"DROP ON YOUR KNEES! NOW!" sigaw ni Knox sabay tutok ng Kasanov sa aswang na nasa harap ni Cattleya.
"C-Cap—" umiiyak na sabi ni Cattleya.
Napansin niya na duguan ang bibig nito. Mukhang sinaktan ito ng aswang, bumilis ang kaniyang paghinga. Lalo pa't nakatayo lang yung aswang at tila hindi nasisindak sa kanya, bahagya pa siyang napaatras nang makita ang kalahating bangkay ng isang babae sa sahig.
"Captain... Knox Barton..." sabi pa ng aswang na kumagat sa hawak nitong atay.
Sinipat niya ito nsng husto, siya lang ang pumasok sa bahay, si ND at Roue ay inutusan niyang magbantay sa labas, ayaw niyang isama si ND dahil baka magpadalus-dalos lang ito. "Dumapa ka, aswang. Kung ayaw mong mapulbos."
Tinawanan siya nito, pagkatapos ay biglang dinaluhong. Hindi siya nanghinayang na paulanan ito ng copper cartridge. Nangingisay at umuusok na bumagsak ito.
Agad niyang tinakbo si Cattleya at kinalagan. "Cat, anong ginawa niya sa ’yo?"
Umiling lang ito at umiiyak na yumakap sa kanya. Tinapunan niya ng tingin ang kalahating katawan ng babaeng naroon, alwas ang lamang-loob nito, pagkatapos ay sa sunog na aswang naman siya tumingin. Wala siyang maisip na posibleng nangyari habang wala pa sila. Inakay na niya si Cattleya palabas.
"Mags!"
"Catty! Oh my God! Thank goodness you're safe!" Agad na sinugod ng yakap ni ND ang kasintahan nito at tinanong ng tinanong.
"We heard you fire a shot, nanlaban ba?" tanong ni Roue.
"Yeah, nanlaban e, I need to defend myself," tugon ni Knox habang iginagala ang paningin sa paligid.
"Guys, we need to move, we're not alone here, may paparating na malaking horde ng... I don't know if these are aswangs or Level 10s," anunsiyo ni Roue habang ina-adjust ang eyeshield.
"Yeah, they're fast approaching, let's rock!" sabi naman ni Knox at nanguna na sa pagtakbo.
Habang tumatakbo ay narinig na nila ang mga pagyanig at mga nababaling sanga ng kahoy, meron ngang tumatakbong mga nilalang, binilisan pa ng grupo ang pagtakbo.
"Saan sila nagmumula?!"
"On the west side! I can smell Level 10s coming from the west side! In front of us!"
"Shit! Balik!"
Pag-ikot ng grupo para bumalik ay saktong isang Level 10 ang sumulpot mula sa lilim ng mga puno. Ang bilis ng takbo nito handa silang lapain.
"Everybody take cover!" sigaw ni Roue bago inihagis ang isang C4 at in-activate iyon sa pamamagitan ng pagbaril dito. Sabog. Nagliparan ang mga bahagi ng katawan ng Level 10.
Nagpatuloy sila sa pagtakbo. Lalong nagkarami ang mga Level 10 na nagdadatingan, panay ang tira ni Knox at Roue, si ND na may armas din naman ay mas inalala ang kaligtasan ni Cattleya, halos kaladkarin na niya ang babae. Dire-diretso lang siya sa pagtakbo, hindi niya napansin ang isang Level 10 na nanggaling sa kanan nila.
"ND, Cattleya get down!"
Imbes na dumapa ay napatigil ang dalawa sa sigaw ni Knox, saktong pagbitaw ni Knox sa gatilyo at pagtama ng bala sa tagiliran ng isang Level 10 ay ang pagdamba rin noon kay Cattleya.
"Cattleya!" sabay-sabay na sigaw ng tatlong lalaki.
Agad namang nakabangon ang babae at sinaksak ng napulot niyang kahoy ang batok ng Level 10 na nagtatangka pang makabangon.
"I'm OK!" anito.
Nakahinga nang maluwag ang tatlo at bumalik ang atensyon sa nagaganap sa paligid.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage