CHAPTER 2.6

75 5 0
                                    

Napalingon ang ibang synthetron sa pinagmulan ng sigaw ng dalawang orderly, tumakbo ang iba sa mga ito upang sawatahin ang pasyenteng unti-unting nagbabago ng anyo, habang ang iba ay pinagbabaril naman ang mandarago na kumagat sa isang kasamahan nila. In-activate ang electrified feature ng adamantium cuffs ng mga nahuling aswang kung kaya hindi nakatakas ang mga ito. Hinang-hina ang mga bihag na ipinasok sa kulungan ng mga ito.

Ang nakagat namang synthetron ay dinala sa ER upang tingnan kung maisasalba pa o iyu-euthanasia na dahil nahawaan na ng pagka-aswang...

"I'll restrain him, ikaw ang maglagay ng adamantium,"

Dinig ni YiHan na sabi ng synthetron na pinilipit sa likod ang braso niya.

Ramdam niyang mas malakas siya ngayon, pero wala siyang magawa laban sa may hawak sa kanya. Ilang sandali pa'y nadama niyang may metal na bumalot sa mga braso niya.

Pumalag siya.

"Aaaahhh!!!" Nangimay ang bawat kalamnan niya at parang nasusunog ang kanyang pakiramdam sa kuryenteng dumaloy sa kanya...

*****

Nang muling magising si YiHan ay hindi na siya makakilos, madilim at malamig ang kinaroroonan niya, wala siyang makita, nakagapos na naman yata siya, sanay na siyang nakagapos, ang hindi niya kinasanayan ay ang kadiliman na kanyang kinalalagyan, para ring kakapusin siya ng hangin.

"H-hello? M-may tao po ba riyan?" kabado niyang tanong.

May naririnig siyang tila mga makinang pinagagana, matitinis na tunog ng laser at nakakarinding mga bone saw.

Nasa lab na naman siya. Mukhang may panibagong eksperimento siyang pagdadaanan.

Bago means mas matindi. Mas masakit.

"Palabasin ninyo po ako rito! Please! Maawa po kayo!" Halos maghalo na ang luha, uhog at laway niya sa pag-iyak.

Hanggang sa biglang lumiwanag ang kinalalagyan niya. Kulay violet ang ilaw at napakasakit sa mata. Para palang kabaong ang pinaglagyan sa kanya.

Habang tumatagal ay hindi niya nakakayanan ang init noon, naaamoy niya ang pagkasunog ng kanyang laman.

"Aaaahhhh!!! Tama na po!" pagmamakaawa niya...

Samantala sinusuri naman siya ng mga scientist sa labas.

Tumango-tango si Dr. Coolige. "Positive. Aswang ang batang Yee, namana niya siguro sa kanyang kapatid."

"Pwede ring naipasa sa kanya before Renzel Yee dies," sabi naman ni Dr. Hakudo.

"Doc, tataasan pa ba namin ang ultraviolet?" tanong ng isang technician.

Binalingan ni Dr. Coolidge ang UV capsule na kinaroroonan ni YiHan, maririnig ang kalunos-lunos na panaghoy roon ng batang nasusunog. Mas sensitibo ang balat ng aswang kapag nasa anyong-tao ito kaya isinailalim nila sa UV testing si YiHan. Unfortunately, bumagsak ito.

"Tama na, baka mamatay 'yan, magagamit pa natin siya," tugon ng doktor.

"What's that stench?" kunot-noong tanong ni Iris.

Tuwang-tuwa siyang sinalubong ng dalawang doktor.

"Kamusta? Salamat at naligaw ka rito sa Stravos," ani Dr. Hakudo.

Ngumiti si Iris. "Ibibigay ko lang po itong report namin sa inyo, about V10 drug. Na-test na po namin 'yan, safe sa may cancer. Confirmation n'yo na lang ang hinihintay at malalaman na ng mundo na curable na ang cancer!" masaya niyang anunsyo.

Nagkatinginan ang dalawang doktor. Iisa ang nasa isip.

Si PX670-352.

"Hmp! Doc ano bang amoy yun? Ambaho, amoy-sunog. May sinunog yata kayong specimen, a," nakangiwing sabi ni Iris.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon