PAGKATAPOS ay sunod-sunod na putok ang kanilang narinig, mula sa iba't-ibang matataas na kalibre ng baril.
Nang lingunin nina Knox ang pinagmumulan ng putok ay halos mabulag s'ya sa liwanag. May mga silhouette ng tao na unti- unting lumalapit habang nag-i-spark ang nozzle ng rifle ng mga ito.
"Captain..." halos hindi na marinig ni Knox ang tinig ni Roue sa pinaghalong ingay ng rumerepekeng baril at atungal ng mga nasasaktang Level 10.
Nasusunog sa liwanag ng grupong dumating ang mga halimaw, hindi rin maka-abante ang mga ito dahil sa mga bala na kasalubong ng mga ito. Mukhang nakahanap ng katapat ang mga Level 10...
Dalawang tao ang lumapit sa kanila at inalalayan syang makatayo.
"Sino kayo? Are you the retrieval party—"
"No sir, we're not with the government," tugon ng lalaki kay Roue.
Habang nagpuputukan ay inilalayo naman sila sa gulo. Isang anino ang sumalubong sa kanila. Nag-squint si Knox para maaninag ang mukha ng anino, pero hindi pa rin n'ya ito makita.
"Kamusta, Kinuel?" anito.
Kinuel? Tinawag s'yang Kinuel ng kaharap n'ya, ito rin ang narinig nilang nag-utos kanina, at doon lang naging pamilyar sa kanya ang tinig nito.
"Mikhail?"
"Magkakilala kayo, Cap?" tanong ni Roue.
"Sumakay na kayo, mukhang masama ang lagay mo," sabad ni Mikhail, at ipinahatid na sila sa isang trailer truck.
"Tinawag ka n'yang Kinuel, Cap," muling usisa ni Roue nang maayos na sila sa loob at ginagamot ang mga sugat.
Tumango si Knox. "Yun ang codename ko... when I was still with the Archangels."
***
IKINURAP-KURAP ni Tina ang mga mata, inaantok pa s'ya at sumasakit ang buong katawan, ngunit pinilit n'yang bumangon, may kakaiba s'yang nararamdaman.
Parang may dapat s'yang gawin imbes na matulog at magpahinga sa infirmary. Huh? Infirmary? Nang suriin n'ya ang sarili ay tadtad s'ya ng galos at benda.
"Anong nangyari? ND, Iris, Cap— Shit! Sina Captain!" Kahit nahihirapan ay bumaba s'ya sa kama at lumabas.
"Ma'am, magpahinga pa kayo!" awat ng nurse na nakasalubong n'ya.
"Miss, anong oras na?"
"1am po. "
"1am?! Sigurado ka?!" gulat n'yang tanong.
Hinawakan s'ya ng nurse sa braso at pinilit pabalikin sa kwarto n'ya. "Opo, ma'am, 12hours kayong tulog ng mga kasama n'yo."
"12hours?!" Pumalag sya at tumakbo, kailangan n'yang hanapin sina Iris, kailangan nilang hanapin sina Knox.
"Ma'am! Ma'am! Sandali lang, kailangan nyo pang magpahinga! Guard! Kuya, habulin n'yo yung babae!"
Pinagbubuksan nya ang mga silid sa paghahanap sa dalawang kasama, hanggang sa nakita nya si Iris na nakaupong nakatulala sa cot nito. "Iris! Iris, sina Capt—"
"They're gone, Tina," anito habang sumisinghot.
"A-ano? Pa'no mo nasasabi 'yan? Hindi pa natin sila nakikita, siguradong lalaban sina Captain! Isa pa, kasama n'ya si Roue." Ayaw nyang maniwala, baka nananaginip lang si Iris.
Ngunit isang eyeshield ang ipinakita nito sa kanya, may serial# BK7478—military serial# ni Knox, basag na iyon ngunit nang i-play n'ya ang recorded video ay lumabas ang imahe ng isang aswang na lumilipad, dinig pa ang sigaw ni Knox na mukhang nahuhulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/104938238-288-k346074.jpg)
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage