EPILOGUE

54 8 1
                                    


SAKAY ng ninakaw na Sakumo helicopter na tinanggalan ng internal memory ay nagtungo sa Sommers Island sina YiHan, Knox at Seraphiel. Sinalubong sila roon ng isang payat at matangkad na lalaki na nakilala nila bilang Raye 47000.

“Unit 4 synthetron?” takang tanong ni Seraphiel.

“Ahm... Oo, bakit?” tugon nito.

“B-bakit buhay ka pa?” manghang tanong pa nito.

Alanganing ngumiti si Raye. “Hindi ba pwede?”

“Teka nga,” singit ni YiHan, “bakit ba iyan ang pinag-uusapan ninyo?”

“Oo nga, Seraphiel,” dugtong ni Knox, “hindi ba dapat ay magpasalamat muna tayo kay Raye for accepting us—”

“You don't understand, guys. Unit 4 synthetrons are long gone. They have been disintegrated—”

“A, iyon ba?” nakangiting sabad ni Raye, “Tumakas ako, removed my internal memory and flew all the way here thru the help of SIC Romano, kumusta na nga pala siya?”

Nagulat ang tatlo. Ang isang ito? Tinulungan ni SIC Romano? Bakit?

“I know that look.” Lalong lumuwang ang ngiti ni Raye, ang creepy lang nitong tingnan, parang may sayad. “O, sige, to save you three of your saliva, SIC Romano is my father.”

“WHAT?!”

“Yep, sad truth, by the way—” Ibinuka nito ang mga braso. “Welcome to Sommers Island!”

Sinegundahan ito ng tahol ng isang aso. Lalong nagulat ang tatlong lalaki pagkakita sa hayop na matagal nang inaaakalang extinct.

IKINWENTO nina Knox kay Raye ang mga nangyari sa siyudad. Nabanggit din nila si Iris kaya tuwang-tuwa si Raye nang malamang ligtas palang nakabalik ang babaeng minsan nilang nakasama. Pero nadismaya rin ito kaagad nang sabihin nilang nahuli ito ng synthetrons.

“Iris said ikaw ang nakaimbento noong PRad at EMag,” ani YiHan habang manghang nakatingin kay JR—ang itim na Labrador.

“A, ito ba?” Ipinakita ni Raye ang sarili nitong Particle Radiation. Nagkatinginan sina Seraphiel at Knox dahil iba ang itsura noon kumpara sa ginamit ni Iris.

“Wala naman kasi akong mga materyales para gawing state-of-the-art ito, pero trust me, effective ito. Pwede akong gumala-gala rito sa isla kahit kailan ko gustuhin nang hindi nalalapitan ng Level 10s.”

“Speaking of, bakit dito dinadala ang Level 10s?” tanong ni Knox.

Natigilan si Raye. Tila tinitimbang pa ang isasagot, pero mayamaya'y...

“Well... My dad is a corrupt politician. Iyong perang pondo dapat para sa Rail Gun, e kinukuha niya at ibinibili ng mga less powerful armature. Kung may Rail Guns sana, mas madaling mauubos ang Level 10s, pero since wala, ipinatatapon na lang sila rito, nagpapatayan din naman sila at kinakain ang isa't isa, so...”

Kumunot ang noo ni Seraphiel. “Rail Gun? May budget para sa Rail Gun?”

“Budget para sa Rail Gun, sa Walled City, sa further researches for the cancer cure—lahat iyon, meron, pero since corrupt nga si SIC—”

“W-wait—” putol ni Knox, “are you telling us na ang SIC ang may kontrol ng budget at hindi ang CIC?”

“Mismo,” tugon ni Raye, “kung hindi pa ninyo nahahalata, walang silbi ang CIC, from the start ay ang SIC ang gumagawa ng lahat ng hakbang para sa bansa. Humihingi lang ang SIC ng pagsang-ayon sa CIC na agad naman niyang nakukuha dahil nga walang backbone ang leader.”

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon