"NAHIHIYA kasi ako kina Dr. Cruz, " sagot ni YiHan kay Raguel nang itanong nito kung bakit sa Rachelle pa ito matutulog gayong may silid namang inookupa ang grupo sa inn.Ngumisi lang si Abdiel at tumingala sa nakabukas na bintana. "Dapat lang na mahiya ka, anlaking perhuwisyo mo kina Kinuel—"
"Parang hindi kayo nakaperhuwisyo ah," singit ni Aster na ikinataas ng kilay ni Raguel at ikinalingon sa kanya ni Abdiel. "Kung hindi kayo mga mukhang pera, hindi makakagat ng aswang si Capt. Barton."
"Hoy," ani Raguel sabay duro kay Aster. "Para lang alam mo, yung tatay ni Kinuel ang numero unong mukhang pera, siya ang nagpaplano ng lahat."
"Si Mikhail ang may pakana ng mga ginagawa namin. Sumusunod lang kami," dugtong naman ni Abdiel.
Tiningnan lamang ni Aster ang mga kuko nito bago walang ganang sumagot. "Yeah, right, wala nga naman kayong mga sariling pag-iisip kaya susunod—huwag mo akong susubukan, Aaron." Nai-headlock kaagad nito si Abdiel na bibigwasan dapat siya.
Gigil na nagpilit kumawala si Abdiel sa lalaki. "Bitiwan mo 'ko, Coolidge!"
"Guys, kung magkakagulo lang kayo, pwede doon kayo sa labas?" walang buhay na wika ni YiHan.
"Onga," sabad ni Raguel na nasa loob na ng sleeping bag at may eyemask pa. "Labas na, matutulog na ang gwapo."
Ngingisi-ngisi lang si Aster bago dahan-dahang binitiwan si Abdiel na agad nag-alpas. Himas nito ang leeg habang nanlilisik ang mga mata at nagtatagis ang mga bagang.
Itinaas lang ni Aster ang mga kamay at ngumisi. "Hindi ako lalaban, Aaron..."
Itinaas naman ni Abdiel ang gitnang daliri bago lumabas ng truck.
"Abdiel, saan ka pupunta—" Lagapak na lang ng bakal na pinto ang tumugon kay YiHan.
"Malaki na siya, YiHan. He's got full responsibility of himself. Hayaan mo na—natin siya," ani Aster habang sumusuot na rin sa isang sleeping bag.
Hindi na kumibo pa si YiHan. Naiisip na lang niya na paano kaya siya makaka-survive sa mga susunod na araw na kasama ang mga taong alam niyang sinisisi siya sa pagkawala ng ilang kaibigan ng mga ito.
Nakakahiya.
"HELLO? Office of the Commander in Chief, who's on the line, please?"
Napalunok si Iris at napatingin kay ND pagkarinig sa tinig na nagmula sa speaker ng laptop. Sinenyasan siya ng lalaki na sumagot.
"Ah, ahm... S-si Cruz... Cruz Iris. ID number GIC-20931023-352."
"Let me confirm your identification first... O—K... Professor Cruz, this is Dylan Spolavsky of the Office of the CIC, how may I help you?"
"Ahm, Dylan, k-kasi... K-kasi... "
ND impatiently rolled his eyes. "Akin na nga." Bahagya nitong itinulak si Iris palayo sa laptop at siya na ang nagsalita.
"Hello? This is Neodymium Xavier, ID number BNX-20920518-136. May ire-report—"
"OK, hold on a sec, mister, I will just confirm your—"
"I'm under Captain Barton's command, Barton. Knox Angelo Barton—"
"Yes, sir. Kino-confirm ko lang po—OK, you're with Prof. Cruz, right? What are your—"
"Nasa amin si YiHan. Natagpuan na namin siya," walang gatol na putol ni ND sa sagutan nila ng nagpakilalang si Spolavsky.
Si Iris naman ay tahimik lang na nakatingin sa lalaki. "ND..."
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science-FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage