SAMANTALA, habang nagkakagulo sa labas ay kontrolado naman ang sitwasyon sa Stravos Research Facility.
Maagang naitimbre sa mga Synthetron ang nangyaring kaguluhan sa pagdiriwang kung kaya't naigapos kaagad si YiHan bago pa man ito magbagong-anyo. Bukod pa roon ay ikinulong siya sa UV chamber kung kaya't hindi siya tuluyang nakapagpalit ng anyo.
Iyak lamang siya nang iyak dahil sa mga pahirap sa kanya.
Kinaumagahan, kahit na may iniindang sakit ay bumalik siya sa garden upang katagpuin si Jasmine. Ipagtatapat na niya dito ang lahat...
Naghintay siya hanggang gumabi, ngunit walang Jasmine na dumating...
"DOC, ano po ba talagang nangyayari?" kabadong tanong ni YiHan.
Galing siya sa garden at pinasundo sa mga Synthetrons. Dinala siya sa quarantine at sinusuotan ng adamantium chains. Chains, hindi cuffs.
Ang sama ng tingin ni Dr. Coolidge sa kanya. "'Wag ka nang magtanong, wala ka namang magagawa."
"P-pero-Aaaahhh! Hindi na po!" In-activate ang copper core ng Adamantium chains na ikinakuryente niya.
Humihingal ang doctor habang nakatitig sa kanya. "Ganyan nga, 'wag ka nang magtatanong at hindi ka masasaktan, nagkakaintindihan ba tayo?"
Nanginginig siyang tumango. "O-opo..."
"Lakasan mo!"
"OPO!"
**********
LALONG humigpit ang mga siyentipiko kay YiHan, kung dati'y may kaunting-kaunting konsensya pa ang mga ito sa pananakit sa kanya, ngayon ay wala na, kinakaladkad siya, sinusuntok sinasampal. Bawal na rin siyang lumabas ng quarantine room. Ang apat na sulok na lamang niyon ang kanyang mundo.
Ang mga Synthetrons na bantay niya na sina Marco at Nivla na naging kaibigan niya ay pinalitan ng malulupit na gwardya.
Hindi niya alam kung ano bang ikinagagalit sa kanya ng mga scientists, buhat nang matapos ang weekend party sa MOA ay napakalaki na ng ipinagbago ng pakitungo ng lahat sa kanya, kaunti niyang kibot ay naparurusahan siya. Kung kaya parati na lamang siyang sumusunod sa gustong nangyari ng mga ito.
Bukod sa pagiging malupit ng mga scientists sa kanya, may isa pa siyang ikinababahala. Si Jasmine, hindi na niya nakita pa, ganoon din ang iba pang pasyente. Siguro'y magaling na talaga ang mga ito kung kaya't nagsiuwi na sa kani-kanilang pamilya.
Pero may usapan sila ni Jasmine 'di ba? Magkikita pa sila dahil may sasabihin pa ito sa kanya at ganoon din siya. Ano kayang sasabihin nito sa kanya?
Isang araw ay nakatiyempo si YiHan na abala ang mga bantay niya. Yung isa ay nagbanyo, ang isa naman ay gumagamit ng capsule-ang bersiyon ng tablet sa hinaharap. Nakakupit siya ng papel at ballpen sa mesa ni Dr. Hakudo kanina at nakapagsulat ng mensahe roon.
Dahan-dahan siyang pumuslit habang abala sa gadget nito ang bantay niya at nananalangin na sana'y hindi siya nito maamoy.
Mabilis ngunit maingat siyang nakalabas ng quarantine room. Salamat siguro sa pagiging aswang niya.
Hinanap niya si Nivla, maswerteng nakita niya ito sa malapit lamang, nakaposte sa isang silid na napakakapal na bakal ang pinto.
"Kuya Nivla!" tawag niya sabay takbo rito.
Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya at agad siyang sinalubong. "Pa'no ka nakalabas?! Bumalik ka sa QR! Malalagot ka kina Dr. Coolidge!"
"Alam ko! Kaya nga isinulat ko rito lahat ng gusto kong malaman." Agad niyang ibinigay rito ang papel. "Pakiusap kuya Nivla-"
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Ciencia FicciónIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)