MAHIHINANG tapik sa pisngi ang gumising kay Seraphiel, nang magmulat siya ng mga mata ay si Abi ang nabungaran niya. Kunot-noong nakipaglaban siya ng titigan sa babaeng nanlilisik din ang mga mata. "'Problema mo?"
"Maniwala ka, kung may choice ako—hinding-hindi kita gigisingin, kung pwede nga lang huwag ka nang magi—"
"Cut the crap! Ano'ng kailangan mo?" ani Seraphiel sabay bangon.
"Hinahanap nila si Hetero," tugon ng babae sabay irap.
Nagtagis ang kaniyang mga bagang. What the fuck was he thinking when he agreed with Knox's lunacy? Ngayon e siya ang malilintikan.
"Ano?" muling untag ni Abigail. "Lalabas o lalabas?" sarkastiko nitong tanong at nauna nang buksan ang pinto ng truck.
Hindi na lang niya ito pinansin bagkus ay tumayo na siya para bumaba na rin at magpaliwanag kina Iris.
"ASTER, yung totoo lang sana—may plano ka ba talaga?"tanong ni Abdiel sa lalaking tahimik lang sa pagitan nila ni Raguel.
"Meron, syempre," simpleng tugon nito habang nakatutok ang pansin sa kalsada.
Nagkatinginan sila ni Raguel na siyang nagda-drive. "Kasama ba kami sa plano mo?"
"Oo naman," simpleng tugon muli nito.
Bagama't kalmado ang mga sagot nito ay kabado pa rin silang dalawa. Synthetron si Aster, kahit pa nga batak sila ni Raguel sa pakikipaglaban ay tagilid pa rin sila sa lalaking ito.
"A, kung anuman 'yan, suportado ka namin, kakampi mo kami," ani Raguel.
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
Ngumiti lamang si Aster at biglang iniunat ang kanang braso nito pagkakuwa'y tiningnan ang wrist watch na kalahating dangkal yata ang lapad. Air shuffle iyon at may hologram pa. "Turn right at the next road shoulder then stop at the third building."
Sumunod si Raguel sa instructions nito, tumigil sila sa tapat ng isang inn at ganoon na lang ang gulat nila sa tumambad sa kanilang paningin.
"Bakit narito ang Rachelle?!" sabay na tanong ng dalawa na ang tinutukoy ay ang isa sa limang trucks ng Archangels.
Unang bumaba si Aster sa Harrier at lumapit sa armored truck. "Iris? Iris, nariyan ka ba?"
Nagkatinginan muli ang mga Arkanghel bago bumaba at sumunod kay Aster.
"Ano'ng ibig sabihin nito?"
"Coolidge, magsalita ka!"
Pero bago pa sumagot si Aster ay bumukas na ang likuran ng Rachelle at lumabas mula roon si Abigail.
"What the fuck?!" ani Raguel.
"Santissima!" bulalas naman ni Abdiel.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Abigail at napaatras, bumangga ito sa dibdib ni Seraphiel na wala pang pang-itaas.
Nagpaulan ng sangkaterbang tungayaw ang tatlong Arkanghel nang muling magkita-kita.
"Eeeewwww! Seraphiel's screwing a zombie!"
"Fuck you two! Nakakadiri kayo! Bakit buhay pa kayo pareho?!"
"Mga walanghiya! Mga walang utang-na-loob!"
At itinulak ni Seraphiel palayo si Abigail para makipagbuno sa dalawa.
Dahil sa kaguluhan ay napalabas ang ilang occupants ng inn kasama na ang grupo nina Iris.
"Ano'ng nangyaya—SHIT!" bulalas ni Roue pagkakita sa tatlong lalaki at kaagad na umawat kasama ni ND.
"Abdiel? Raguel?" Para namang namatanda si YiHan na nakatunganga lamang sa mga nagkakagulo.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)