CHAPTER 2.13

48 6 0
                                    

"CATTY! Oh my God! Captain, si Catty!" hysterical na sigaw ni ND.

"Neodymium, snap out of it! Ano ba?!" Niyugyog ito ni Iris.

"Roue, saan niya dinala si Catty?" Bumaba na ng bus si Knox kasunod si Roue, pareho silang may eye shield pero dahil Synthetron si Roue ay mas malinaw at malayo ang abot ng tanaw nito.

"Negative, masyado nang malayo, Captain, pero may naaamoy akong grupo ng aswang at 138° north, 276 meters away," tugon ni Roue.

"North it is, Tina! Revv up!" At muling sumakay ng bus ang dalawang lalaki.

"Catty..." panay ang bulong ni ND sa pangalan ng babae, para na itong wala sa sarili.

"ND, calm down, mababawi natin siya—FASTER TINA!"

"I'm trying! Ang dami nila!" sagot naman ni Tina.

Noon lang napansin ng iba na may iniiwasan pala sa kalsada si Tina.

Mga Level 10 na kinukuyog ang isang convoy ng tatlong van na may mga hindi magkaintindihang pasahero.

"Captain, may nangangailangan ng—"

"KEEP ON DRIVING TINA!" sigaw ni ND.

Hindi na lang kumibo si Knox, gustuhin man din niyang tulungan ang mga nilalapang biktima ay hindi naman niya maaaring pabayaan ang teammate niya.

"There, there, I can see them from here," anunsiyo ni Roue.

"Nasaan? Nasaan sila, Roue?" Sumilip si ND sa wasak na bintana.

"ND, umalis ka r'yan, baka mamaya ikaw ang dukutin ng mga Level 10—"

"Tango spotted, stop the bus!" Muling sigaw ni Roue at naghanda nang bumaba.

Nang ihinto ni Tina ang bus sa gilid ng kalsada ay mabilis na nagsibaba ang tatlong lalaki, naiwan sila ni Iris na Crossbow ang armas.

"Call for back up," bilin ni Knox bago tumakbo.

Tango na lang ang naging tugon nila. Hindi sila makapagsalita sa pagkagulat sa nangyari, dinukot lang naman ng aswang ang teammate nila.

*****

"ANO ba?! Kakainin niyo ba ako o ano?!" Kahit kinakabahan ay nakuhang magtapang-tapangan ni Catty.

Dinala siya ng aswang na dumukot sa kanya sa isang bahay sa kakahuyan at itinali sa isang upuan. Pakiramdam niya ay naulit ang mga pangyayari, eight years ago, kung saan dinagit din siya ng isang aswang na kagaya nito.

Hinarap siya ng aswang. Napalunok siya, napakabalasik ng itsura nito kung kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at inilipat ang pansin sa buong bahay. Bungalow iyon, malinis, ngunit kakaibang lansa ang bumabalot sa buong paligid.

"Ikaw ang anak ng Second-in-command hindi ba? Cattleya Romano?" tanong nito.

Nagulat siya. Diyata't may personal na pakay ang aswang na ito sa kanya. Sinusubaybayan ba siya nito? Wala pang isang taon mula ng magbalik siya sa Pilipinas, at lihim na lihim nga ang pagbabalik niya, kaya nga siya sumama sa team ni Knox ay upang hindi paghinalaan ang kanyang katauhan, hinahabol pa rin kasi siya ng media dahil sa nakasangkutan niyang issue noon. Sino ba namang mag-aakala na ang anak ng SIC ay kabilang sa isang assault team?

"SAGOOOOTTT!"

"Oo!" sa takot ay naisigaw niya. Napakalapit kasi ng mukha nito sa kanya, nalalanghap niya ang masangsang na amoy ng hininga nito.

Ngumisi ang aswang at unti-unting umatras, iniwan siya nito saglit, pagbalik ay may hila-hilang kalahating katawan  babae.

Ang lakas ng sigaw niya. Buhay pa ang babae, umiiyak ito at nagmamakaawa. Ibinagsak ng aswang ang katawan nito sa tapat niya.

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata, hindi iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng nakakabaligtad-sikmurang eksena, pero may hatid na kakaibang kaba sa kanya ang nakikita. Iba ang kutob niya.

"Ang tagal kitang hinintay, Cattleya Romano..." anang aswang.

"S-sino ka b-ba?" hindi pa rin tumitingin na tanong niya.

"Hindi na mahalaga kung sino ako, pero dahil hindi magtatagal at magiging isa ka na sa amin, sasabihin ko na rin sa 'yo."

Napamulagat siya sa sinabi nito. "M-magiging... isa... sa—"

"Oo, magiging isa ka sa amin... Leigh..." Parang idinura nito ang pangalan niya.

Leigh... Doon na siya napatingin dito. Bakit alam nito ang dati niyang palayaw?

"Nagulat ka ano? Kinalimutan mo na ang dati mong palayaw, Leigh, tulad ng paglimot mo kay Renzel," anito habang hinihila ang bituka ng kawawang babae na biktima nito na walang magawa kundi umiyak at magmakaawa.

Umiling siya. Hindi. "Hindi totoo 'yan, hindi ko kinalimutan—"

"Sinungaling!" putol ng aswang kasabay ng padarag nitong paghugot sa atay ng babae na lalong pumalahaw ng iyak.

"Sinungaling ka... Walong taon... Sa loob ng walong taon hinintay kita... Hinintay kita para makaganti, at ngayong bumalik ka na, may ipinalit ka na pala kay Renzel."

Napaluha siya. "Hindi ko kinalimutan si Renzel, hindi ko siya makakalimutan, k-kinailangan ko lang mag-move on... Sino ka ba talaga... Bakit mo 'to ginagawa?"

Ngumisi lang ito. "Malayong kamag-anak ako ng magkapatid. Alam mo bang nahirapan muna si Hansel bago siya namatay?! Namatay rin siya! Ang kawawang batang 'yon! Alam mo bang namatay siya dahil sa 'yo! Ikaw ang may kasalanan! IKAAAAAWW!"

"HINDI TOTOO 'YAN! WALA AKONG GINAWA SA KANILA! SI RENZEL ANG NAGTANGKA NG HINDI MAGANDA SA 'KIN! GUSTO NIYA AKONG KAININ—"

"YAN ANG HINDI TOTOO! GUSTO KA LANG NIYANG ILAYO! GUSTO KA NIYANG MAKASAMA! MAHAL NA MAHAL KA NG PAMANGKIN KO!"

Natigilan siya. Ano nga bang dahilan ni Renzel noon sa pagdagit sa kanya?

"Napaisip ka di ba? Gusto ka niyang makasama habang-buhay, magtatago siya—kayong tatlo ni Hansel. Pero nag-inarte ka, iniwan mo pa siyang naghihingalo. Wala kang kwenta, kayo ng ama mo, at ngayon gusto niyo pang ubusin ang lahi namin," gigil na wika nito habang lumalapit sa kanya, hawak nito ang sariwa at nagdurugong atay ng babaeng naghihingalo.

"A-anong g-gagawin mo?" kabado niyang tanong.

Pumiraso ito sa atay at isinubo iyon, nginuya at muling iniluwa. "Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung bakit tinutugis kami ngayon, gayong napakahabang panahon naming nanahimik. Inuubos kami ng gobyerno ninyo... Kaya marapat lamang na madagdagan kami..."

Nangilabot siya. "Huwag, please, maawa ka..." aniya habang nakatingin sa nginuya nitong atay.

"Ang sariwang atay ng isang donselya na may laway ng aswang ang isa sa mabisang paraan para maging aswang din ang isang tao. Tingnan lang natin kung anong gagawin ng magaling na SIC oras na malaman niyang aswang na rin ang kaniyang anak!" At pilit nitong isinubo sa kanya ang nginuyang atay.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon