SI Tina pa rin ang driver ng grupo. Pero kung dati ay RV o van lamang ang gamit nila, medyo umasenso na ang kanilang team. Higanteng Trailer truck na ang kanilang sinasakyan.
Isa iyon sa mga dating truck ng Archangels. Ang Rachelle. Na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nadala ni Seraphiel pagbalik nito kanina lamang.
"Ano, Tina, sure kang kaya mong i-maneuver ang ganito kalaking—"
"Watch and learn," putol ni Tina sa pang-aasar ni Seraphiel. Kanina pa siya nagmananeho at kanina pa rin dada ng dada ang lalaking iyon.
"Sa kaliwa Tina, I can smell them from here," ani Knox na nasa labas ng truck at nakakapit lang sa handlebars sa may pinto.
"Malakas na rin ang pang-amoy mo, Cap ah," sabad ni Roue. Nasa loob ito ng trailer kasama ni Iris at ND. Rehas at fiber glass ang partition ng trailer at mismong truck kaya nakikita pa rin nina Roue ang kaganapan sa pwesto ni Tina at Seraphiel.
Ngumisi lang si Knox. "Had to thank the aswang who bit me. Pakyu po sa kanya at maraming tenkyu."
Nagkatawanan ang grupo pero si Iris ay ngumiti lamang. Para sa kanya kasi ay napakalaki ng ipinagbago ni Knox, bukod pa sa naging aswang ito ay nay nabago pa sa personalidad nito. Naging outgoing at loud ito. OK sana iyon dahil noon pa man ay kilala na nilang sobrang seryoso nito, mabuti ngang medyo maging relaxed ito. Pero kasi... Talagang nag-iba na ito, lalo na sa pakikitungo sa kanya, parang hindi na siya espesyal.
"Ythuriel—Argh! There he goes again—fuck this—" Binuksan ni Seraphiel ang pinto sa side nito at tumalon na rin nang makitang bumitaw na roon si Ythuriel na gaya ni Knox ay nasa labas lamang ng truck.
Pagkakitang naglundagan na pasugod sa Level 10 ang dalawang kasama ay sumunod na rin si Knox.
"Bye, Roue!" sigaw pa nito bago tuluyang makalayo.
"Ab-buh—" Syempre pa'y sumunod si Roue.
Habang tumatakbo ay nagpalit ng anyo si YiHan. Pinunit niya ang vest sa dibdib upang malayang makagalaw. Halos yumanig ang lupa sa bawat bagsak ng kanyang mga paa.
"ALIS!!!" hiyaw niya sa mga Level 10 na pilit winawarak ang bubungan ng RV na inaatake ng mga ito. May araw kanina, ngunit nang kumulimlim ang langit ay nagsilabasan ang limang halimaw at kinuyog ang RV na nakaparada sa ilalim ng punong acacia na lalong nagbigay sa mga Level 10 ng pagkakataon na salakayin ang mga sakay sa loob.
Naaamoy niya ang sariwang dugo sa loob ng sasakyan, may sugatan. May nagsisigawan at iyakan. Apat na tinig ang naririnig niyang nagpa-panic pero anim na magkaka-ibang amoy ang nalalanghap niya. Wala marahil malay ang dalawa pa.
Nang makalapit sa sasakyan ay dinakot niya sa batok ang pinakamalapit sa kanya at ipinagwasiwasan iyon. Lumilikha ng bitak at butas sa lupa ang bawat hataw niya. Akmang sasalakayin siya ng iba pa pero inihalibas niya sa mga ito ang katawan ng Level 10 na hawak niya.
"Ythuriel! Dito!" sigaw ni Knox na hindi makapagbagong-anyo dahil wala namang buwan.
Iniitsa niya sa direksyon ng mga ito ang hawak na Level 10, pumapalag pa rin iyon habang nasa ere, pinaulanan ito ng bala nina Knox, Roue at Seraphiel.
Nakatayo pa rin ang Level 10 na iyon at sinugod ang tatlo kahit na butas-butas na ito.
Dahil sa panonood sa nangyayari sa kanyang mga kasama ay nakatyempo ang apat pang kalaban. Hinila ng isa ang kanyang buhok at tila pinaghihiwalay ang ulo niya't katawan, ang isa naman ay kinagat siya sa bewang habang ang dalawa pa ay abala sa RV.
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Bilim KurguIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage
![YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/104938238-64-k346074.jpg)