Chapter 10

70 6 0
                                        

MAY bumato ng asin sa kay Abigail.

Ang lakas ng kanyang sigaw. Pinagbabato siya ng asin ng mga nakatira sa bahay na inatake niya.

"PATAYIN N'YO 'YAN!" sigaw ng mga iyon.

Pinilit niyang tumakbo, hinabol siya ng mga Archangel at pinaulanan ng bala, pasalamat na lang siya na hindi tulad ng gamit nina Knox at Roue ang armas ng mga ito.

'Synthy... Hetero...' Nanghihina na naman siya...

Napagod siya sa pagtakbo at tuluyang nagpagulong-gulong sa damuhan.

"Where's the bitch?!"

"Sa kaliwa kayo! Dito kami sa kanan!"

"Seraphiel's weakening! Fuck that bitch, I'm gonna flayed her alive!"

Gumapang siya patungo sa isang lumang sasakyan, ngunit isang Level 10 ang bumuhat sa kanya, wala na. Mamamatay na siya ...

Pero may kakaiba syang napansin dito, kalmado ito at hindi amoy-bulok. Nang titigan niya ito ay napansin niya ang mahaba nitong buhok.

Pamilyar din ang amoy nito. "Isa kang Level 10?" aniya.

"Oo, ako si YiHan."

Nanlaki ang kanyang mga mata. YiHan ang pangalan ng Level 10 na hinahanap nina Knox.

"I-ikaw... Ang hinahanap nina—"

Umigtad si YiHan nang may sumabog sa likod nito, napalundag ito palayo, buhat pa rin siya nito.

"Leave the girl alone!" anang pamilyar na tinig.

Tumingin sa kanya si YiHan, pagkatapos ay dahan-dahan siya nitong ibinaba nang hindi nililingon ang tumira dito.

"What the hell... Naiintindihan ako ng isang Level 10?" anang tinig.

Agad na tumalon palayo si YiHan ng mabitiwan na siya.

"Hey, wait up!"

Tiningnan niya ang bagong dating. May maskara ito na parang ninja, ngunit kilala niya ang amoy nito.

"He's gone," anito pagkatapos ay nilapitan siya. "Lets go, kailangan mong makatakas,"

Nabuhayan siya ng loob, pero saglit lang,dahil nagdatingan namn ang mga taumbayan at Archangels.

"Dito! Andito yung aswang!" anang isang babae.

"Hoy, lalaki! Umalis ka d'yan! Aswang ang babaeng 'yan!" anang isang Archangel.

Humarang ang lalaki sa kanya. "Magkamatayan muna tayo," anito.

Nagngalit ang mga bagang ni Mikhail, sino itong pakialamerong dumating?! Hindi maaaring makaalis ng buhay ang Abigail na 'yon. Malilintikan ang grupo nila, tiyak na lalapit ito sa House of Blanks, ang ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa karapatan ng lahat, pantay-pantay ang trato sa mga aswang, tao, at hayop. Basta may pang-aabusong nangyari, at may naargabyadong inosente, ay ang HOB ang tumutulong upang papanagutin ang may-sala.

Iniumang niya sa pakialamerong feeling ninja ang Zong Schnider n'ya. "Your wish is my command. Boys! Let there be light!"

Sunod-sunod na putok ang pinakawalan nila, humuhuni pa ang Gatling Gun na si Jophiel at Juviel ang may dala. Nagsipagtakbuhan naman ang mga taong nataranta sa nakaririnding ingay ng kanilang mga armas.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon