"'ETO na ang gamot mo, Sean, inumin mo na, makakabuti ito sa 'yo, mabilis kang gagaling," anang babaeng nurse sa pasyenteng si Sean aka Seraphiel.Umiling lamang ang lalaki. "Weh? Gagaling ako? Matagal na 'kong magaling 'no, Synthetron slash Archangel ako ui! Sa'n ka pa?!" ang mayabang na tugon ng lalaki na naka-lotus position sa gitna ng kama.
Hindi pinansin ng nurse ang sinabi nito, bagkus ay sapilitang ipainom kay Seraphiel ang tableta. "Bilis na kasi!"
"Ayoko!" At pumalahaw siya ng iyak. "Ayoko sabi eh!"
"Ah, ayaw mo." Naglabas ng syringe ang nurse at itinutok—
"W-w-wait! Iinumin ko na!" Agad niyang awat at nagkusa nang kunin ang gamot sabay lunok at agaw ng tubig.
Napangiti ang nurse at hinaplos ang kanyang buhok. "Good boy, alam ko naman na takot ka sa turok eh."
Ngumiti lang siya.
Nang lumabas ang nurse ay dali-dali n iyang iniluwa ang gamot at dinurog gamit ang paa ng kama. " Walanghiya ka, Knox Barton, oras na makalabas ako rito, tatamaan ka sa 'kin, lintik lang ang walang ganti," mariin niyang bulong.
***
ANG lakas ng tawanan nina Knox nang marinig ang sinabi ni Seraphiel. May transmitter radio kasi na naka-implant sa isa sa mga mollar nito at ang contact lenses naman niya ay nagsisilbing camera.
"Magtiis ka muna, 'Sean'," ipinagdiinan ni ND ang pangalan ng lalaki. "Ikaw lang kasi ang bagay sa misyon na 'yan eh.
"Ano'ng gusto mong palabasin? Na magaling akong magpanggap?" tanong ni Seraphiel.
"Nope. Effortless kang magbaliw-baliwan. Inborn. Natural," sagot naman ni Knox na binuntutan ng tawa ng iba pa.
"Hayop ka talaga, Barton—"
"Hey, Seraphiel, h'wag kang sumigaw, baka marinig ka nila," awat ni YiHan aka Ythuriel sa lalaking malapit nang sumabog.
"OK lang 'yun, iisipin naman ng makakarinig na kinakausap lang ni 'Sean' ang sarili niya at lalong titibay ang paniniwala ng lahat that he's a lunatic," sabad ni Roue.
"Isa ka pa, Roue!"
"Guys, tama na kasi. Nag-aaksaya tayo ng oras to this nonsense," awat ni Iris. "Seraphiel, ano na'ng balita?"
Bahagyang humina ang boses nio Seraphiel. "Negative. Wala sa buong facility ang iba pang Archangel."
"Ibig sabihin, hindi pa sila nahuhuli," seryosong sabi ni Knox.
"Wala rin sila sa mga hospital sabi ni Jessa, and according to Aster, dalawa sa mga Archangels ang napatay nila at nakatakas ang iba pa," sabad ni Tina.
"Mahirap gumalaw kung on the loose pa sila. Tiyak na manggugulo ang mga iyon," ani Roue.
"So, negative na ha? Wala sila rito sa research facility, baka naman pwede na 'kong lumabas?"
"Hindi pa, diyan ka muna,"
"At bakit na naman, Barton?!"
"Because that's where you belong,"
"Barton! You—"
Pinindot na ni Knox ang 'dismiss' button.
"Cap, bakit ba kasi natin hinahanap ang mga Archangels? Hindi ba't mainit ang dugo nila sa 'yo? Lalo na 'yung Gabriel na 'yun," kunot-noong tanong ni Iris.
"Oo nga, Kinuel, ano pa'ng kailangan mo—natin sa kanila?" nalilito ring tanong ni YiHan.
"Kailangan natin ang tulong nila kung gusto nating matakasan ang gobyerno,"
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Fiksi IlmiahIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage