Chapter 18

112 7 0
                                    


"NO!!!"

Nagsunod-sunod ang putukan ng baril ng mga synthetron na nakatutok kay Uriel.

"HINDE! URIEL!"

"CHAMUEL! H'WAG! TAMA NA! NAGMAMAKAAWA AKO! AAAHHH!!!"

"HOLD YOUR FIRE!"

"URIEL! CHAMUEL!"

Nanlalatang pabagsak na lumuhod si Aster sa tabi ni Abigail.
May dalawang tama ng silver bullets ang katawan nito, the girl is laboring her every breath, nanlalaki rin ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala sa sinapit.

"Sir, what should—"

Itinaas niya ang isang kamay upang pahintuin ang synthetron na akmang kukunin na ang babae.

"Let her release the talisman first, kapag lumapat sa anumang bahagi ng katawan n'yo iyon ay malilipat sa inyo ang pagiging aswang," aniyang wala nang magawa kung 'di panoorin ang paghihirap ni Abigail.

Wala na rin naman kasi itong pag-asa. Napuruhan ito ng punisher at mukhang iluluwa na talaga ang talisman na dahilan ng pagiging aswang nito.

Hindi nga naglipat-sandali ay lumabas na sa bibig nito ang isang hugis capsule na tila namuong dugo. Nadurog iyon pagbasak sa sahig, kasabay ng pagtahimik ni Abigail.

Tumayo si Aster at tinapakan ang nadurog na talisman upang tuluyang mawasak. Sinenyasan niya ang mga synthetron. "Bring her body to the incinerating chamber, as for the other guys..." Nilingon niya ang dalawang Archangel na natusta ng Copper Cartridge ng Kasanov.

Dapat sana'y si Ulysses aka Uriel lamang ang napatay ng synthetrons, ngunit sinubukan itong tulungan ni Cris Virtucio aka Chamuel, kung kaya't pati ito ay nakuryente at nasunog.

Ang dalawang natirang Archangel na si Ray Gutierrez aka Raguel at Aaron Vergara aka Abdiel, ay parang masisiraan ng ulo habang hindi malaman ang gagawin sa bangkay ng mga kasama.

"Sir?"

"Take them to the incinerator too, while these two pabebes here, bring them back to prison, sumasakit ang ulo ko, magre-report muna ako sa CIC," wika niya tsaka nilampasan sina Raguel.

"Wala kayong awa," ani Raguel.

Hindi niya ito pinansin, depressed siya sa pagkamatay ni Abigail.

Sayang, may lead na sana sila sa napakaraming tanong, pero sa pagkamatay ni Abigail, back to square one uli.

Kasalubong na ni Aster ang CIC at SIC, mukhang papunta na ang mga ito sa supposedly ay meeting nila, ngunit sa kasamaang palad hindi na nga matutuloy...

"Aster, we've heard what happened," anang SIC.

Napahinto siya sa paglalakad at yumuko, kasalanan niya ang nangyari, hindi siya naging alerto. "I am sorry, your excellency, I take all the blame for what happened—"

"Why? Ikaw ba ang nagpakawala ng napakaraming Level 10s?" putol ng CIC sa sinasabi niya.

Nalito siya. "Huh? What— I know nothing about that sir, ang tinutukoy ko po ay ang pagkamatay ni Abigail."

Nagulat din ang mga ito, pero hindi naman kasing-grabe ng inaasahan niya, para ngang wala lang sa mga ito ang nangyari.

"Oh, is that so? She's dead? Hmmm... Sayang naman... Anyway... As I was saying, napakaraming Level 10 ang nai-report na natagpuang patay sa Quezon City," said the SIC.

Napakamot siya sa batok. "Sir, d-dalawang Arch—"

"Magpadala ka ng coroner sa site na 'yon, wala raw kasing makapagsabi kung sinong pumatay sa Level 10s," sabi pa ng CIC.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon