NAGINH alerto si Riouel, agad syang bumaba sa motor nang makita si Seraphiel, dala nito ang Kasanov ni Kinuel.
"Sinasabi ko na nga ba," aniya sabay kasa ng Kasanov.
"Sandali, Riouel! Walang masamang balak si Seraphiel! Wala kaming masamang balak..." Pigil ni Ythuriel sa kanya.
He lowered his gun but didn't let his guards down. "Anong ibig sabihin nito?"
"Gaya ng sinabi ko kanina, tumatanaw lang kami ng utang-na-loob," ani Ythuriel.
Hindi bumebenta sa kanya ang palusot ng mga ito. Kung si Ythuriel lang, baka maniwala pa sya, pero si Seraphiel? Eh numero unong kontrapelo ito kay Knox.
"Malaki ang tulong sa'kin ni Mikhail, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin," paliwanag ni Ythuriel.
He snorts. "Eh ikaw?" tukoy nya kay Seraphiel.
"Inaamin kong nakipagsabwatan ako kina Raphael sa pag-aaklas na iyon," anito. "Ngunit nang makita ko ang nangyari kay Kinuel, nagbago ang isip ko."
Kumunot ang noo nya. "What do you mean?"
Tumingala ito sa buwan... At nagpalit-anyo.
"Aswang din ako"
Kung tama ang pagkakaalala ni Riouel ay Mandarago ang tawag sa uri ni Seraphiel, magkatulad ito at si Abigail. Pero bakit kung saktan nito si Abigail eh wagas? "A-aswang ka rin? P-pero..." Naaamoy nya na talagang may aswang sa Archangels, pero hindi nya inakalang si Seraphiel iyon, ang akala nya ay si Ythuriel...
At si Ythuriel... Nilingon nya ito. "Alam mo?"
Tumango ito. "Hindi ko sinasadyang matuklasan."
"P-pero, paano nyo naitago? Si Mikhail—"
"Alam nya, maging si YiHan, ay kilala nya," ani Seraphiel na ikinagulat nya.
Alam ni Mikhail kung sino si YiHan, pero hindi nito sinasabi sa kanila kahit alam nitong hinahanap nila iyon ni Kinuel. Napahawak sya sa ulo. "Naguguluhan na 'ko, napakaraming lihim ng samahan nyo."
"May isa pa akong sikreto, kung bakit hindi mo naamoy na isa akong aswang kahit na malakas ang pang-amoy ng mga synthetron," ani Seraphiel na hindi pa nagpapalit ng anyo.
Napakamot sya sa batok. "Ano 'yon?"
"Ako si Sean B52784, isang synthetron,"
"SYNTHETRON?! SYNTHETRON KA RIN?!"
Natatawang tumango si Seraphiel. "Oo, maganda ang fusion ng Synthetron at aswang, kumpara sa Synthetron at Level 10s na nawawala sa katinuan."
Umiling sya. "Paanong hindi ka tinatablan ng Helios Band?"
"Kung tao ako, hindi talaga nakakasunog ang Helios Band, pero kung ganito ang anyo ko, ikabubulag ko 'yon."
"Hindi kita maintindihan, Seraphiel... Sobra ang galit mo kay Abigail, yun pala'y..."
"Dahil kauri nya ang kumagat sa'kin, kung hindi dahil sa kanila, hindi ko kailangang magtago at maging AWOL, papatayin ako ng mga kapwa ko synthetron kaya ako umalis at sumali sa Archangels. Nang makita ko si Kinuel kanina, parang nakita ko ang sarili ko, walang magawa kundi tumakas, kaya ako nagpasyang tulungan kayo."
"Pero pinag-isipan mo ring magtraydor sa taong tumulong sa'yo," aniyang si Mikhail ang tinutukoy.
Mukha namang na-guilty ito. "Alam ko, kaya—"
"Ehem!" singit ni Ythuriel, "Makakapaghintay ang kwentuhan, pero hindi sina Mikhail, ano? Ililigtas ba natin sila?"
*****
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Fiksi IlmiahIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage