"SO sinasabi mo na... Hindi ka na aswang?" nakataas ang kilay na tanong ni Iris kay Abi.
Pumasok na ang grupo nina YiHan sa Inn at pinakain ang kanilang unexpected guest.
Ibinaba ni Abi ang tasa ng kape at tumango. "Oo, g-ganoon na nga—pero 'wag n'yo nang itanong kung paano kasi hindi ko rin alam."
Ibinaba ni ND ang kamay at tumikhim, akto kasing magtatanong ito kay Abi.
"Pero pa'no mo nalaman kung nasaan kami?" tanong naman ni Knox.
Tumingala lang si Abi kay Roue na noon ay nakaupo sa pasimano ng bintana at umiinom din ng kape, nakatingin ito sa babae pero kaagad nagbawi ng tingin.
"Ah, si Roue ang nagturo sa 'yo," sabad ni Seraphiel na tumatango-tango pa.
Napatingin din ang lahat sa lalaki.
"Paano mo nalamn na buhay si Abi?" ani YiHan.
Huminga nang malalim si Roue. "Ganito kasi 'yan..."
PAROO'T parito si Aster sa kaniyang opisina, hindi niya alam kung anong gagawin sa natuklasan. Kung anu-anong senaryo na ang pumapasok sa utak niya.
"Paanong... imposible talaga..." Napaupo na lang siya sa couch nang mangawit ang mga binti sa kalalakad.
"Neil," tawag niya sa close-in Synthetron niya.
Agad naman itong lumapit. "Sir?"
"Yung recording ng camera? Nakita na ba ng SIC?"
"Hindi pa naman po sa pagkaka-alam ko, sa inyo nga po unang ipinaalam ng mga embalmer ang nangyari dahil natatakot silang dumirekta sa higher ups."
Tumango-tango siya. "Sa... Sa opinyon mo... Ano kayang nangyari kay... Kay Miss Custodio? How did she manage to survive from those bullets?"
"...Hindi ko rin po sigurado, nakita kong nailuwa niya ang talisman, a sign that she's over. Pero ang footage na nakuha natin sa mga embalmer... kataka-taka talaga," anito.
Napakamot siya sa sentido. "Malaking imbestigasyon na naman 'yan kapag natuklasan ng higher ups, lalo na ng SIC. HIndi pa nga tayo tapos kay YiHan at sa Archangels, may dadagdag pa sa wanted list natin."
"But I'm pretty sure, sir, na mas magkaka-interes sina SIC Romano at CIC sa kaso ni Ms. Custodio kesa sa Archangels. Posibleng gaya ni YiHan eh makatulong din siya sa problema natin sa mga level 10."
Napatingin si Aster kay Neil. May punto ito. At kung mangyayari nga ang sinasabi nito. Madadagdagan na naman ang trabahao niya. Sawang-sawa na siya. Nakakapagod na, wala naman siyang napapala sa mga ipinagagawa sa kaniya ng kaniyang mga superior. Nawala nga sa kaniya ang titulong Synthetron, medyo umangat ang ranggo niya pero hindi ang mga ipinagagawa sa kaniya. Pangalan at kasuotan lang ang nabago, hindi ang trabaho. "Destroy the recording, hindi na dapat pang makarating sa mga nakatataas ang video na 'yon. Wala nang dapat makaalam na buhay si Abigail Custodio—"
Naputol ang sinasabi niya nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iluwa ang SIC.
"Sir..." gulat niyang usal.
Itinaas ng SIC ang isang flash drive. "Bakit hindi mo sinasabi sa amin ang tungkol dito? Bakit inilihim mong buhay si Custodio? Paanong nangyari 'yon?!"
Napalunok siya. "I can explain, Sir..."
"The hell you should!"
How the hell could he?
TUMANGO-TANGO sina YiHan nang matapos magpaliwanag si Roue.
"I quickly went to where I saw her... Ayun..." kibit-balikat na sabi ni Roue.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)