CHAPTER 2.5

61 6 0
                                    

Sisinghap-singhap si YiHan nang bumaba ang asul na liquid sa container na kinalalagyan niya. Napaubo siya at halos masuka sa paghabol ng hininga.

Gusto niyang punasan ang nanghahapding mga mata, pero naka-strap ang mga braso at binti niya sa patayong metal plate na kanyang kinalalagyan. Ang kaninang lagpas ulong likido ay unti-unti nang bumaba sa kanyang paa, hanggang sa tuluyan iyong maubos.

Sa pagkakayuko ay nakita niyang may patak na dugo sa paa niya na namumutla at nangungulontoy.

Isang tao na naka-puting protective suit at helmet ang lumapit sa kanya, sa sobrang pagkakabalot nito ay hindi niya masabi kung lalaki ba ito o babae.

Kinurot nito ang kanyang braso, pagkatapos ay nagsulat sa dalang clipboard. May kinuha itong swab at idinikit sa ilong niya, may bahid ng dugo ang bulak niyon nang ipasok sa test tube. Kinuhanan siya nito ng picture.

Napasigaw siya dahil sa flash niyon na lalong nagpahapdi sa kanyang mata.

Umalis din ito pagkatapos. Sumara ang container, may dumaloy muling liquid doon, dilaw naman."Tama na, tama na po, please..." umiiyak niyang sabi habang unti-unting tumataas ang dilaw na likido, mula sa itaas ng container, may lumabas na plastic mask at isinaklob iyon sa kanyang ilong at bibig. Habol niya ang hininga.

Napatingala siya nang umabot sa kanyang baba ang likido, napakalamig niyon. Ilang sandali pa ay puno na ang container. Kasabay ng pagbuga ng hangin sa mask na suot niya, ngunit imbes na makatulong ay nagpapahirap pa iyon sa kanya.

Hindi sariwang hangin ang nalalanghap niya roon, masangsang na kemikal ang amoy noon at napakasakit sa ilong at lalamunan, wala naman siyang choice kung hindi singhutin iyon.

Gigil na gigil siyang makawala, ngunit mahigpit ang mga straps niya. Lalo pang nagpahirap sa kanya ang ubod ng lamig na likidong kinalalagyan niya, para ngang nagyeyelo na iyon, nanigas ang kanyang mga kamay at paa. Napakurap siya nang mabilis sa hapding nadama sa kanyang mga mata, namula ang paningin niya dahil sa dugong lumabas mula roon. Nanginig ang kanyang ktawan at nawalan siya ng malay.

*****

"Hindi maganda ang response ng katawan niya sa sample 3 at 5, maybe we should stop using it with the other test subjects."

"I dont think so, effects may vary, we should try it to the others as well—hand me the number 2."

"Anyway, he's responsive to the samples 1 and 2 right? Continue using those formulas while were working with the others."

Napangiwi si YiHan nang maramdaman ang mahapding guhit sa tagiliran niya, gising siya, kanina pa, ngunit mahapdi ang kanyang mga mata kaya hindi siya nagmulat, naririnig lang niya ang nanyayari sa paligid. Ipinagpapasalamat niya na nakahiga siya at nakakapahinga, pagod na pagod ang katawan niya at nananakit ang ilong at lalamunan.

"Careful with those, baka ma-damage."

Muli siyang napangiwi sa sakit na nadarama sa tagiliran, kahit nahihirapan ay iminulat ni YiHan ang mga mata, mapula pa rin ang nakikita niya, nagdurugo pa rin iyon.

Apat na scientist ang nakapalibot sa kanya, nakahiga siya sa ilalim ng maliwanag na ilaw, nasindak sya9 sa repleksyon noon.

Buhat sa bombilya ay kitang-kita niya ang mahabang hiwa sa kanyang tagiliran, nakabukas iyon sa tulong ng dalawang metal na parang tongs, inilalabas ng mga siyentipiko ang kanyang laman-loob.

"A-ano p-pong gi-ginag-gawa ninyo?" anas niya.

Tumingin ang isa sa kanya. "Matulog ka muna," anito.

"Doc, akala ko sedated to? Bakit dilat?" tanong ng isa.

"Huh? Naku, sa overdose na siguro, anaesthetics don't work for him anymore." Kilala niya ang boses na iyon, si Dr. Coolidge.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon