HINANAP ni YiHan ang mga kasamahan sa makapal na usok ng mga rumerepekeng baril. May naaamoy siyang dugo. Kung hindi siya agad kikilos ay tiyak na mamamatay ang mga ito.Natigilan saglit ang mga Synthetron pagkakita sa kaniyang anyo, napanganga ang ilan sa mga ito at sandaling tumigil ang putukan. Unti-unting bumaba ang usok, sapat upang makita niya si Roue, Seraphiel at Abdiel na pare-parehong may tama ng bala sa kung saan-saang bahagi ng katawan. Mukha ngang naghihingalo na ang mga ito sa pagkakabulagta sa semento.
Nagtagis ang kaniyang mga bagang at marahas na nilingon ang mga may kagagawan niyon. Sumigaw siya.
“RESTRAIN HIM!” sigaw rin ng pinuno ng Synthetron.
Akmang susugurin siya ng mga ito upang igapos ngunit tinabig lamang niya ang unang nakalapit sa kanya, sa lakas ng pwersa niya ay lumipad palayo ang lalaki, tumama ang katawan nito sa isang pader at pumulandit ang dugo roon.
Halatang nasindak sa nasaksihan ang mga ito kung kaya't nagsi-atrasan, ngunit pinaulanan naman siya ng mga balang kapag tumama sa kaniya ay para siyang kinukuryente, iyon yata ang tinatawag na copper cartridge ng Kasanov.
Kahit tinatamaan ay sumugod siya sa mga Synthetron, hindi iniinda ang sangkaterbang balang tumatama sa kaniya, kailangan niyang mailayo ang mga ito kina Roue.
Hinawi niya ang mga ito at tumakbo palayo, nagpahabol siya. Kinagat naman ng mga ito ang pakulo niya, paglingon niya ay humahabol na nga ang mga Synthetron.
“STOP SHOOTING! HE'S SUPPOSE TO BE ALIVE!” utos muli ng pinuno.
“But sir! He's getting away!”
“In his condition, he won't get too far...”
At tila nga patunay sa sinabi ng Synthetron ay napaluhod si YiHan at napaubo. Dugo ang lumabas sa kaniyang bibig napahawak siya sa kaniyang tiyan dahil nanlalamig iyon. Nakapa niya ang hindi mabilang na butas doon.
May sumipa sa kaniyang likod na dahilan ng tuluyan niyang pagtumba.
“I don't think this beast'll gonna live.” Dinig niyang anang isang babae.
“That's why we have to move fast—QUICK! RESTRAIN HIM!” sagot muli noong pinuno.
Sa nagdidilim na paningin ay nakita pa niyang halos madulas ang ilang Synthetron dahil sa dugo niyang bumaha na yata.
ISANG truck ang natanaw ni Abi na paparating. Tumayo siya sa gitna ng kalsada at kumaway nang kumaway, may kasama pang sigaw.
“TULONG! PARA N'YO NANG AWA! KAILANGAN NAMIN NG TULONG!” Naglulundag na rin siya, panay ang pahid niya ng luha habang panaka-nakang nililingon ang mga nakahandusay na lalaki.
Kaninang umaga lang ay ang kukulit pa ng mga ito habang nagpapayabangan ng muscles, naiinis pa nga siya dahil ayaw siyang tulungan na magluto, pero hindi naman niya hinangad na ganito ang mangyari.
Muli siyang kumaway at tumalon. Malapit na ang truck, sigurado ring napansin na siya ng driver nito.
“TULONG! PLEASE! TULUNGAN...” Natigil siya sa paghiyaw at pagkaway nang makilala ang truck.
Sa itaas niyon ay may naka-cursive na pangalan ng babae—Janelle. Habang sa pinakanguso niyon naman ay may logo ng isang cowboy na may puting pakpak, may malalaking letra na nakakurba sa uluhan nito;
†† ★ÄRK- ‚ĀN-JELS★ ††
“Archangels?” Pagkabigkas niya ng katagang iyon ay saktong tumigil sa 'di-kalayuan ang sasakyan.
Nagsibaba ang sakay niyon sa pangunguna ni Gabriel.
Ngiting-ngiti ito habang papalapit sa kaniya. “Abigail! Kamusta ang paborito naming aswang?!”
BINABASA MO ANG
YiHan Book 1, 2 & 3 [COMPLETED]
Science FictionIn a world where fear and darkness reigns. There are only two rules: Fight or be eaten... First published in University of horror Stories Philippines on Facebook. written by jayehatake aka Sixth Hokage