Chapter 1

324 13 8
                                        

  The group is composed of five members. Knox, being a serviceman is the team captain, he shows incredible leadership skills, he too is an excellent marksman and an expert in hand to hand combat.

Iris, is a scientist. She formerlly works for the Stravos Research Facility, but due to some issues, she was forced to leave the facility. Rumors saidthat she did'nt have the chance to take part with the YiHan Project.

Neodymium aka ND and Tina are the researchers. Techno geeks and gadget inventors. ND excel in computer hacking and data gathering, a school drop-out but no doubt a genius. Tina on the other hand, uses her brain in creating state of the art gadgets and tools. Her expertise are bugging and wire-tapping.

Roue is also a serviceman, a Synthetron to be exact. Being a Synthetron he's a lot more stronger than Knox. But he ain't the captain coz he's not showing any signs of being a good leader.

***

  MT. CLAVERIO, PHILIPPINES
1739HOURS

Titig na titig si Roue sa gusali ng office of the commander in chief. Hinihintay nyang lumabas mula roon sina Knox at Iris. Ang sabi ni Knox ay sandali lamang ang mga ito, pero papalubog na ang araw ay wala pa ring signs na parating na ang dalawa.

"Roue, ano--wala pa ba? Dumidilim na," ani ND na sumilip mula sa bintana ng RV.

"Negative. Pupuntahan ko na ba?" sagot ni Roue.

"Check mo lang."

And so, he did. Isinuot nya ang infrared scanner at tiningnan ang heat signatures ng dalawang kasamang nasa loob. Nakahinga sya ng maluwag. Papalabas na ang mga ito. May dalang kung ano si Iris. Malamang ay ang bago nilang mission order.

"On the way out," aniya.

"Haay, salamat, akala ko aabutin tayo ng gabi dito eh. Ayoko pa namang mag-drive kapag madilim na." Pumwesto na sa manibela si Tina.

Sumakay na rin si Roue at hinintay na makapasok sa RV ang dalawang kasama, bago pinaharurot na ni Tina ang sasakyan. Papalubog na ang araw. Hindi magandang abutan sila ng dilim sa daan...

"Tama si ND, sa atin nga in-assign ni Mr. CIC ang paghahanap kay YiHan," ani Iris habang binabasa ang intel report.

"YES!!!" Sabay na sigaw ni Tina at ND.

"Anong nakakatuwa doon? We don't even know what kind of a creature that YiHan is. Baka yun pa nga ang pumatay kina Dr. Hakudo." kunot-noong sabi ni Knox.

"But he can also be our final hope. Baka din hindi sya ang pumatay kina Dr. Hakudo." Nakipag-fistbump pa si ND kay Tina.

"Kung hindi sya, eh sino? According to the research journal, si PX670-352 ang pinakamalakas sa lahat ng test subjects, mas malakas sa synthetrons--"

"Ehem..."

"Oh, I'm sorry, Roue." hinging-paumanhin ni Iris sa kasama na nasaling yata ang damdamin. "Anyway, as I was saying, kung talagang hindi sya ang pumatay doon sa mga nasa Stravos, eh nasaan sya? Bakit bigla syang naglaho after the chaos?"

"Hiding. Coz he really is the murderer." punung-puno ng kasiguruhan si Knox ng sabihin iyon. Sa grupo, si ND at Tina lang ang naniniwala na inosente ang PX670-352.

"Ang judgmental nyo. Let me remind you guys, a suspect is to remain innocent unless proven guilty by the jury. Suspect pa lang ang YiHan na 'yon, pero kung magsalita kayo, parang andoon kayo sa Stravos noong nagkagulo at nakita nyo ang buong pangyayari." May himig pa ng pagtatampo sa tinig ni ND.

Nagkatinginan si Knox at Iris at nagkibit-balikat.

"Eh ikaw, kung ipagtanggol mo sya, para kang naroon sa Stravos noong nagkagulo at nakita mo ang buong pangyayari," sabi ni Roue.

YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon