag sinabi kong Mamshi, si Josh agad 'yan.


"Makakapaglakad pa ba 'yang si Blue?" tanong ni Aye kayla Dixie.


"Bubuhatin ko na lang siya." Jai answered and immediately put my arm on his shoulder then lifted me up.


Ano bang nangyayari sa paligid ko?


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon