IKINAGULAT nina ND ang nalaman. Wala palang kamuwang-muwang ang CIC na pinagtangkaang i-disintegrate ng SIC si Aster. Ang akala nila ay isa iyong order mula sa pinakamataas na pununo. Executive Assistant pa naman ng CIC ang isang iyon, para na ring mataas na opisyal ng gobyerno.
Pinalabas nitong burned out si Aster kung kaya basta na lamang umalis at dito na lamang nagpaalam imbes na sa CIC.
Nilingon siya ng SIC, hindi niya mabasa ang reaksyon ng mukha nito. Poker-faced.
"M-Mr. CIC, Sir. Roid B24989, commits treason. Maraming problema na ang nangyayari sa Pilipinas, ayoko nang ipaabot pa sa inyo ang isang maliit na bagay like that. Niremedyuhan ko na lang, tutal, disintegration is the only punishment for a Synthetron who-"
"But Coolidge is a public servant!" bulyaw ng CIC, "Anong klaseng pagtataksil sa bayan ba ang ginawa ni Coolidge at hindi na niya kinailangan pang dumaan sa due process?!"
Nagkatinginan sina ND, Iris, Tina at Jessa. Parang OP yata sila. Maging ang dalawang militar na naroon ay nakatanga lamang.
"Sir... He... Roid B24989... Didn't inform us about... "
"About what?"
"A-about Abigail Custodio's disappearance."
Napukaw niyon ang atensyon ng ibang naroon. Ultimo Synthetron Guards ay napakurap at nagbulungan.
Iisa ang tanong ng lahat. Anong disappearance?
Napilitang magkwento ang SIC. Pagkatapos ay nagpasya ang CIC.
"Arrest this man."
Nagulat silang lahat. Umalma ang SIC.
"But Sir! I already explain my side! I only did those to protect our country-"
"And I'm only ordering your arrest to protect our country as well. You should be glad I let you explain, hindi tulad ng ginawa mo kay Coolidge. Good thing he survived." Nilingon ng CIC ang mga Synthetron. "Take him to the VIP cell."
Kumilos ang mga inutusan at hinawakan sa braso ang SIC, hindi ito makapalag dahil sa lakas ng mga bantay. Nagtatagis ang mga bagang na lumingin ito sa kanilang direksyon. Partikular sa direksyon ni ND.
Nakatingin lamang siya rito. Kitang-kita ang panibugho sa mga mata nito, kung nakamamatay lamang ang titig ay tiyak na DOS siya.
'Pasensiya na, sir. Ano bang malay kong sikretong malupit pala ang ginawa ninyo kay Aster,' aniya sa sarili.
Pagkalabas ng mga ito ay nagsimula ang pagpupulong. On the way to XX22 na ang mga Synthetron na huhuli kay YiHan. Salamat sa internal memory ni Aster na nagturo sa kanila kung nasaan ang mga ito.
"I thought nagsasabi ng totoo si Romano," iiling-iling na wika ng CIC, "He was mad at Aster for keeping a sensitive info, pero iyon mismo ang ginawa niya. I wonder how many secrets he's hiding."
Napaisip din si ND. Oo nga, ano pa kayang sikreto ng SIC? Meron pa nga ba?
PIKON na pikon na si Abi. Nagpaparinig na siya ngunit sige pa rin sa abdominal crunches, pull ups, knuckle push ups, MMA at kung anu-ano pang kalechehan na payabangan lang naman nina Aster, Raguel, Abdiel at YiHan.
Pinukol niya ng tingin na singtalim ng kutsilyong hawak ang mga lalaki. Panay topless ang mga ito at nagpe-flex ang mga muscles, sa ibang pagkakataon siguro ay maglalaway siya. Pero dahil ubod ng tamad ang mga ito ay wala siyang pake kung naka-display ang abs ng mga ito.
Huminga siya nang malalim. "Hay nako! Ang hirap talagang magpaningas ng kahoy! Kanina pa ako rito, pero hindi pa rin umaapoy!" buong-lakas niyang sabi, umaasang makakaramdam ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Fiksi IlmiahIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)