A FEW WEEKS LATER...Ibinigay sa grupo nina Knox ang isang makapal na folder.
"'Yan ang project nyo ngayon. Look for PX670-352 also known as YiHan..."
PINAGPLANUHANG pasabugin ni Nivla ang buong Stravos Research Facility upang mamatay ang iba pang Level 10 na naroon, hindi na rin sila nag-abala pang isalba ang mga sugatan, wala rin naman kasing pag-asa ang mga iyon. Tulad niya.
"Tumakbo ka na, pasasabugin ko itong lugar after a minute," ani Nivla kay YiHan.
"Hihintayin na kita, kuya," tugon naman niya.
Umiling ito at napangiwi nang kumirot ang tagilirang nginatngat ni Jasmine. "Papasok ako sa loob, isasama ko na ang sarili ko sa explosion."
"Ano?! P-pero bakit?!" nalilito niyang tanong.
"Infected na rin ako, mas mabuti pang mamatay na lang din ako."
"Kuya Nivla, ikaw na lang ang kaibigan ko..."
Pilit itong ngumiti. "Salamat at itinuturing mo akong kaibigan, pero wala eh, hanggang dito lang talaga ako. On the brighter side, malaya ka na. Walong taon ka ring nakakulong sa Stravos."
Natigilan siya. Walong taon? Walong taon na pala ang nakakalipas.
Tinapik siya nito sa balikat. "Alis na, any moment now, darating ang reinforcements, as usual, late pa rin. Kapag inabot ka nila, baka hulihin ka uli at ikulong, sige na."
Nalulungkot siya sa kinahinatnan ni Nivla, ngunit wala rin naman siyang magagawa, kung siguro ay maaga siyang dumating, baka napigilan pa ang paglapa dito ni Jasmine. Si Jasmine. Ang kawawang si Jasmine, kahit kailan ay hindi na niya malalaman ang sasabihin nito dapat sa kanya...
Tinanguan niya si Nivla. "Maraming salamat sa lahat kuya, hindi kita malilimutan, kayo ni Kuya Marco."
Tumango rin ito at ngumiti. "Mag-iingat ka at magpakatatag ka."
Tumalikod na siya. Inilibot ang paningin sa paligid. Ang tagal na mula nang huli siyang makalabas. Muli niyang nilingon si Nivla, papasok na ito sa Stravos. Napahikbi siya, pero agad niyang pinigil ang sarili. Matanda na siya, hindi na siya seventeen years old na teenager. Bentesingko años na siya. Hindi lang niya namalayan.
Napayuko siya nang makarinig ng pagsabog. Agad niyang nilingon ang Stravos, gumuguho na iyon. Ang ilang motorista ay gulat ding napatigil sa nasaksihan.
Siguradong wala nang survivors doon. Makaligtas man sa pagsabog ay sa guho naman madidikdik ang iba. Gaya ni Nivla...
"Kuya Nivla!" Tumakbo siya pabalik sa gusali...
*****
ONE WEEK EARLIER...
♪♪
Girl when you hold me
How you control me
You bend and you fold me
Any way you please
It must be easy for you
To love the things that you do
But just a pastime for you
I could never be♪♪Nakasimangot si Tina habang nagmamaneho, paano ba naman, wala nang ginawa si ND at Catty kundi magkantahan nang magkantahan. Hindi pa yata nakuntento sa videoke sa inn kung saan sila tumutuloy.
♪♪And I never know, girl
If I should stay or go
Cos the games that you play
Keep driving me away...Don't love me for fun, girl
Let me be the one, girl
Love Me For a Reason
Let the reason be love
Don't love me for fun, girl
Let me be the one, girl
Love Me For a Reason
Let the reason be love♪♪Mabuti sana kung bago yung kanta, ang kaso eh 1990s pa iyon. Daang taon nang nabubulok ang awiting iyon.
"Hey, lovers, stop it already, may bitter dito," natatawang sabi ni Iris.
"Bitter your face, naririndi lang ako!" angil ni Tina.
"Ay, sorry, Ate," hinging-paumanhin naman ni Catty, anak ito ng SIC pero walang kaere-ere sa katawan.
"No, continue singing, naiinggit lang yang si Tina, kasi hindi nakasingit sa mic kanina," sabad pa ni Knox, ang team leader nila.
"Captain?!"
"Oi, sa kalsada ka mag-focus, gabi na, baka madisgrasya tayo," saway naman ni Roue, ang kasama nilang Synthetron.
"Whop! Walang kakampi si Tina! Let's sing, Catty ko!" sigaw ni ND at nilakasan pa ang player.
♪♪Kisses and caresses
Are only minor tests, babe
Of love turned to stresses
Between a woman and a man
So if love everlasting
Isn't what you're asking
I'll have to pass, girl
I'm proud to take a standI can't continue guessing
Because it's only messing
With my pride, and my mind
So write down this time to timeDon't love me for fun, girl
Let me be the one, girl
Love Me For a Reason
Let the reason be love
Don't love me for fun, girl
Let me be the one, girl
Love Me For a Reason
Let the reason be love♪♪Napailing na lang si Tina nang sumabay na rin sa kantahan si Iris at Knox, feeling niya talaga eh may something din ang dalawang ito. Si Roue ay tahimik lamang pero umuugoy na rin ang ulo. Wala na siyang nagawa, siguro ay OK nga lang na kumanta sila, pampawala ba ng stress at kaba sa ronda nila ngayong gabi.
She decided to sing as well.
♪♪I'm just a little old-fashioned
It takes more than a physical attraction
My initial reaction is
Honey give me a love
Not a facsimile ofDon't love—♪♪
Naputol ang kantahan nila nang may tumamang kung ano sa bintana sa tabi ni Catty, nabasag ang salamin at isang pares ng mabalahibong kamay sa dumukot sa babae.
"Mags!" sigaw nito kay ND.
"Catty!" Tinangkang hablutin ni ND ang kasintahan pero mabilis ang pangyayari, nahila ito palabas ng bintana. Napatanga na lang silang lahat at walang nagawa.
"Stop the bus! Everybody, move!" utos ni Knox at agad na nag-load ng Kasanov.
![](https://img.wattpad.com/cover/104938238-288-k346074.jpg)
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage